Chapter 8

1073 Words
Huminto ang sinasakyan naming kotse sa harapan ng isang kulay pula at bakal na gate, hindi naman ito gano'n kalapad at hindi rin ito gano'n kataas. Pero bago pa kami makarating dito ay nadaanan pa namin kanina ang isang mahabang eskinita, at halos lahat ata ng tao roon ay kilala itong pulis na kasama ko ngayon. "Nandito na tayo sa amin," sabi nito sa akin, bago pa nito tuluyang magawa ang bumusina nang malakas. Pareho kaming nakatitig ngayon sa harapan ng gate dahil mukhang inaantay nitong may magbukas ng gate. Ilang saglit pa ay napansin ko na rin ang marahang pagkakahati ng gate sa dalawa dahil sa pagbubukas nito. Napansin ko rin na isang babae ang nagbukas ng gate at sa tantya ko ay nasa edad 40 na ito, hindi ko tuloy naiwasang isipin na baka siya na ang Auntie na tinutukoy nitong pulis na kasama ko. Habang nasa biyahe kasi kami kanina ay nasabi nito sa akin ang tungkol sa auntie niyang kasama niya ngayon sa bahay. Hindi ko masiyadong magawa ang maging komportable sa pakikipag-usap niya sa akin dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit parang sobra na ang ibinibigay nitong tiwala sa akin. Gano'n nga ba talaga ang mga mababait na tao? Mabilis magtiwala at parang hindi iniisip na may mananamantala at gagawa sa kanila ng masama? "Sir Toby, magandang gabi po," sabing pagbati ng ginang na nagbukas ng gate. Rinig na rinig ko 'yun dahil nakababa ang bintana nitong kotse sa may gilid nitong pulis na katabi ko. "Magandang gabi rin ho, Auntie Vilma." Bahagya namang nangunot ang noo ko dahil sa narinig kong sagot nitong pulis sa tabi ko. Ang ibig bang sabihin nito ay tama ako? Ito nga ang auntie niya? Pero bakit sir naman ang tawag nito sa kanya? Ilang segundo lang ay natuon na rin ang pansin ko sa harapan nitong isang bahay, nakapasok na kasi nang tuluyan itong sinasakyan naming kotse rito sa loob. Nakita kong simple lang ang bahay pero may second floor ito, kulay puti ang pintura ng buong pader ng bahay, samantalang parang kulay coffee brown naman ang pintura ng bawat gusali at poste. Matapos niyang i-park itong sasakyan sa maliit na garage nitong bahay ay tsaka naman ulit ito nagsalita. "Tara na," sabi nito sa akin, bago ko pa tuluyang marinig ang pagbubukas nito ng pinto ng kotse sa may gilid niya. Nang balingan ko siya ng pansin ay nakababa na ito nang tuluyan sa kotse, kaya naman sinundan ko na lang din siya ng tingin. Naglalakad na ito ngayon sa may likuran nitong kotse at mukhang tutuloy na nga siya sa loob ng bahay nila. Hindi ko na lang napigilan ang mapakagat nang bahagya sa ibabang bahagi ng labi ko, dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga gaanong matanggap sa sarili ko na kinailangan kong pumayag sa alok ng pulis na 'yun sa akin para lang maka-survive ako. Ilang segundo pa ay wala sa oras na nanlaki ang mga mata ko no'ng marinig kong mabuksan ang pinto nitong kotse sa gilid ko. Kaagad namang bumungad mula sa labas nito ang pulis at nakangiti itong tumango sa akin. "Ano pa bang hinihintay mo riyan? Tara na," sa sinabi niyang 'yun ay wala na akong ibang isinagot pa kundi ang marahang pagtango sa kanya. Tulad ng ginawa niya kanina lang ay bumaba na rin ako mula rito sa sasakyan, nang makatapak na nang tuluyan ang mga paa ko sa semento ay kaagad na rin akong umalis sa tabi ng pinto ng kotse dahil mukhang isasara na niya ito. "Tara, sumunod ka lang sa'kin." Sinundan ko lang siya ng tingin habang naglalakad na ito ngayon papunta sa harapan ng bahay. Magdalawang-isip man ako ngayon sa pagsama sa kanya sa loob ay wala na rin naman akong magagawa, nandito na ako at kailangan ko na lang kapalan ang pagmumukha ko para lang makituloy rito. Kung 'yun lang ang natatanging solusyon sa kalagayan ko ngayon. Napabuntong-hininga na lamang ako bago ako tuluyang magdesisyong sumunod sa kanya, ilang hakbang pa ang ginawa ko ay bumungad na sa akin ang simpleng garden sa harapan nitong bahay. Maraming paso ng halaman at bulaklak, may mga nakasabit ding halamang, pero hindi naman nito natatakpan nang tuluyan ang harapan ng bahay. Nang tuluyan na akong makasunod sa kanya ay parehas kaming huminto sa harapan ng main door nitong bahay. Medyo malapad ang pinto at parang gawa ito sa makapal at matibay na materyales na tabla. Ilang saglit pa ay nakita kong pinihit na rin nito ang door knob nitong pinto, na siyang naging dahilan naman ng agarang pagbubukas nito. "Halika, tumuloy ka," sabi nito sa akin. Pero hindi man lang ako nag-abala pang magbuka ng bibig para lang magsalita at sumagot pa sa kanya. Hinintay ko na lang na tuluyan na itong pumasok sa loob ng bahay, nang makapasok na ito roon nang tuluyan ay napabuntong-hininga na lang ako. "Bahala na, nandito na ako kaya itutuloy ko na talaga 'to." Napasinghap na lang ako sa mga nasabi ko sa isip ko. Hindi nagtagal ay tuluyan ko na ring inihakbang ulit ang mga paa ko para maglakad at pumasok na sa loob nitong bahay. Nang makapasok na ako nang tuluyan ay kaagad namang bumungad sa akin ang isang simple at maaliwalas na disenyo nitong bahay. Ilang segundo pa ay naagaw naman ng babaeng nagbukas kanina ng gate ang atensyon ko, no'ng sumunod din itong pumasok dito sa loob at isinara ang main door. "Magandang gabi ho, Ma'am," sabi pa nito sa akin, bago ito tuluyang umalis at maglakad palayo sa kinatatayuan ko ngayon. Sinundan ko lang ito ng tingin at nakita kong nagtuloy-tuloy ito sa kanang direksyon at pasilyo. "Auntie, may kasama nga po pala ako." Kaagad namang nabaling ang pansin ko sa harapan ko no'ng marinig ko ang boses ng pulis na nagdala sa'kin dito. Wala sa oras na nangunot ang noo ko dahil kasama niya ang isa pang babae, sa tingin ko ay kaedad niya lang din ang babaeng bumati sa akin kanina lamang. Matapos lang ang ilang segundo ay tuluyan na rin silang nakalapit dito sa kinatatayuan ko, kaya naman hindi ko na lang naiwasan ang mapalunok sa sarili kong laway. "Magandang gabi sa'yo, Ija," sabi ng babae sa akin, bago pa ito tuluyang ngumiti nang matamis. Hindi naman ako nagdalawang-isip na tumango sa kanya bilang sagot sa naging pagbati niya sa akin. "Ahh, siya nga pala ang auntie Sylvia ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD