Halos isang oras din ang iginugol ko sa paghihintay bago tuluyang makumpleto ang presensya ng lahat ng pamilyang kasapi ng aming organisasyon. Maging ang magkakapatid na cinco ay narito rin upang masaksihan ang pagsisiwalat ko sa mga impormasyong sila rin mismo ang humanap at nag-imbestiga. "Ravyn, can you tell us now what this meeting is all about?" panimulang tanong sa akin ni Tita Onessa. Maging ang iba pang mga narito ngayon sa loob nitong conference room ay kitang-kita sa mga mukha nilang gano'n din ang gusto nilang itanong sa akin. Hindi na lamang ako nagsayang pa ng panahon at kaagad ko na ring sinimulan ang mga dapat kong gawin. "This meeting is all about this person." Sa pamamagitan nitong digital monitor na nasa likuran ko ngayon ay ipinakita ko na sa kanilang lahat ang mukha

