Nasa harapan kami ngayon ng isang kulay itim na gate, hindi ito gano'n kataasan ngunit sapat na upang matumbasan ang taas ng isang tao. Ilang saglit pa ay nakita ko na rin kung paanong mag-doorbell itong si Jeera sa gate ng sarili nilang bahay. Hindi nagtagal ay pinagbuksan na rin kami ng isang ginang, bumungad ito sa amin no'ng tuluyan na kaming makapasok dito sa loob ng gate. Inakala ko no'ng una na siya ang mama ni Jeera, sa itsura kasi nito ay masasabi kong nasa 50s na ang edad niya. "Thank you po, Aling Carmen," no'ng sinabi 'yun ni Jeera ay roon ko lang din napagtanto kaagad na hindi naman pala ang ginang na ito ang mama niya. No'ng makarating na kami nang tuluyan sa harapan nitong bahay nila ay roon ko lang din nasipat ang kabuuan ng labas nito. Bungalow ang bahay pero maganda

