"Kung hindi na kita mapipigilan sa gusto mo, sige. Pero mag-iingat ka ha at babalik ka rito." Nag-angat ako ng tingin sa kanya at ngayon ay nakatitig lang pala ito ngayon sa akin. Para lang kahit paano ay mapanatag siya, tumango nalang ako sa kanya para sabihing pumapayag ako sa gusto niyang mangyari na bumalik ako rito. Ilang segundo lang ay nakita kong unti-unti na ring gumuhit ang matamis nitong ngiti sa mga labi niya, bago ito tuluyang magbaba ng tingin sa mga pagkaing nakahain ngayon dito sa ibabaw ng dining table. Maaga na niyang pinagluto si Auntie Vilma dahil nga sa gagawin kong pag-alis. "Let's eat, para naman maaga mo nang masimulan ang paghahanap sa hahanapin mong hospital. Are you sure hindi mo talaga gusto na samahan nalang kita?" sa sinabi niyang 'yun ay kaagad na rin akong

