No'ng kapwa nang nakataas sa hangin ang mga kamay ko ay tsaka lang din nagdesisyon ang babaeng nasa aking likuran upang ilantad nang tuluyan sa akin ang kaniyang mukha. "How dare yo-" "Jewel, stop it," pagputol ni Don Vito sa dapat sana'y sasabihin ng babaeng kasalukuyan na ngayong nakatayo sa tabi nito. Maganda siya at balingkinitan din ang kaniyang pangangatawan. Ang kutis niya ay kasing puti ng isang paper bond at kulay dugo naman ang kulay ng mahaba nitong buhok. "I'm gonna kill this b***h for you, Dad!" no'ng marinig ko iyon mula sa babae ay sandali na akong natigilan. Hindi ko naisip na magkamag-anak pala sila, ang akala ko ay isa lamang ang babaeng ito sa mga assassin ng pamilya Cuevas. "Stop being stubborn, Jewel!" mariing utos ni Don Vito sa sarili nitong anak. Subalit tila

