Napabuntong-hininga na lamang ako sa kawalan, no'ng sandaling makumpirma kong si Toby nga ang lalaking nakasubsob ngayon dito sa ibabaw nitong counter. Akma ko na siyang hahawakan sa balikat no'ng matigilan pa ako dahil sa pagdating ng isa pang lalaki. "Ah Ma'am? Kayo na ho ba 'yung susundo kay Sir?" pamilyar ang boses nito sa akin, at mukhang siya rin iyong bartender na nakausap ko kanina sa phone call. "Oo, a-ako 'yung tinawagan mo kanina," no'ng marinig nito ang sagot ko ay kaagad na ring nagliwanag ang mukha niya. "Naku po Ma'am! Mabuti naman po at nandito na kayo!" sa tono ng pananalita nito ay para bang nakahinga na ito nang maluwag. Ilang segundo pa ay napansin ko na para bang mayroon itong kinukuha sa ilalim ng isang notebook, no'ng makuha niya na ito ay kaagad niya namang inia

