-YUJIN- "Kuya, tanggapin na natin. Talagang namatay na sila Lars at Alisa. Kwits lang tayo. May next time pa naman eh kaya 'wag ka ng mag-emote diyan." May nagsalita. Binalik niya ako sa kasalukuyan. Pero hindi ko pa rin matanggap na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako. Akala ko hindi ko na makikita si Diana pero kanina lang ay bigla na lang siya nagpakita. After two years, bumalik na naman ang sakit ng kahapon. "Ang sakit." "Kuya, alam kong masakit. Pero ganoon talaga ang buhay ng character nila eh. Nakasalalay sa player ang buhay nila kaya lang epal ang kuryente. Bigla ba naman nag-black out eh kaya hayun, natigok na sila." "Ayoko nang magmahal." Patuloy pa rin ako sa litanya ko habang nakatingin sa imahe ni Diana na nasa loob ng screen. Ugh! Kung saan-saan ko na lang nakikita

