Hindi na magkamayaw sa pagsigaw at pagtakbo ang lahat ng mga bisita rito sa mansion dahil sa sunod-sunod na pagpapaputok ng baril ng mga armadong lalaki, na basta-basta na lamang nag-gate crash dito sa birthday party ni Daddy. "s**t!" wala sa oras na napamura ako no'ng muntikan nang matamaan ng bala ng baril ang braso ko. Mabuti na lamang at nakapagtago pa ako rito sa malapad na poste na malapit lang sa akin, kung kaya't nagawa ko pang iwasan ang mga putok ng baril sa paligid. Halos lamunin na ng kaba ang buong pagkatao ko no'ng maisip ko ang kalagayan nila Mommy at Daddy sa mga oras na ito. Gusto ko silang makita at ipagtanggol kung sakali man na nasa alanganin na silang sitwasyon ngayon, pero hindi ko pa magawa ang umalis dito sa pinagtataguan ko ngayon dahil halos magkabilaan na ang

