-LUCKY MEGAN-
"Matagal pa ba iyan?" naiirita kong tanong pero kunyari lang.
"Tapos na po, Ma'am. Nakuha ko na po ang cellphone niyo."
Hinablot ko ang cellphone mula sa kaniya at inirapan siya.
"Pagkatapos kong makuha ang cellphone mo, 'yan lang ang igaganti mo sa akin? Ang irapan ako? Ayos ha." Bumalik na siya sa driver seat habang ako ay nanatiling nakaupo pa rin sa second row ng sasakyan. "Hindi mo ako driver kaya lumipat ka na rito, Lucky Me noodles."
"Puwede ba, Megan ang pangalan ko, not Lucky Me noodles." Ugh! Hindi na ako natutuwa sa bulilit na 'to ah. Kahit pa na crush ko siya or sabihin natin na nababaliw na talaga ako sa eksena naming dalawa, dapat iparamdam ko sa kaniya na hindi ako naaapektuhan sa presensya niya. Pero juice colored, gustong-gusto ko na rin siya isama pauwi.
"Okay, okay, just sit here beside me. Ang awkward naman kung nandiyan ka 'di ba?"
"Okay po."
Mayamaya pa ay nagsimula na ulit siyang magmaneho.
Hindi na ako makikipagtalo pa sa kaniya. Baka mawalan pa ako ng chance sa kaniya kung magpapasaway lang ako. Dapat akong magpakabait sa kaniya dahil baka maunahan pa ako ni Patricia.
AHA! Speaking of Patricia, may naalala ako na dapat kong gawin. Tama! Kailangan ng mabigyan ng kasagutan ang kagabi pa sakin gumagambala.
"Yujin."
"Megan."
Nagkatinginan kaming dalawa. Sabay pa namin tinawag ang pangalan ng isa't-isa.
"Ano iyon?"
"What is it?
Nagkasabay na naman kami sa pagsalita. Napangiti na lang kami pareho.
"Ikaw na mauna, Megan."
"Hindi, ikaw na. Hindi naman masyasdo importante kaya it's okay if you go first. What is it?"
"Ladies first 'di ba? Tell me, ano ang gusto mong sabihin?"
I flipped my hair in my ear. Pa-cute epek ang lola niyo.
"Dali na, ano nga iyon?" Patuloy lang ang pagmamaneho niya habang nakatingin naman ako sa kaniya. Hindi naman siya tonong galit. Halatang excited nga siya sa kung ano ang sasabihin o itatanong ko sa kaniya.
"Ano kasi...um." Parang umurong pa ang dila ko sa gusto kong sabihin.
"Yes? What is it?" Tumingin na siya sa akin at hinihintay pa rin ang sagot ko. Binalik din naman niya agad sa harapan ang mata niya dahil nagmamaneho nga naman siya.
"I want to know the truth and I'm hoping for honest answer."
"Wooohh, nakakakaba naman iyang hinihingi mo, Megan. Bad question ba iyan?"
"No, it’s not bad. May gusto lang ako malaman kaya sana sumagot ka nang maayos."
"Okay, spill the bean. What is it?" Huminga ako nang malalim saka tinanong ang kagabi pa bumabagabag sa akin.
"Girlfriend mo ba ako? OUCH!"
Paanong hindi ako mapapa-ouch eh bigla ba naman niyang hininto ang sasakyan. Buti nakahawak agad ako sa dashboard at mabuti na lang talaga naka-seatbelt kami kaya hindi kami napuruhan.
"What happened?!" tanong ko sa kaniya.
"Are you serious?" Nakatigil na ang kotse ng kapatid niya sa gilid ng kalsada at gulat na gulat siyang napatingin sa akin.
"Serious? About what?" pagmamaang-maangan ko.
"You're asking me if you're my girlfriend?" Nabingi yata siya kaya inulit niya ang tanong ko.
"Ye..Yes, why? Is it bad to ask you about that?" Hindi ko pinahalatang kinabahan ako sa sarili kong tanong. My graciousness talaga. Ako na ang makapal ang kilay na tanungin siya tungkol dun.
"And where you get that idea, Megan?" Seryoso ang mukha niya. Galit ba siya sa tanong ko? Grabe naman siya.
"Kay Kiray."
"Kiray? Ano naman ang alam nun?"
"Sinabi niya sa akin na narinig ka niyang nagsabi na girlfriend mo ako. Sinabi mo iyon doon sa mga babaeng nanghaharot sa iyo sa studio ng It’s Peekaboo kaya naman I want to confirm if it's true."
Sandali siyang nag-isip. Nagkalkal din siguro siya sa utak niya kung may sinabi nga ba siyang ganoon. Lihim akong nagdasal na sana may gusto rin sa aking 'tong bulilit ko. Alam kong napaka-ambisyosa ko para humiling kay Lord pero gusto ko naman maranasan ang kiligin sa buhay. Hindi naman siguro ipagdadamot sa akin ni Lord iyon eh.
'Di ba, Papa Jesus?
Parang gusto ko nang mawalan ng pag-asa nang hindi siya umimik. Humarap na lang ako ulit sa unahan ng kotse at tumahimik. Baka kasi kung ano pa ang masabi ko eh.
"Oo, sinabi ko nga iyon." Napalingon ako agad sa kaniya.
"Talaga?!" Lumakas ang tibog ng puso ko. Narinig ko na naman iyong dug dug dug na iyon.
"Yes, ngayon ko lang naalala na sinabi ko nga iyon doon sa makukulit na babae."
"Um, girlfriend mo talaga ako, Yujin?" OMG. I'm not sure if I'm smiling but I'm 100% sure that my heart is racing. Gusto ko yatang magpa-party mamaya sa bahay.
"Sorry, Megan. I...I hope you do not mind if I said that to those girls. Nasabi ko lang naman iyon kasi ang kulit talaga nila. Gusto ko lang na lubayan nila ako. Sa ngayon kasi wala pa akong panahon sa love kaya I'm not entertaining those things. Ops, I'm telling story. Sorry talaga, Megan. Sana 'wag kang magalit kung nadamay ka pa sa nangyari. Ikaw lang kasi agad ang nakita kong babae nang mga oras na iyon kaya sinabi kong girlfriend kita."
Woh! Woh! Paking sheeeet naman oh. Tama na, Yujin! Huwag ka ng magbunganga at baka matapalan ko talaga ng packing tape iyang bibig mo.
Gusto ko sanang sabihin iyon kay Yujin. Gusto ko sana magwala pero kinalma ko sarili ko. Umayos ako ng upo. Huminga ako ng napaka-lalim at pinikit ang mga mata ko.
"Megan," bulong niya. "Are you mad?"
"No, I'm not. It's just that I'm sleepy. I want to go home now." Nakapikit pa rin ako.
"I'm really sorry." Ayaw ko ng dumilat at tumingin sa kaniya. Nasasaktan lang ako.
Nasasaktan? Bakit? Inlove na ba ako sa dwarfie na 'to?
"It's okay. Just ride me home please."
"Yeah. But, Megan, can I ask you a question?"
Napadilat ako at tumingin sa kaniya. "Yujin, could you please stop talking? It's irritating." Ugh. Mag-e-evolve na ba ako?
"Ano kasi."
"What?!" bulyaw ko.
"Galit ka nga."
"Ang kulit mo, sinabing hindi nga eh."
"Eh bakit ka sumisigaw?"
Napabuga ako sa hangin at pagod na sumandal ulit. "Hindi ako galit. Um, ano ba kasi iyong tanong mo?
"Itatanong ko lang naman kung saan ang bahay mo. Para makauwi ka na at baka mamaya niyan, maging monster ka na. Masira pa itong kotse ng kapatid ko."
"YUJIN!"
*****
-LUCKY MEGAN -
I'm lying now on my bed. It's past 11pm and I'm still awake. Todo sermon ang nangyari kanina pagkauwi ko. Todo sermon mula sa dalawa kong kapatid na magagaling. Dinaig pa nila sina mommy at Tito Robin sa panenermon. Kesyo bakit daw ako inumaga sa ibang bahay. Marunong na raw ako uminom. Na naging party goer na raw ako. Nakakainis lang! Ang kapal ng dalawang iyon na sermonan ako. Samantalang sina mommy ay kalmado lang at pinagsabihan ako nang maayos.
Tungkol naman sa dwarfie ko, hindi niya nakita ang pamilya ko. Bago pa pumarada ang kotse sa tapat ng bahay namin ay nag-insist na akong bumaba. Hindi makakatulong na makita nila akong may kasamang lalaaki. Noong una, nagpumilit talaga si Yujin na ihatid ako hanggang sa loob ng bahay. Kakausapin niya raw ang magulang ko. Oh 'di ba! Ang lupeeet nun! Parang mamamanhikan lang ang peeeegg!
Pero pinigilan ko siya sa gusto niyang mangyari. Hindi siya puwede makita ng pamilya ko, lalo na ng dalawa kong kontrabidang kapatid. Makaisip pa ng matinding isyu ang mga iyon kapag nalaman nila ang tungkol kay Yujin. Sinabi ko na lang na hinatid ako nila Patricia at Kiray sa labas ng bahay kahit hindi naman totoo.
Naku, hindi ko pa nga nakokontak ang mga iyon. Wala pa akong natatanggap na update pagkatapos ng party. Siguro mga tulog pa rin ang mga iyon hanggang ngayon.
Mayroon pa akong iniisip. Iniisip ko pa si Yujin ko. Ang moment naming dalawa. Ang napag-usapan namin. Nalinawan na ako sa gusto kong malaman. Totoo naman pala ang narinig ni Kiray. Iyon lang, it's not for real. Bakit nga naman ako mag-iilusyon na girlfriend niya eh hindi naman nanliligaw. Saka hindi namin lubusan na kilala ang isa't-isa. Kebago-bago lang namin na magkakilala at hindi kami friends!
Pero sa totoo lang, nagtataka rin ako sa sarili ko, sa nararamdaman ko. Ngayon ko lang na-experience ang magkagusto ng matindi sa isang lalaki na hindi ko naman gaano kilala, na dalawang beses ko pa lang nakikita or nakakasama. BAKIT? Anong mayroon at tinamaan ako ng lintek na pag-ibig?
Hayun na nga eh! Pag-ibig nga ba talaga ito o isang matinding paghanga lang? Pero ano nga bang kahanga-hanga sa kaniya?
Oo, alam kong cute siya. Hindi sobrang guwapo pero malakas ang impact niya sa akin. Simple lang siya. Ang pananamit niya, simpleng makarisma lang. Saka ang ngiti niya, talagang nakakatunaw. Isa rin iyon sa sobrang nagustuhan ko. Sayang nga lang kasi hindi siya pinalad na mabigyan ng height. Kung nashe-share nga lang ang height, willing akong magbigay sa kaniya. Basta ba dapat ligawan niya ako, mahalin niya ako.
"Ugh! Baliw ka na talaga, Megan!" Baliw na talaga. Baliw na baliw dahil sa kaniya.
Kumuha ako ng unan at tinakip sa mukha ko. Kailangan ko ilihis sa ibang bagay ang gagawin at iisipin ko. Tama! Tama! Dapat na talaga ako kumilos. I really need to find a job. Mawawalan ng saysay ang pag-aaral ko ng Digital Film Making kung hindi ako magpupursige na makahanap ng trabaho. Nakakahiya rin naman sa mga magulang ko. Pinag-aral nila ako tapos uumagahin lang ako ng uwi dahil sa naglasing ako kagabi sa matinding inis ko kay Patricia at Yujin. Ang landi kasi nilang dalawa eh. Kaya sa sobrang badtrip ko kagabi ay nilunod ko talaga ang sarili ko sa pagtungga ng maraming alak. At dahil sa maraming alak ay nangyari ang dapat mangyari!
Napahawak ako sa labi ko. Napangiti ako nang maalala ko ang hindi inaasahang halik. Grabe naman kasi makatulak ang aso ni Yujin eh. Ang galing tumayming!
Sweet dreams to myself! I'm sure magkikita kami ulit sa dreamland ng bulilit ko.
*****
It's my interview today. Yes, I finally prepare myself to find a job. I've also contact the two girls but they refuse to join with me. Dami nila dahilan. Si Pat kasi, feeling sikat na eh hindi naman siya nanalo after two rounds. Oo, suwerte na nga siya kasi nakaabot pa siya ng two rounds sa It's Peekaboo kaloka-like. Pero bakit hindi pa rin siya maka-move on? Ilang araw na siyang nagmumukmok sa bahay niya. Minsan ko ng binisita pero hindi kami pinapasok ni Kiray. Napagod na rin ako kakasuyo kaya tumigil na muna kami. Naku, isa pa itong si Kiray, imbes na atupagin ang paghahanap ng trabaho, pagbo-boys haunting pa rin ang inatupag. Naku, magkaniya-kaniya nga muna kaming tatlo. Hindi ko sila puwede hintayin.
I'm on my way to ninth floor, sa isang malaking building somewhere in Manila. Hindi naman ako nahirapan mahanap ang Esbi Production dahil may mga nag-a-apply din pala.
Sinipat ko ang aking sarili. Naka-flat shoes ako. Okay ang eyeglasses ko. Naka-pony tail ang mahaba kong buhok. I'm wearing a black slack and blue blazer with simple white blouse inside. Nag-lipstick lang ako ng kaunti. Yeah, kaunting-kaunti lang na hindi mahahalata na nag-lipstick pala ako.
Lumapit ako sa isang aplikante "Miss, ito na ba ang Esbi Production? Nag-a-apply ka rin ba?"
Tumingin muna mula paa hanggang ulo ko ang babae bago siya tumango.
Nyemas! Ang bastos ng isang 'to ah. Lakas ng loob tingnan ang paa ko papuntang ulo ko. Feeling scanner!
Ugh! Bago pa masira ng isang ito ang mood ko ay huminga muna ako ng pagkalalim-lalim. I won't let that parasite ruin my day!
May lumapit sa aking babae at tinanong kung mag-a-apply ako. "Opo," mabilis kong sagot. Kinuha niya ang resume ko, ganoon din sa ibang aplikante at pumasok sa loob ng opisina.
Umupo muna ako habang naghihintay na tawagin ang pangalan ko. Tumingin ako sa relo. 9AM. Sana talaga matanggap ako. Gusto ko na rin talaga magtrabaho eh.
Na-review ko na bago ako pumunta rito ang mga job offers nila. Master control and VTR automation engineer, assistant marketing manager, senior promo writer, senior visualizer, assistant video journalist, visual applications specialist, program manager and program budget assistant. Hmmm puro mabibigat na position. Nangangailangan ng one year to five years experience mostly ang requirements nila. Pero kahit na, baka suwertehin pa rin at bigyan nila ako ng chance na maipakita ang skills ko kapag napasama ako sa team nila.
"Lucky Megan Padua."
After one hour, natawag na rin sa wakas ang pangalan ko. Bigla akong kinabahan pagkapasok ko sa malamig na silid. Tapos iyong babaeng nakatunghay sa akin ay nakakatakot ang fez! Para siyang kumakain ng tao sa hitsura niya.
Dear, God, please don't let me die here. I silently prayed as I took my step to take a seat and have a horror conversation with this monster witch.
*****
Gusto ko umiyak. Pero hindi puwede rito. Pagtitinginan lang nila ako kapag ginawa ko iyon.
Pero ang sakit talaga eh. Tagos hanggang spinal cord. Bakit? Anong wala ako na mayroon sila? This is my first time to apply for a job but it was an epic fail, a disaster! What happened?!
Buwisit ang witch na iyon. Hindi naman marunong mag-interview. Hindi pa nga nag-iinit puwet ko sa upuan nang sabihin niya, "Okay, miss, just wait for our text for your initial interview."
Oh 'di ba? Lakas talaga mangbuwisit! Obvious naman na hindi ako pumasa eh, bakit kailangan pa nila manloko ng kapwa? Hindi naman mahirap sabihin na, "Sorry but you just failed." or kaya sumenyas sila ng gaya kay April Boy Regino, iyong mala "Di Ko Kayang Tanggapin".
Hays, nakakahiya kanila mommy at Tito Robin kapag nalaman nila ito. Sobrang excited pa naman sila nang malaman nila na mag-a-apply ako tapos ganito pa ang nangyari. Naku, mas malulubog ako sa kahihiyan kapag nakarating pa ito kanila Lauren at Isabel. Knowing those b***h, they would make fun about this epic fail job haunting.
Habang naglalakad ako ay nakatungo ako. Hindi ko namalayan na may nagsasalita na pala sa tabi ko.
"Why the sad face, Megan?"
Napatingala ako at nakita ko ang pamilyar na magandang mukha ng babaeng na-meet ko sa studio ng ABC Broadcasting. Nagulat ako nang makilala ko siya.
Anong ginagawa nito rito?