Kitang-kita ng mga mata ko ang agarang pagtalsik ng sariwang dugo sa pisngi ni Vendetta, no'ng sandaling hiwain nito sa likod ang isa sa mga tauhan ng mga Cuevas gamit lamang ang kaniyang katana. Ang inosente nitong awra ay kaagad napalitan ng isang mabagsik at nakakatakot na awra. Walang awa nitong pinagtataga at pinagsasaksak ang sino mang lumalapit at naglalakas-loob na labanan siya. Nakita ko rin kung gaano kabilis ang mga kilos ni Grethel sa pakikipaglaban, may husay rin itong taglay pagdating sa paggamit ng baril. "Yaaahhh!!!" Kaagad akong nagbaling sa likuran ko dahilan upang tumambad sa akin si Fredrin na kasalukuyan na ngayong pinagtatadyak ang isang lalaking akma na sana akong gagawaran ng saksak sa likod. "Fredrin!" Mabilis na bumulusok ang mga bala ng mga baril ko patungo s

