Halos mag-aalas sais na ng gabi no'ng maihatid ako ni Marrey rito sa bahay nila Toby. Pagkapasok ko rito sa main door nitong bahay ay kaagad namang bumungad sa akin si Auntie Sylvia, sinalubong ako nito ng hindi maintindihang ngiti. Hindi ko alam kung bakit parang pilit ang ngiti niya at kita sa mga mata niya ang konting pag-aalala, hindi ba siya naging komportable sa naging paglabas namin ni Marrey? "N-Nandito kana pala!" Kaagad namang nabaling ang atensyon ko kay Toby, no'ng sandaling marining ko siyang magsalita. Palapit na ito ngayon kay Auntie Sylvia, kaya naman ngayon ay pareho na silang sumasalubong sa akin. "Ahmm, k-kumusta? Naging okay naman ba kayong dalawa ni Marrey?" sa tanong niyang 'yun ay hindi ko na napigilan pa ang sariling isipin ulit ang mga nangyari kanina. Iyong mga

