-MEGAN- "GAME THREE, FIGHT!" Iyon ang lumabas sa screen. Naku, final round na ba ito? Hindi ako puwede magpatalo sa kaniya. Ayokong mapahiya. Pero grabe naman, napalingon ako sa likod ko nang maramdaman kong may tumama sa ulo ko. Pagkalingon ko, nagulat ako nang makita ko ang mga tao sa likod namin. Marami pala ang tao na nanonood sa laban namin ni Mr. Hudas. Hindi ko agad napansin iyon ah. Naman! Baka ma-distract ako sa mga ito. "Miss, matatalo ka na." May narinig akong nagsalita mula sa audience namin kaya marahas akong lumingon pabalik sa screen. At nanlaki ang mata ko nang malapit ng mag-red ang nasa taas ng screen. Ibig sabihin malapit ng mapatay ni Lars si Alisa. Noooo! It can't be! Ugh, kaya ko pa ito. Pindot. Pindot. Pindot. Iyong pindot na sobrang diin na masisira na yata a

