"Kilala mo siya?" sa tanong kong iyon ay halos hindi ko na magawa pa ang huminga. Pakiramdam ko ay unti-unti na ring nilalamon ngayon ng matinding kaba ang puso ko dahil sa mga bagay na posibleng malantad sa akin sa mga oras na ito. "Siya 'yung batang napadpad dito noon, labing-pitong taon na ang nakalilipas. Sigurado ako roon dahil ako mismo ang siyang dumukot sa kaniya no'ng araw na iyon," sa mga narinig kong sinabi niya ay sandali na akong natulala at natigilan. Halos bumigat na rin ang paglunok ko dahil sa tuluyang paglamon sa akin ng labis na kaba at pagkadismaya. "K-kung gano'n...n-nasaan na siya ngayon?" naisatinig kong tanong sa isang bagay na bigla na lamang pumasok sa isipan ko. "Sa pagkakaalala ko ay isang taon din ang itinagal ng batang ito rito, bago siya tuluyang sumama s

