Habang banayad kong ipinupunas ang bimpo ay halos hindi ko na rin magawa pang tumingin ngayon nang maayos sa hubad na katawan ni Toby. Iniiwasan kong mapatitig sa kaniya dahil kanina ko pa nararamdaman ang pag-akyat ng hindi ko maipaliwanag na kaba sa dibdib ko. Pakiramdam ko rin ay bahagya na ngayong umiinit ang mga pisngi ko dahil sa ginagawa ko ngayon. Marahan akong napasinghap no'ng sa wakas ay natapos na rin ako sa pagpupunas ko ng bimpo. Sandali kong iginala ang mga mata ko sa paligid para hanapin ang kinalalagyan ng closet ni Toby rito sa kwarto niya. No'ng makita ko na kung saan nakalagay iyon ay napako na rin ang paningin ko roon. Akma na sana akong tatayo mula rito sa pagkakaupo ko no'ng bigla pa akong matigilan dahil sa biglaang pagbubukas ng pinto rito sa kwarto. Bahagya na

