Chapter 27

1043 Words

Halos mangangalahating oras na ngayon mula no'ng sumakay ako rito sa trycicle, dahil mag-aalas otso y medya na ngayon ng umaga. Hindi ko alam kung sadyang mabagal lang ba talagang magpatakbo ng trycicle itong si manong driver, o malayo lang talaga sa lugar nila Auntie Sylvia ang kinaroroonan ng bayan. Bahagya nalang akong napailing at napasandal sa lean nitong upuan at pagkatapos ay napatingin nalang ulit ako sa labas. Ang mga bahay na nadaraanan namin kanina lang ay napalitan ng ilang nagtataasang building, may mga ilang shop na rin akong nakikita sa paligid. Siguro ay nakarating na kami ngayon dito sa bayan at mukha ring malapit na rin ako ritong ibaba ni manong trycicle driver. Pagkatapos ng halos dalawang minuto ay tuluyan na ring tumigil itong sinasakyan kong trycicle, napansin kon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD