Chapter 101

1064 Words

Pasado alas-nuwebe na ngayon ng gabi, no'ng sipatin ko ang oras sa suot kong wrist watch. Halos ilang minuto lang ang layo ng pinuntahan naming restaurant mula rito sa bahay. Iyon nga lang ay medyo natagalan kami roon dahil hindi nawawala ang pagkukuwentuhan namin habang kumakain. "Salamat nga pala ulit sa treat mo sa amin. Naku! Napakasarap ng wagyu beef na nakain ko roon," no'ng marinig ko ang mga sinabing iyon ni Auntie Sylvia ay kaagad na rin akong napasulyap sa kaniya. "Wala ho iyon." Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong bibig na mapangiti sa kaniya. Sa totoo lang ay masaya rin sa pakiramdam na sa unang pagkakataon ay nagawa ko silang i-treat. Hindi sana ito mangyayari kung hindi ko pa ipinagpilitan ang pagsagot sa lahat ng mga kinain namin, plano kasi ni Auntie Sylvia na akuin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD