EIGHTEEN ❤️

1281 Words
-LUCKY MEGAN- Tuluyan na akong umalis sa lugar na iyon. Kung bakit naman kasi napadpad ako sa lugar na 'to at nagtagpo pa ang landas namin ng devil na iyon. Naku ha, sana naman hindi ako pinagti-tripan ng tadhana na iyan. Ang lakas lang mang-asar ha! Kung ganito ba lagi ang magiging epekto ng alak sa buhay ko, ayoko na ulit magpakalasing. Mapapahamak ako eh! Hinanap ko agad ang main door at hindi naman ako nahirapan na makita iyon pero iba may napansin akong kakaiba sa living room. Ang bulilit ng buhay ko. Ang aking dwarfie. Naabutan ko siyang natutulog sa sofa. Ewan ko pero biglang nawala ang yamot na nararamdaman ko nang makita ko siya. HIMALA talaga! Agad nawala ang sumpong ko. Napangiti ako, nawala ang hilo ko at pagkabangag sa nakita kong ayos niya. Nakapatong ang magkabila niyang braso sa sandalan ng upuan, nakapatong ang magkaparehong paa sa lamesita at nakasimangot na natutulog. Bigla akong may naalala nang makita ko siya. "Sa labas na lang kami kakain ng GIRLFRIEND ko." "Sa labas na lang kami kakain ng GIRLFRIEND ko." "Sa labas na lang kami kakain ng GIRLFRIEND ko." Sinabi niya ba iyon kanina? Hindi ko napigilan ang nararamdaman ko at nagpakawala ako ng isang ngiti. Kakain daw kami sa labas? Sheemay! Kung kakain kami, bakit tulog pa siya? Nilapitan ko siya. Tumigil ako sa harapan niya at pinagmasdan siya. Dahil hanggang ngayon ay blurred pa rin ang paningin ko dahil sa hindi ko pa rin mahanap na eyeglasses ko ay nilapit ko pa ang sarili ko sa kaniya. Yumuko ako para busisiin ang mukha niya. As in nilapit ko pa talaga ang mukha ko sa mukha niya para lang matitigan siya nang malapitan. Infairness! Ang kinis pala ng fez niya. Siguro nagpapa-derma siya. Ang kinis talaga eh! Nawala na nang tuluyan ang hilo ko sa magandang tanawin na nakikita ko. Mas lalong nawala ang hilo ko nang mapadako ang mata ko sa lips niya. Napalunok tuloy ako sa laway ko. Parang nauuhaw ako. I need water! Aatras na sana ako dahil baka ma-rape ko pa ang dwarfie ko pero laking gulat ko nang may mangyaring hindi ko inaasahan. Nakita kong bumukas ang mata ni Yujin. Biglang laki ng mata niya. Paanong hindi lalaki eh ako ba naman ang mapasubsob sa mukha ni Yujin. At hindi ordinaryong subsob dahil pati nguso ko ay sumubsob sa nguso niya. Shocks! Nguso to nguso! And his nguso is so.....soft! Gosh! Lumakas ang pintig ng puso ko. "Arf! Arf!" Naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko. Marahan niya akong tinulak. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kailangan ko ba mag-explain sa pangyayari? Tahimik siyang natutulog pero ito ako at napapasabak sa mga rated spg na eksena. Pero hindi ko iyon sinasadya! Wala naman akong balak na totohanin ang naisip ko kanina, kahit pa sobrang pagpipigil talaga ang ginawa ko. Ugh! Ano ba ang dahilan at nasubsob ako sa kaniya? "Arf! Arf!" Lumingon ako at nakita ko ang isang dambuhalang aso na panay ang kawag ng buntot. Hindi ko alam kung anong uri ng aso siya pero malaki talaga siya. Napakaputi ng balahibo niya at halatang alagang-alaga ang aso na iyon. Nabigla pa ako nang sunggaban ako ng aso. Hindi naman ako takot sa kaniya pero nawiwindang ako sa laki niya. Ramdam kong gustong makipaglaro ng aso dahil panay ang yakap sa akin. Kung ganoon, siya yata ang tumulak sa akin kanina palapit kay Yujin. Hmmm. Makakasundo ko yata ang aso na 'to ah. Nabasa niya siguro ang nasa isip ko kanina kaya tinulungan niya ako kung paano makakahalik sa Yujin ko. "LUCKY!" he yelled. Napalingon ako kay Yujin. Hindi ko alam kung galit ba siya or inis dahil sa nangyari pero hindi ko naman talaga sinasadya iyon. Wala naman akong balak manamantala ng natutulog. "So ─ sorry. I didn't do it on purpose. I'm sorry." Tumingin siya sa akin nang may pagtataka. "Ano?" "Galit ka sa akin dahil hinalikan kita, 'di ba? Ay mali, nahalikan pala kasi tinulak yata ako ng aso mo kaya nangudngod ako sa'yo. I'm really sorry," I explained. "It's okay. Wala naman akong magagawa eh, it's already done." He shrugged his shoulder and smirked. "Baka iniisip mo na sinadya kong mangyari iyon ha, 'wag kang ambisyoso," kunyaring pagmamataray ko. Kita ko kasi sa mukha niya na gusto niya akong asarin. Kapal niya ha. Baka isipin niya pinagnanasahan ko siya kahit iyon naman talaga ang totoo. "Wala naman akong sinabi ah. Bakit napaka-defensive mo?" Umayos siya ng upo at pinakatitigan ako nang mabuti. "Uuwi na ako." Imbes na sagutin ang tanong niya ay naglakad na ako papuntang pintuan para umalis pero nabigla ako nang biglang sumugod sa akin ang aso niya. Kagat kasi nito ang laylayan ng gray t-shirt ko. "LUCKY! SIT DOWN!" Napamaang ako nang marinig kong sumigaw si Yujin. "What?" I asked. Lumapit siya sa akin at kinuha niya ang aso sa tabi ko. "Anong what?" tanong niya. "What's her name? I mean his name?" tukoy ko sa aso. "Her name is Lucky." Diniinan niya ang salitang HER para i-imphasize sa akin na babae ang kasarian ng aso niya at hindi lalaki. Hinihimas niya ang kaniyang aso na ngayon ay katabi na niyang nakaupo sa upuan. "Lucky?!" Napasigaw ako sa pagkagulat. Ano raw?! Lucky?! "Yes, why so shocked? Is there something wrong with her name?" "That's my name." Bakit naman sa dinami-rami ng puwedeng ipangalan sa aso ay Lucky pa ang napili nito? "Your name? I thought your name is Megan?" napakunot-noo siya sa sinabi ko. "My real name is Lucky Megan Padua pero mas kilala ako sa Megan." "Ang haba naman. Wala bang iikli iyon? Lucky Megan?" nangunot pa ang noo niya sa tanong na iyon pero maya-maya pa ay ngumiti na siya at parang gustong matawa. "As in Lucky Me? Anong flavour?" Hindi nga ako nagkamali. Gawin bang katatawanan ang pangalan ko? Ang ganda-ganda ng pangalan ko tapos tatawanan lang niya?! Pistiiii! "Baliw!" sigaw ko. "I'm going home." Agad ko siyang nilayasan at tinungo ko ang pinto. "Sandali! Ihahatid na kita." Tuluyan na akong nakalabas ng bahay nila at naabutan naman niya ako pero dere-deretso lang ako sa paglalakad. Masyado na kasi akong nagtatagal sa bahay na iyon at tiyak kong sobrang lagot ako kanila mama at Tito Robin. Ang paalam ko lang sa kanila ay sasamahan ko si Patricia sa ABC tapos nag-extend pa ako until midnight to celebrate the victory of Patricia. Pero hindi ko naman inaasahan na aabutin ako ng ganitong oras sa labas. Hindi ko nga alam kung anong oras na eh pero may araw na sa labas kaya nasa ala-siyete na siguro. Lagot! Nasaan na nga pala ang cp ko?! Pooteeek naman oh. Kapag sinuswerte ka nga naman. Sa pag-iisip kung saan napadpad ang cellphone at eyeglasses ko ay hindi ko namalayan ang nakaharang na bato sa daan kaya naman napa- "Aray!" Napahawak ako bigla sa paa ko. Pisti! Ang hirap talaga maging bulag! Juice ko! Ang dami kong problema! Naramdaman kong tumakbo palapit sa akin si Yujin. "Lucky Me!" Kahit kumikirot ang paa ko ay hindi ko naiwasan na mapataas ang kilay sa narinig kong pagtawag niya sa pangalan ko. "L-ucky you?" Hinawakan niya ang paa ko para i-check kung anong nangyari. Wala naman sugat pero parang nabalian yata ako. "No, you're Lucky Megan 'di ba? Lucky Me for short. Teka, anong nararamdaman mo? Saan banda makirot?" "U ─ um.. Lahat...lahat masakit. Gusto ko nang umuwi." Sinikap kong makatayo nang maayos pero hindi ako nagtagumpay dahil sa bumigay na ─ bumigay na ang puso ko sa lalaking ito. Naman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD