-YUJIN-
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ko at napagkatuwaan kong asarin si Megan.
"Sino?" Gusto kong malaman kung sino ang taong nasa panaginip niya. Alam kong maraming Yujin sa mundo at baka hindi naman ako ang tinutukoy niya sa panaginip pero curios pa rin ako malaman kung sino nga ba ang Yujin na iyon.
Pero nahalata ko sa kaniya ang kaba na sagutin ang tanong ko. Napaghahalataan tuloy siya. Hahaha!
Nawala nang tuluyan ang hilo, antok at hang-over ko nang dahil sa hitsura niya. Para siyang batang na-corner at takot na takot malaman ang sikreto.
"Si Edgar!"
Nawala ang ngiti sa labi ko.
"Si Edgar?" ulit ko sa sinabi niya.
Tila naguluhan naman siya sa tanong ko.
"Kilala mo siya?" puno ng pagtataka ang mukha niya.
"I think I heard my name." Napatingala ako at nakita kong nakatunghay sa amin si Allan mula sa taas. Naninibago ako sa nakikita ko. Parang mas okay pa na suplado lang siya at seryoso ang mukha kaysa ngayon na nakangiti siya.
Bumaba siya. Naka-boxer short lang siya kaya kitang-kita ang ganda ng katawan niya. Malayong-malayo ang katawan ko sa katawan niya dahil ang kaniya, parang inukit ng isang magaling na eskultor dahil sa abs niya. Pinaghirapan niyang ma-achieve ang katawan na mayroon siya ngayon. Halos araw-araw ang ginawa niyang pag-gi-gym para lang magkaroon ng magandang katawan. Eh tamad naman ako sa mga ganoong bagay. Saka useless din ang paggi-gym dahil malakas pa naman ako kumain.
Hindi lang sa katawan malaki ang kaibahan naming dalawa. Alam kong mas matangkad siya sa akin dahil 5'9 siya samantalang 5'4 ako. Alam ko rin na mas guwapo siya kaysa sa akin. Pero higit pa roon ang pagkakaiba naming dalawa.
"Have we met before?" narinig kong tanong niya sa babaeng katabi ko.
Nilingon ko si Megan at nakayuko ito.
"Hindi...kita...kilala," maikling sagot ni Megan.
"Why you're so nervous?" Allan looked so amuse.
Napansin ko ang panginginig ng kamay niya na nasa ibabaw ng tuhod niya. Tumayo ako at hinablot ang kamay niya. Hinila ko siya patayo.
"Halika na, Megan. Ihahatid na kita sa inyo." Hinila ko siya hanggang sa makarating kami sa main door pero napatigil ako sa paglalakad dahil naramdaman kong tumigil si Megan.
"Not so fast, little bro."
Nakita kong hawak ni Allan ang kanang kamay ni Megan. Ano ba ang pinaplano ng kumag na ito? Nagtataka na talaga ako sa kinikilos nito. Alam kong suplado siya at tahimik. Matagal na panahon na rin nang huli ko siyang makitang nakangiti. Pero ano ang nangyari at hindi na yata maalis ang ngiti sa labi niya?
"Hindi mo ba muna papakainin ang bisita mo? I'm sure gutom na iyan." Ako nga ang kinakausap niya pero ang mata naman niya ay nakatutok kay Megan.
"Sa labas na lang kami kakain ng GIRLFRIEND ko."
"Huh? Gi - girlfriend mo ba ako?" Sinulyapan ko si Megan pero hindi ko sinagot ang tanong niya.
Ano nga ba ang naisipan ko at sinabi ko iyon?
"Wow. Suwerte mo naman, Yujin. Love is really blind."
"What do you mean?" inis na tanong ko.
"Kung sabagay, height doesn't matter when it comes to love. Dito na kayo kumain ni Ms. Beautiful. Baka dalhin mo pa siya sa BIGLANG LIKO," pagbibiro ni Allan.
Pero wala sa amin ni Megan ang nag-react sa pang-aasar niya.
"Ang seryoso niyo namang dalawa. Malungkot kumain nang mag-isa. Tara na." Hinila niya si Megan papunta sa kusina. Wala na akong nagawa kaya binitiwan ko na lang ang kamay niya.
Tumingin naman sa akin si Megan nang may pagtataka. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang ipahiwatig pero hindi ko na lang pinansin. Naglakad ako pabalik sa sofa at umupo. Pinikit ko ang mata ko at bigla na lang lumitaw ang imahe ni Megan sa isip ko. Napaisip ako bigla sa naging aksyon ko kanina. Hindi ko alam kung ano nagtulak sa akin para ilayo si Megan kay Allan. Naguguluhan tuloy ako.
Nagdesisyon akong bumalik sa pagtulog. Pero lumipas na siguro ang trenta’y minuto pero parang wala namang epek ang pagkakapikit ko. Kung ano-ano lang ang pumasok sa isip ko. Mga gagawin ko sa studio, preparation sa parating na battle para sa fliptop, paglikha ng bagong musika, mga pangarap na gusto kong matupad, buhay pagkalipas ng lima o sampung taon. Kung anong buhay ang mayroon ako sa taon na iyan. Kung saan-saan na nakarating ang imahinasyon ko habang nakapikit ko kaya walang saysay kung itutuloy ko pa ang matulog.
Naalala ko si Megan. Wala naman sigurong gagawin masama ang kapatid ko sa kaniya. At kung mayroon man, mukhang maipagtatanggol naman niya ang kaniyang sarili. Syempre, para saan pa ang tangkad niya kung hindi niya magagawang protektahan ang sarili niya. Pero sa isang banda ng isip ko, lalaki si Allan at guwapo pa. Nalintikan na! Agad kong minulat ang aking mata. At nagulat ako sa dalawang bilugang mata na nakaharang sa paningin ko. Mas lalo pa akong nagulat sa hindi inaasahang pangyayari.
"Arf! Arf!" Narinig ko ang malakas na tahol ni Lucky.
*****
-LUCKY MEGAN -
"You really look familiar. Nagkita na tayo pero hindi ko lang maalala kung saan iyon eh.
Natigilan ako sa ginagawa kong paghilot sa sintido ko. Nanatili akong nakatayo habang nakatingin sa lalaking nakatalikod sa akin na abala sa ginagawa sa harap ng lababo. Hanggang ngayon ay masakit pa rin talaga ang ulo ko. Parang binibiyak sa sobrang sakit at medyo hilo pa rin ako dahi sa naganap na inuman kagabi. Ang celebration ng pagkapanalo ni Patricia sa It's Peekaboo kalook-a-like.
Agad akong humawak sa sandalan ng upuan para kumuha ng suporta. Talagang hilo pa rin ako.
"Are you alright, miss?" Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sa akin. Naramdaman ko ang braso niya na nakapulupot sa aking katawan. Tumingin ako sa kaniya at para akong na bato-balani nang masilayan ko ang mukha niya.
"Devil," I muttered.
I got scared when I remembered the scary scene last July 13 at 13th street somewhere in Makati. Take note, Friday the 13th noon at nasa 13th floor pa. Biglang nagtaasan ang mga balahibo sa batok ko. Grabe! Kasumpa-sumpa ang lugar na iyon at hindi na ako tatapak sa building na iyon. Maski ang pagdaan doon ay hindi ko na talaga gagawin. Kahit siguro iyon na lang ang last option ko para makarating sa pupuntahan ko.
'Di bale, titiyakin kong walang magiging dahilan para dumaan ako roon.
"Devil?" panggagaya niya sa sinabi ko pero patanong. Nakita ko ang pagkunot-noo niya. Saka ko lang napansin na hanggang ngayon ay yakap-yakap pa rin ako ng isang demonyo. At nanlaki ang mata ko nang huli ko nang mapansin na wala siyang saplot! I mean saplot sa pang-itaas. Saka haleeerrr! Nakakatakot talaga siya dahil ang laki ng katawan niya. Ang macho lang kaya naman tinulak ko siya na alam kong hindi sapat dahil nga sa matinding pagkabangag ko.
"Devil? Who's the devil?" He looked so amused when he looked at straight into my eyes. Buseeeet siya! Nagmamaang-maangan pa ang demonyo.
"YOU!" duro ko sa kaniya. Bigla akong nakaramdam ng panginginig. Hindi dahil sa takot kung 'di sa galit at inis dahil sa panloloko niya sa amin lalo na sa kaibigan kong si Patricia. Paano na lang kung hindi namin siya sinamahan ni Kiray? Naku, ayaw ko ng isipin kung ano ang posibilidad na nangyari sa kaniya kung sakali wala kami nang mangyari iyon.
"Woooohhh. Wooooh calm down, miss. I have a name and it's Edgar Allan, not devil, okay?" he smirked.
"Whatever you say! You're still a devil." At umatras ako ng dahan-dahan. Gusto ko ng makawala rito dahil baka kung ano pa ang gawin niya sa akin.
Balak sana ako sundan ng devil na iyon kaya lang parang kumukulo na ang niluluto niya kaya napilitan siyang bumalik doon. "No, I'm not. Wait, miss. Ouch!"
Napaso siya nang mapadikit ang braso nito sa kaserola.
Buti nga sa'yo! Naku, dapat nabuhos na lang sa buong katawan mo iyang niluluto mo eh. Devil ka kasi eh!