"Those families are members of the Black Raven's Triad," narinig kong sabi sa akin ni Daddy, habang kasalukuyan kami ngayong nakasakay rito sa limo. "Black Raven's Triad? W-what do you mean, Dad?" kaagad kong tanong sa kaniya. "Isa itong organisasyon, tatlong pamilya ang kasapi nito kung kaya't tinawag itong triad." Sandali akong natigilan at bahagya na ring nangunot ang noo ko. "Tatlo? Pero...dalawang pamilya lang naman po ang ipinakilala niyo sa akin," sa sagot kong iyon ay narinig ko lamang ang malakas na tawa ni Daddy. Hindi ko tuloy maiwasan ang lalong ma-curious tungkol sa organization na sinasabi nito ngayon sa akin. "Tayo, anak. Ang ating pamilya ang siyang bumubuo sa triad." Napalunok na lamang ako sa mga narinig ko. "Ilang dekada nang pinamumunuan ng pamilya natin ang organ

