Pababa na ako ngayon dito sa hagdan at malapit na rin ako ngayon sa kinalalagyan ng wall clock. Nakita kong mag-aalas otso na ngayon ng umaga, siguro ay gising na rin ngayon sina Auntie Sylvia at Auntie Vilma. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa kusina na silang dalawa ngayon para mag-prepare ng breakfast. Nang makababa na ako nang tuluyan dito sa ground floor ay kaagad na rin akong nagsimulang maglakad para tahakin ang papunta sa kinaroroonan ng kitchen. Mabilis lang akong nakarating dito sa harapan ng pinto ng kusina, kaya naman hindi na rin ako nagdalawang-isip pang buksan ito. Ilang segundo lang ay kaagad na rin akong nakapasok nang tuluyan dito sa loob, kaagad din namang bumungad sa akin ang dining table at gaya nga ng inaasahan ko ay mayroon na ngang mga pagkaing nakahain dito. Ilang

