Pagkarating namin ni Auntie Sylvia rito sa coffee shop ay kaagad niya rin kaming tinipong lahat na mga empleyado niya para sabihin ang tungkol sa pagiging cafe manager nito pansamantala. Pagkatapos no'n ay bumalik na rin kaming lahat sa trabaho, pero habang nagtatrabaho ako ay hindi ko maiwasan ang maging tulala at lutang tuwing naiisip ko ang tungkol sa napaginipan ko kagabi. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin alam kung iisipin ko bang nanggaling din 'yun sa mga nawala kong alaala, kung may halaga ba ito sa buhay ko o wala. Kung iisipin ay parang ibang-iba ang itsura at pananamit ko ro'n na para bang pupunta ako sa isang sosyal na event. Ilang segundo pa ay bahagya akong natigilan no'ng maalala ko ang sinabi no'ng babaeng sumalubong sa akin sa hagdan, binati niya ako ng 'happy birt

