Sa sobrang lakas ng ulan sa labas ay pansamantala na munang nanitili rito sa loob ng mansion ang magkakapatid na cinco. Hindi na rin naman ako tumutol pa dahil halata naman sa mga itsura nila ngayon na mayroon silang gustong sabihin at linawin sa akin. "Inay Susan, pwede niyo po ba kaming ipagtimpla muna ng mainit na kape?" mahinahon kong saad kay Inay Susan, na siyang kaagad naman nitong tinanguan. "Sige ho, Miss Ravyn. Igagawa ko na ho kayo kaagad ng kape," pagkatapos sabihin iyon ni Inay Susan ay tuluyan na rin itong umalis mula rito sa sala upang magpunta sa kinaroroonan ng kusina. "Miss Ravyn, would you mind me asking kung bakit po kayo nagsinungaling kanina sa meeting?" tulad ng inaasahan ko ay sinimulan na nga ni Vendetta ang pagtatanong sa akin. Maging ang mga kapatid nito ay pa

