Hindi ko na mapigilan ang sarili kong mga labi sa patuloy na pangisi, habang pinagmamasdan ko ngayon ang mga shooting target na nasapul ng mga bala nitong gamit kong baril. "Ravyn? That's enough. Malapit na tayong umalis," narinig ko sabi sa akin ni Mommy, na siyang ikinalingon ko naman sa kaniya. Mukhang kanina pa siya roon sa may pinto at pinapanuod lang ako nito. "Okay, Mom." Bahagya na lamang akong ngumiti sa kaniya, bago ko tuluyang alisin ang mga gloves na nakasuot sa mga kamay ko. Ngayong araw ang alis namin pabalik sa pilipinas, pero walang ano mang alam si Daddy tungkol dito dahil gusto namin siyang i-surprise. Tomorrow is his 54th birthday, at gusto namin siyang makasama sa araw na iyon. Sa limang taon naming pagtira rito ni Mommy sa States ay ngayong taon pa lamang kami mak

