Kasalukuyan na kami ngayong kumakain ng agahan at kumpleto rin kami ritong lahat. Hindi maagang pumasok si Toby sa trabaho kung kaya't nandito pa siya at kasalo naming kumakain ngayon ng breakfast. Halos limang minuto na rin ang lumipas mula no'ng tahimik kaming nagsimula sa pagkain, pero hindi na nagtagal pa ang katahimikang iyon no'ng bigla na lamang magtanong sa akin si Auntie Sylvia, "Iha, napag-isipan mo na ba iyong pakiusap ko sa'yo kagabi?" Hindi ko nagawang sumagot kaagad sa tanong nito dahil iniisip ko pa rin hanggang ngayon kung tama ba ang naging desisyon ko. Ilang sandali pa ay bahagya na rin akong nag-angat ng tingin sa kanya, kung kaya't nakita kong nakatitig na rin pala ito ngayon sa akin habang hinihintay ang magiging sagot ko sa tanong niya. Hindi nagtagal ay tuluyan ko

