FOUR ❤️

1436 Words
- LUCKY MEGAN - "Are you sure na okay ka lang?" Hindi ko mapigilan ang hindi mag-alala. Tumingin siya sa akin. Pero hindi literal sa mata ko siya nakatingin. Hindi ko alam kung sa leeg ko, sa chin ko or sa boobs ko?! At ito ang nakakailang. Tumingala siya sa akin na as if sobrang tangkad ko naman? Pero kakaiba ang tingin niya. Hindi ko alam kung tingin na nanunuri or nangingilala? Kumamot siya sa ulo niya at may binulong. "May sinasabi ka?" "Um. Wala naman. Okay lang talaga ako. Wala kang dapat alalahanin dahil malayo sa bituka ito. Sige salamat, Miss, at ako'y lalarga na." Tumalikod na siya at umalis. Pero bago pa man siya makalayo sa akin, may nahagip ang malabo kong mata sa bandang braso niya. "Sandali!" malakas na sigaw ko. Tumigil naman siya at lumingon. Mabilis akong lumapit sa kaniya. "May sugat ka sa braso oh." I grabbed his arm and examined. Tumingin rin siya para tingnan ang braso niyang may sugat at medyo nagdurugo. "Okay lang. Galos lang ito at sabi ko nga, malayo sa bituka 'to." "No. It's my fault kaya nagkaroon ka ng galos. I will accompany you to the nearest clinic para hindi ma-infection iyan." Kinuha ko ang kaniyang kamay at marahan siyang hinila palabas ng building. "Sandali lang, Miss. Hindi na kailangan. Peksman, mamatay man si Satanas. Okay lang talaga ako." Nanggilalas ako sa narinig. Satanas?! As in demonyong may dalawang sungay? Iyong pula ang kulay ng balat tapos may hawak na malaking tinidor?! "Ah!" Napasugod ako sa kaniya dahil sa tindi ng takot. Sabi na eh, scary vibes talaga itong lakad namin eh. Baka susunod niyan, maglalabasan na ang mga mumu sa paligid. "Miss, anong nangyayari sa'yo? Para kang may sapi ah." Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa balikat ko. Saka ko lang napansin na nakayakap na pala ako sa kaniya. At infairness, naka-bend ang mga tuhod ko dahil nakasiksik ang mukha ko sa leeg niya. Wadapak! Bigla naman ako kumalas mula sa mahigpit na pagkakayakap ko sa kaniya. Totoo naman na natakot lang talaga ako kaya agad akong napayakap sa kaniya pero hindi ako na nananantsing. "Sorry. Natakot lang ako," mahina kong usal. "Bakit? May nakita ka bang multo?" "Stop! I don't want to hear those scary thing. Puwede?" "Matatakutin ka pala." "Halika na kasi. Dadalhin na kita sa clinic." "No need. Sobrang okay talaga ako. Tingnan mo pa." Sabay posing gaya ni Johnny Bravo or ni Mr. Muscle. Dahil ayoko naman ipahalata na gumagawa lang ako ng paraan para makapag-usap pa kami nang matagal ay hinayaan ko na siya sa gusto niya. "Sige, hindi na kita kukulitin. Worried lang talaga ako kaya gusto kita samahan sa clinic. Sorry." "No problem. Hindi pa naman ako mamamatay. Sige, alis na ako. Marami pa kasi ako gagawin eh. Thanks ha at ingat ka." Can you please take care of myself? Nakakainis. Hindi man lang siya nag-abalang tanungin ang pangalan ko. Sabi lang niya "ingat ka." Akala niya ba matutuwa ako sa sinabi niya? Nakakabitin ang salitang ingat ka. Mga lalaki nga naman, wala man lang ka-concern-concern. Sinundan ko ng tingin ang bulilit na iyon na paakyat ng hagdan. "Megan!" Kahit nanlalabo ang paningin ko, sigurado ako na sina Patricia at Kiray ang nakikita kong pababa ng hagdan. "Grabe, a-ang bilis mo naman...tumakbo. Hi-hindi mo man lang kami...hi-hinintay." Pahingal na pagkakasabi ni Pat sa akin. "My graciousness! What a shocking day it is! Ano ba itong kinasadlakan natin, Pat? Pooooteeeekk! Mare-rape tayo ng wala sa takdang panahon nito eh." Sumingkit na naman ang mata ni Kiray pagkatingin kay Pat. "So, sinisisi mo ako? Ako ang may kasalanan kung bakit nangyari sa atin 'to? Pasalamat ka nga at buhay ka pa hanggang ngayon eh. Saka puwede ba, sino naman ang tangang papatol sayo 'no? Look at yourself nga." Nagsisimula na naman ang riot sa pagitan ng kabayo at kuto. "Aba't! Ang gaga! Hinahamon mo ba ako? Tara, suntukan na lang nang mabigwasan ko iyang pagmumuka mo." Sabay taas ng manggas na sponge bob ang naka-imprinta at handa na talagang manuntok. Niyakap ko si Kiray at pinigilan. "Johanna, stop that." "Eh kasi itong kaibigan mo eh, ang talas ng dila. Sarap chop-chop-in. Pagsabihan mo iyan ah. Namumuro na sa akin iyan." "Puwede ba, Pat, stop acting like a brat and besides, it already happened. Let's just thanks God because nothing bad happened to us. It will be a lesson for everyone. Huwag masyadong excited na sumikat. Okay?" "Ha! Yeah, Meg! Lesson learned. Huwag atat na maging instant celebrity. It will takes a long time talaga. Kung para sa'yo, kusang darating iyan when we least expect it. Got it, Madam Petra?" pang-aasar ni Kiray. "The hell I care!" Lumakad na palayo si Pat. "Huwag mo na kasi patulan, Kiray," bulong ko sa kaniya. "The hell I care too! Badtrip siya eh. Siya na nga sinamahan tapos mag-aasal pa siya ng ganoon. Sakalin ko siya eh." "Hay naku, hindi talaga kayo puwede magsama dahil pareho kayong sasabog. Paano na lang kung wala ako dito? Baka pinaglalamayan na kayong dalawa." "Hindi naman kami aabot sa ganoon 'no. Kahit minsan eh masama talaga ugali ni Pat, hindi ko naman dudungisan ang mga kamay ko nang dahil sa kaniya. Talagang hindi lang mahaba ang pasensya ko para sa kaniya." "Okay fine," tipid kong tugon. "Anong plano niyong dalawa riyan? Hindi ba, kanina pa kayo atat umuwi? Tara na at baka abutan pa tayo ng ulan. At baka habulin pa tayo ng mga loko-lokong iyon." Mataray talaga si Pat at sanay na ako sa ugali niyang iyon. Mahaba naman ang pasensya ko kaya keri ko lang. Pero si Kiray, maliit lang ang pisi ng pasensya kay Pat kaya madalas ay laging nagtatalo ang dalawa. Hindi ko nga lang alam kung bakit hanggang ngayon eh magkasama pa rin sila. Lagi naman kabayo't kuto ang senaryo ng dalawa. Pagkaalala sa mga eksenang naganap sa room 1313 ay napakapit ako sa maliit na braso ni Kiray para makasunod ako sa paglalakad nila. Sumunod na kami kay Pat at lumakad palabas ng JAMM Builiding. Masama nga ang panahon pagkatingala ko sa kalangitan. Makulimlim ang kalangitan kahit pasado ala-una pa lang ng tanghali. May kalakasan din ang hangin sa labas. Walang imik na naghintay kami ng masasakyan. Wala pa kaming isang minutong naghihintay nang biglang magtakbuhan ang mga taong nasa paligid namin. Pa'no ba naman kasi, ang ganda ng timing ng panahon. Bigla ba naman umulan! Eh wala pa naman kaming dalang payong. Nakakaloka talaga! "Kay suwerte talaga ng araw na ‘to friendship!" nanggigil na saad ni Kiray. "Tara, balik tayo sa loob. Makisilong muna tayo," aya ni Patricia sa amin. Muli akong kumapit sa braso ni Kiray at mabilis kaming tumakbo pabalik sa pinanggalingan namin. "OMG! Kaasar! Super wet na kami ng Bobby ko! Bakit ba kasi tayo sinusuwerte ngayong araw, Meg?" Lukot ang mukha ni Kiray na tumingin sa damit niya. "Hay naku, hindi ko rin alam." Walang silbi ang hawak kong panyo. Basa na rin pala. "Nasaan pala eyeglasses mo?" nagtatakang tanong ni Patricia. "Oo nga 'no. Hirap ka makakita sa malayo 'di ba?" Balak ko naman talaga hanapin iyong salamin ko. Pero nang dahil sa ka-cute-an niya ay nakalimutan kong bulag nga pala ako. Natameme kasi ako sa kislap ng maganda niyang mga mata na parang laging nakatawa. Paano na iyan? Saan ko naman hahagilapin iyon? Saan ko hahagilapin ang taong iyon na super freshness sa ka-cute-an? Napapikit na lang ako ng mariin nang maalala ko na naman ang lalaking iyon. Megan, ano ba talaga priority mo? Eyeglasses mo na nawawala na hindi mo kakayanin mabuhay kung wala iyon o lalaking bulingit na kanina mo lang nakita? "Pwede both?" "Anong boat?" duet na tanong nila Patricia at Kiray. Napadilat ako at nagtaka ako nang makita kong nakatingin sila sa akin with question mark in their face. "Ah, nawala eh. Nawala iyong eyeglasses ko," palusot dot com kong sagot sa kanila. "Nawala? Paanong nawala eh nandiyan lang iyan sa mata mo kanina ah?" Hindi kumbinsido si Patricia sa sinagot ko. "Eh sa nawala talaga eh. Hayaan niyo na iyon. Bibili na lang ako ng bago." Bigla akong gininaw. To think na above the knee ang suot kong palda at manipis na white long sleeve ang pang-itaas ko. Kahit nasa loob na kami ng building na hindi naman de-aircon ay nakaramdam talaga ako ng ginaw. Kami na ang nabasa sa ulan 'di ba? "Miss, sa'yo yata to." Sabay kami napatingin sa lalaking nagsalita
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD