Pagkapindot ko sa doorbell na malapit lang dito sa doorknob ng pinto nitong condo ay tahimik nalang akong naghintay na pagbuksan ako. Nakatayo ako rito sa harapan ng pinto habang bitbit ang mga kape na in-order ni Mr. Galvez, sa nakikita ko ay mukhang mamahalin naman ang condo unit na ito. Huminga ako nang malalim bago ako mapatango-tango nang marahan, kailangan kong magawa ang pinaplano ko, sa oras na makakuha ako ng ebidensya ay sisiguraduhin kong makukulong ang matandang manyakis na 'to. Ilang sandali pa ay narinig ko na rin ang pagbukas nitong pinto sa harapan ko, kaagad namang bumungad mula roon si Mr. Galvez. Malawak ang ngiti nito no'ng makita niya ako, tinignan na muna ako nito mula ulo hanggang paa, bago ko ito tuluyang marinig na magsalita, "Nandito kana pala. Halika pumasok ka

