THREE ❤️

1445 Words
- LUCKY MEGAN - Kung ano ang kinapanget nang panglabas na anyo ng building ay siya namang kabaligtaran sa loob ng kuwarto. Maganda ang loob kahit na medyo makalat. Pero hindi ito ang inaasahan kong makita. Ang inaasahan ko ay ang typical na office. May mga empleyado na mag-aasikaso sa mga aplikante. May mesa, may computer, may telepono, at kung ano-ano pa na madalas mong makita sa opisina. Pero kakaibang agency ito dahil para lang ‘tong bahay. Or studio type kung tawagin. Kita lahat ang living room, kitchen at dalawang kuwarto. Siguro iyong isa doon ay para sa CR at ang isa naman ay kuwarto. Kung kanina ay takot ako, mas dumoble pa ang takot na nararamdaman ko ngayon. Tumingin ako sa direksyon nila Kiray at Pat. Halata na rin sa mukha ni Pat ang pag-iisip habang si Kiray naman ay na-e-enjoy pa ang nagaganap. "Kumain na ba kayo? It’s almost lunch time at hindi pa ako kumakain. Sabayan niyo na ako. Have a seat at maghahanda lang ako." Naghanda nga ng makakain si Edgar. "Nice place, Edgar. Ikaw lang mag-isa rito?” Curios na tanong ni Kiray. "No. I’m with my cousins." "Cousins? Lalaki or Babae?" Si Kiray ulit. "Guy." Hindi na nahiya. Hindi man lang nagbihis ng disente. Gusto pa talaga ibuyangyang ang bukol niya sa harap?! Megan, masyado ng malikot ang imahinasyon mo. May bukol talaga? Ugh! Kung ano-ano na pumapasok sa isip ko nang dahil sa pesteng katawan na iyon eh. Hindi ko alam kung magagawa ko pang umupo pero hindi talaga maganda itong nangyayari. Nilapitan ko si Pat at bumulong "I have a bad feeling about this. It's time to go. Kausapin mo na si Kiray." "Let’s just wait. Huwag tayo masyado mapanghinala sa nakikita natin. Baka may extension lang siya going through sa office niya." "Are you kidding? Marami pang agency na puwede natin puntahan. Kaya let’s go home kung ayaw nating magsisi sa bandang huli." "Okay fine, if that’s what you want. Lalapitan ko na si Kiray." Napahigpit ang hawak ko sa dala kong rosary na nasa bulsa ng skirt ko. Lagi ko itong dala saan man ako pumunta. Nakita kong binulungan ni Pat si Kiray. Habang si Edgar ay nakatalikod sa kanila at nag-iinit yata ng pagkain or whatever kaya hindi niya napansin na nagbubulungan ang dalawa. Sa pagkakatayo ko ay bigla akong napalingon sa pintuan ng kuwarto. Parang may narinig akong boses ng tao. Binalik ko ang tingin kanila Kiray at Pat at halata na nagde-debate naman ang dalawa. Napalingon na naman ako sa pintuan nang makarinig na para bang nag-uusap. Dala ng kuryusidad ko ay nilapitan ko ang pintuan. Nilapat ko ang dalawa kong palad sa pintuan at dinikit ang kanang tainga ko para malinaw kong marinig ang pinag-uusapan ng tao sa loob. Hindi talaga ako chismosa pero nacu-curious lang talaga ako. "Oohhhhhh aaaahhhhhh." "Yes, baby. Sagad mo pa." Nanlaki ang mata ko sa narinig at agad kong tinakpan ang bibig ko para pigilan na sumigaw. Agad akong tumakbo at hinila ang kamay ng dalawa. "Let's go home, please." Pinilit kong pakalmahin ang boses ko para hindi naman mataranta ang dalawa kahit sobrang kinakabahan na ako. Saka naman lumingon sa amin si Edgar. "Why, what's going on?" Tumingin ako ng masama kay Edgar. "What with the tigress look?" pang-aasar niya. "Ano bang nangyayari sa’yo, friend?" naguguluhan na tanong sa akin ni Kiray. "Mga demonyo ang nakatira dito. Kaya kung ayaw niyong masunog mga kaluluwa niyo, umuwi na tayo. Ngayon din! Mamaya ko na ipapaliwanag sa inyo. Bilis na! " Nang biglang may kumalabog mula sa kuwarto. Napalingon sila Kiray at Pat sa pintuan. “May bumagsak yata sa loob?" nag-aalalang tanong ni Patricia. "Wala iyon. Naglalaro lang iyong aso at pusa ko sa loob." "Really?! Wow, that’s nice! Megan likes cat. Meow." Loka-loka talaga itong si Kiray. Nagagawa pa talaga niya ang magbiro. May kumalabog na naman mula sa kuwarto. Mukhang nagkakagulo na sa loob pero si Edgar, pa-easy easy lang ang hinayupak! "Grabe naman maglaro iyang aso at pusa mo. Hindi mo man lang ba sila sisilipin at baka may mga gamit pang puwedeng bumagsak doon?” concern pa ang lagay ni Patricia sa tanong niya. Sasagot pa sana si Edgar pero bumukas na ang pinto. At parang lalabas na ang eyeballs ko sa sobrang SHOCKING! Hindi ko na maigalaw pa ang kamay ko para takpan ang mga mata ko. Para akong na-stroke pagkakita sa tatlong nilalang na lumabas ng kuwarto. "What the hell." Iyon lang ang narinig ko kay Pat at mabilis akong tumakbo palabas ng mala-demonyong kuwarto na iyon. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Hindi ko inaasahan ang nakita ko. Feeling ko ang dumi-dumi na ng mata ko dahil doon. Parang gusto kong buhusan ng holy water. Malabo na nga mata ko, magkakasala pa nang dahil doon. Binilisan ko ang pagbaba ng hagdan. Sa sobrang pagmamadali ko na bumaba ay may mali akong nagawa. WRONG MOVE! Sumabit ang paa ko sa railing ng hagdan. Ang tanga din kasi ng paa ko ‘no? Wala na akong nagawa para pigilan ang mangyayari. Hinintay ko na lang na lumagapak ang katawan ko sa sahig. Napapikit na lang ako at taimtim na nagdasal sa Panginoon na huwag naman sana ako mapuruhan ng bongga. Wala sanang butong mawasak sa loob ng aking katawan. Nakapikit pa rin ang mga mata ko habang nakalutang sa ere. Hinihintay na lang ang paghalik ng sahig sa katawan ko. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay maiiba ang sitwasyon. Imbes kasi na makaramdam ako ng sakit sa katawan o sa mukha, parang may ibang tao ang pumasan ng mga iyon. May narinig akong impit ng daing malapit sa tainga ko. Wala naman sigurong hayop sa gusali na ito kaya tiyak kong nasasaktan ngayon ang taong iyon. Malinaw sa pandinig ko ang kaniyang daing. Sa sobrang lapit, parang tapat lang ng tainga ko ang pinanggalingan ng tinig na iyon. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Malabo. Madilim. Hindi ko makita ng malinaw ang gusto kong Makita. "Ahhh. Aray. Ang sakit." Nagulat ako sa narinig. Inikot ko ang aking paningin sa paligid. Malabo talaga. Paano ko makikita ang salamin ko na nawawala. Bulag pa man ang turing ko sa aking sarili kapag ganitong sobrang labo ng paligid ko. Ilang sandali pa ay umungol na naman siya, "Aaah…" Babangon na sana ako mula sa aking pagkadapa nang maramdaman ko ang kusang pag-angat ng katawan ko. Saka ko napagtanto na hindi sahig ang binagsakan ko kung hindi….. tao?! Nang hustong makaupo na siya ay tumingin ako sa mukha niya. May kalinawan pa naman nahahagip ang mata ko kapag ganitong kalapit ang kaharap ko. Mas nilapit ko pa ng husto ang mukha ko sa kaniya para malinaw kong makita ang reaksiyon ng mukha niya. At ang nakita ko ay ang mala Datu Puti na mukha niya. Sobrang asim. "Who are you?" I uttered. He finally opened his eyes and stared me for a second then he say "Who are you too?" Hindi ako nakasagot. Hindi sa hindi ko alam ang sagot. Eh madali lang naman ang tanong niya eh. Malamang sa malamang, ako lang ang tanging makaka-perfect ng tanong niya. Kaya lang parang naputulan ako ng dila at hindi na ako nakapag-salita. "Miss, okay ka lang ba?" "Um. O-oo. Okay lang ako. Bakit ─?" ─Bakit ang cute mo? Iyon sana ang gusto kong idugtong sa sasabihin ko. MayGassss! Saang planeta ka ba galing at ngayon lang kita nakita? Buti na lang pala at nearsighted ako dahil kung hindi, ay naku hindi ko talaga masisilayan ang ka-cutean mo. "Ako kasi hindi eh. Sumakit ang katawan ko. Naparalisado ako. Saan ka ba nanggaling? Sa Heaven? Kasi hulog ka mula sa taas eh kaya ngayon ako'y may body pain." Natigilan ako sa sinabi niya. Teka, nagra-rap ba siya? Nag-alala naman ako nang bigla ulit siya dumaing. "I’m so sorry. Ano ba ang masakit sa iyo? Tara, pumunta tayo sa pinakamalapit na hospital at baka may nabaling buto sa’yo." "Pero bago mo gawin iyon, lumayo ka muna sa akin dahil katawan natin hanggang ngayon ay magkalapit." “Ha?” Wala na akong naintindihan sa sinabi niya. Namalayan ko na lang na inalalayan niya akong makatayo at… At bigla akong nanghinayang. Okay na eh. Pasado na sana. Pogi ng eyes niya dahil sobrang attractive at nakaka-hypnotize. Ang ganda pa ng lips niya na paniguradong mas katakam-takam kapag pinahiran ng flavoured lip gloss. Ang puputi ng mga ngipin. Pero bakit ganun? Bakit? Bakit kasi ang tangkad ko? Kaya minsan parang gusto kong isipin na sumpa itong height ko eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD