NINETEEN ❤️

1208 Words
-LUCKY MEGAN- Hindi niya alintana ang height difference naming dalawa. Matangkad ako kumpara sa kaniya. Siguro hanggang ilong ko lang siya. Inalalayan niya akong makatayo at makalakad. Akay niya ako hanggang sasakyan. Palihim ko siyang tinitingnan at kumakabog pa rin ng sobrang bilis ang puso ko. "Ihahatid na kita sa inyo at baka kung saan ka pa mapadpad. Siguradong nag-aalala na ang magulang mo sa'yo. Ako na ang bahala magpaliwanag sa kanila." Inalalayan niya akong makasakay sa loob ng sasakyan. Nang makasakay na ako sa unahan ng kotse ay sunod niyang ginawa ang buksan ang kanilang gate. Nang bukas na ito ay saka naman siya pumasok at umupo sa driver’s seat. Hindi ko na siya pinigilan sa balak niyang gawin na ihatid ako dahil gusto ko rin naman itong naisip niya. "Ay, teka, matanong ko lang, kaano-ano mo pala iyong lalaki sa loob ng bahay na iyon?" Sumulyap muna siya sa akin bago siya sumagot. "Kapatid ko siya," simpleng sagot niya. "H - ha? Sure ka?" Hindi ako convince. Hindi kasi sila magkamukha eh. Wala akong makitang similarity nila. "Dami mong tanong, Lucky Me." Mayamaya pa ay pinagana na niya ang makina ng kotse at pinaandar. Hindi pa kami nakakalabas ng gate ng bahay nila nang may narinig akong may sumigaw. "YUJIN! ANG KOTSE KO!" Napalingon ako at nakita kong nasa labas ng bahay nila si devil. Naka-boxer short lang at wala pa rin saplot na pang-itaas. Patay-malisya lang si Yujin nang tumakbo ang kapatid daw niya pahabol sa kotse na sinasakyan namin. "Hindi mo naman ako kailangan ihatid eh." Medyo pakipot muna tayo. "Huwag kang makulit. Kailangan kita ihatid para masiguro kong okay na ang sitwasyon mo." Nakatutok lang ang mata niya sa kalsada. Seryoso ang mukha. Palihim akong kinilig. Awts! Gusto niyang safe ako makauwi. OMG! This is really true love. He's the one. "Miss puwedeng pakiss ─ lapin ang mga ngipin? Imbis na mainis sa akin, napangiti din. Akala ko iisnabin ng binibining nagpatibok ng puso kong nahulog at nagdurugo." Nagulat ako nang marinig ko ang pamilyar na tunog na iyon. Ring tone iyon ng cellphone ko. Ibig sabihin nandito lang iyon sa loob ng kotse. "Ang cellphone ko,'' mahinang usal ko pero hindi pala iyon nakaligtas sa pandinig ni Yujin. "Ginawa mong ringtone ang kanta ko?" Awts! Oo nga pala. Siya ang kumanta nun. Hiningi ko kay Vanessa iyong kanta na iyon nang matapos nilang i-record. Hindi ko siya sinulyapan dahil nahihiya akong makita niya ang mukha ko na paniguradong namumula na. Kunyari hindi ko siya narinig kaya hindi ko siya sinagot. Hindi ko alintana ang patuloy na pagmamaneho ni Yujin. Mula sa unahan ay lumipat ako ng puwesto sa likod para hanapin ang cellphone ko. I'm sure, it's my mom calling. Lagot na talaga! "Nasaan na ba iyon? Kainis naman oh." Hindi naman kalakihan ang kotse pero hirap na hirap akong hanapin ang cellphone ko. Naku, paano nga naman hindi ako mahihirapan eh nawawala rin ang eyeglasses ko. Lalo ng nalintikan ng magaling. Kailangan kong masagot ang tawag na iyon dahil alam kong nag-aalala na ng sobra ang pamilya ko. "Okay ka lang ba riyan, Lucky Me? Nakita mo na ba cellphone mo na ang ringtone ay ang kanta ko?" Hindi ko man kita ang mukha niya ay sigurado akong nakatawa ito at nang-aasar. Hindi ako sumagot sa tanong niya. Nagkunyari pa rin akong walang naririnig. Patuloy kong hinanap ang cellphone ko kahit tapos na ang kanta. Mayamaya pa ay naramdaman kong tumigil ang sasakyan. Napalingon na lang ako sa driver's seat at nakita kong naghahanap na rin si Yujin. "Tulungan na kita, Lucky Me. Para matapos na iyang paghihirap mo." Why does my heart beat so fast when I heard him call me Lucky Me? Awwwww! So sweet! Mahahampas ko na siya kapag tinawag na naman niya akong Lucky Me. Pumunta na rin siya sa likod ng driver's seat para tulungan akong maghanap. Hindi nagtagal ay may nakita siya na gamit ko. "Oh, eyeglasses mo 'to 'di ba?" Inabot niya sa akin ang salamin ko at sobra ang kasiyahan ko nang mahawakan ko iyon. Na-miss ko ito! Hindi ko keri mabuhay ng walang salamin sa mata. Ito lang ang paraan ko para makita ko nang malinaw ang kapaligiran ko. Pinahid ko ang lens gamit ang laylayan ng t-shirt ko at agad ko itong sinuot. Excited lang ako makita ang kapaligiran ko, lalo na ang magandang view dito sa tabi ko. Tumingin ako kay Yujin at ganoon na lang ang gulat ko nang malapit na ang mukha niya sa mukha ko. Sa sobrang pagkabigla ko ay agad ko siyang tinulak. "Ano ba?!" Napasigaw talaga ako sa bigla. Muntik na siyang mangudngod sa kabilang salamin ng bintana. Nabigla naman ako sa ginawa ko kaya agad akong humingi ng paumanhin. "So ─ sorry. I ─ ikaw kasi eh." "Anong ako kasi? Lumapit lang naman ako kasi parang nakita ko na ang phone mo," he explained. Napahiya naman ako sa sinabi ko. "Sorry na nga. Akala ko kasi kung ano ang gagawin mo eh." Umupo ako at inayos ang pagkakalagay ng eyeglasses sa mata ko. "Eh ano ba kasi ang iniisip mo na gagawin ko?" Umupo na rin siya sa tabi ko at nakita ko ang mapanukso niyang titig. Grabe na ito ha. Lambot na lambot na ako sa mga ganoong titig eh. Parang may something na hindi ko maipaliwanag. Basta parang nanghihina ako sa paraan ng pagtitig niya. Nakakainis lang. "Wa ─ wala akong iniisip 'no! Kunin mo na lang ang cellphone ko kung nakita mo na para matapos na itong paghahanap natin." "Okay, sabi mo eh." Deretso lang akong nakatingin sa harap ko. Naramdaman kong lumapit siya sa akin. Hindi ako tumitingin sa kaniya dahil paniguradong nakapaskil pa rin sa mukha niya ang kakaibang aura na hindi ko makayanan titigan. Unti-unti siyang lumapit sa akin at bumilis ang t***k ng puso ko. Shocks! Ano ba 'tong planong gawin ni Yujin? Aatakehin yata ako sa puso nito eh. Patuloy pa rin ang paglapit niya sa akin. Nakakainis lang kasi slow motion pa ang ginawa ng buseet. Nang-aasar talaga. Ugh! Napapikit na lang ako nang mariin at naikuyom ko na lang ang palad ko. Naghihintay ako sa susunod na mangyayari pero parang wala naman kakaibang nagbago bukod sa tahimik na paligid kaya unti-unti kong dinilat ang mata ko. OMG! Why oh why? I can't helped it but I think my eyes got bigger. Ito na naman ang t***k ng puso kong gustong kumawala sa loob ko. Sobrang lapit niya sa akin. Malapit talaga ang mukha niya sa mukha ko at nakatitig siya sa mata ko. Kumindat siya sa akin. Hindi niya inaalis ang pagkakalapit ng mukha namin pero hindi na siya nakatingin sa akin kung 'di sa likod ng kinauupuan ko na. May pilit siyang kinukuha roon pero hindi ko alam kung ano iyon. Medyo naiirita na ako dahil ang tagal niya sa ginagawa niya pero syempre, kunyari lang na naiirita dahil ang totoo, sobrang mangingisay na ako sa kilig kapag hindi pa siya umalis sa harap ko. Hindi tayo puwede magpahalata na kinikilig at baka isipin eh gustong-gusto ko ang ginagawa niyang paglapit sa akin ngayon kahit iyon naman talaga ang totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD