Hindi ko alam kung isa ba akong masama o mabuting tao noon bago pa nawala ang mga ala-ala ko. Hindi ko rin alam kung may mga nagawa na ba akong masasamang bagay sa ibang tao noon, o 'di kaya ay nagawang mabuti para sa kapakanan ng iba. Malalaman ko lang kung alin sa dalawang bagay na 'yun ang nagawa ko, sa oras na nagbalik na ang mga ala-ala ko. Pero sa ngayon, wala akong ibang gusto kundi ang matigil na ang hindi magandang nangyayari rito sa coffee shop ni Auntie Sylvia. Alam kong mahalaga para sa kanya ang cafe na ito at siguradong hindi niya magugustuhan kung magpapatuloy pa ang mga masasamang bagay na nangyayari rito. Kaya naman bilang pagtanaw ng utang na loob ay ako na ang gagawa ng paraan para simulan ang pagsugpo nito. "S-Sigurado ka b-bang gusto mong ikaw na?" tanong sa akin nit

