-YUJIN- "Sino naman ang malas na babaeng mamahalin ko, Lucky?" Sa tanong na iyon ay hindi siya sumagot. Hinimas-himas ko na lang ang balahibo niya at kinausap ko ulit ito na parang tao. "Hay naku, Lucky, ano bang alam mo sa pag-ibig? Na-inlove ka na ba kagaya ko?" "Kinakausap mo na naman si Lucky?" Napalingon ako sa nagsalita. "Saan ang lakad mo?" Imbes na sagutin ang tanong niya ay sinagot ko siya ng tanong din. "Bakit gusto mo malaman? Sasama ka?" Tinutupi niya ang laylayan ng manggas niya habang nakatingin sa akin. "Hindi ako interesado. Dito na lang ako." "Sige, ikaw bahala." Tumalikod na siya at naglakad palayo pero agad din siyang bumalik. "Um, kumusta na pala iyong babaeng kasama mo last time dito sa bahay, si Ms. Beautiful?" "Ha?" "Iyong matangkad na babae, iyong sexy. K

