EIGHT ❤️

1049 Words
-LUCKY MEGAN- Binalik ko na ang aking diary sa loob ng drawer. Muli akong bumalik sa bintana. Walang full moon pero maraming mga bituin. Ang kuwarto ko ang pinaka paborito kong lugar sa bahay dahil kuha nito ang magandang anggulo para panoorin ang kalangitan. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang may kumatok. "Ate, gising ka pa ba?" "Tulog na. Bakit?" "Puwedeng pumasok?" "Bawal." Ilang sandali pa ay wala ng sumagot. Tumayo ako at lumapit sa pintuan. Binuksan ko ito at nakita kong nakatayo pa rin si Sandy, my step-sister. "Problema?" maangas kong tanong sa kaniya. Hindi niya sinagot ang tanong ko at agad pumasok sa kuwarto ko, diretso higa sa kama. "Ate, dito ako matulog ah." Sabay yapos sa unan. "May problema ka?" Umupo ako sa gilid ng kama at tumingin sa kaniya. "Naiinis lang ako." "Bakit? Anong nangyari sa school?" "Tsss. Badtrip. Ako pa ang napiling gumanap na snow white." Bumangon siya at sumimangot. Palihim akong natawa sa hitsura ng kapatid ko. "Anong tinatawa-tawa mo, ate?" Nakabusangot ang mukha niya, habang ako naman ay hindi mapigilan ang pagtawa. "Naisip ko lang na bansot na pala si Snow white ngayon." "So? What are you trying to say?" taas-kilay na sagot niya. "You're another version of Snow white. Little Snow white." At sumambulat na ang malakas kong halakhak nang mabigkas ko na ang gusto kong itumbok sa kaniya. Hinampas ako ni Sandy ng unan. "Ang bad mo, Ate! Akala ko pa naman kakampi kita pero ikaw pa ang may ganang manglait sa akin. Pinagpala ka lang sa height, pero kung binigyan din ako ni Lord ng ganiyang height, talo pa kita." "Wow! Lakas ng fighting spirit! Mana ka talaga sa akin. Maganda na, pero maliit ka lang talaga," sabay himas sa ulo niya. Sandy is my step sister. Wala talagang makikitang resemblance sa aming dalawa, lalo na sa height. Parehong matangkad ang mga magulang ko. Si Tito Robin na ama ni Sandy ay matangkad naman, iyon nga lang, namana talaga ni Sandy ang kaniyang height sa mother niya. "Nga pala, Ate, kumusta lakad niyo nila Ate Kiray at Ate Patricia?" "Hayun, sobrang saya na exciting. Parang roller coaster rides lang ang feeling." "Roller coaster rides?! 'Di ba nakakasuka ang feeling nun?" Pareho kaming takot sa rides, lalo na sa mga extreme rides gaya ng roller coaster. "You got it right, bunso. Nakakasukang experience pero mayroon din namang maganda." Napangiti ako nang sumagi sa isip ko ang bulilit na iyon. His song keeps on replaying on my mind. "Miss pwedeng pakiss─lapin ang mga ngipin? Imbis na mainis sa akin, napangiti din. Akala ko iisnabin ng binibining nagpatibok ng puso kong nahulog at nagdurugo." Replay ulit. "Miss pwedeng pakiss─lapin ang mga ngipin? Imbis na mainis sa akin, napangiti din. Akala ko iisnabin ng binibining nagpatibok ng puso kong nahulog at nagdurugo." Isa pang replay. "Miss pwedeng pakiss─lapin ang mga ngipin? Imbis na mainis sa akin, napangiti din. Akala ko iisnabin ng binibining nagpatibok ng puso kong nahulog at nagdurugo." "Oh my gassss! In love ka, Ate Meg?!" Gulat niyang tanong na may kasamang panlalaki ng mata. "Woooh! Lower your voice, Sandy. Hindi pa naman ako bingi." "Bulag lang." "Aba't, nasagot na." Aktong papaluin ko siya nang bigla siyang tumakbo papunta sa pintuan. "In love si Ate Meg. Sasabihin ko ito kay Mommy at kay Daddy!" "Sige, ipagkalat mo. Ipagkakalat ko rin naman na ikaw ang gaganap na Little Snow White sa school niyo. Nakakasuka!" Umakto ako na parang naduduwal na siyang nagpatigil sa pagtawa niya. Bigla siyang sumeryoso at mataman akong tinitigan "Okay. Hindi ko ipagkakalat na in love ka but promise me that you won't tell them about Snow White." "Why a serious face? Saka ano ba iyang pinagsasabi mo na in love ako? Pinapangunahan mo na ako sa nararamdaman ko ah. Ikaw na ba si Lucky Megan ngayon?" "Basta. Secret lang natin iyon ah. Wala kang pagsasabihan tungkol sa sinabi ko sa iyo. Sige, Ate, balik na ako sa kuwarto ko." "Ayaw mo nang matulog dito?" "Hindi naman talaga ako matutulog dito. Na-miss lang talaga kita. Sige, Ate, goodnight and sweetdreams." Nakangiti na siya at tuluyan nang lumabas sa aking kuwarto. I felt so touched by her words. Even though she's just my step-sister, parang mas tunay ko pa siyang kapatid kaysa sa dalawa ko pang kapatid na sina Lauren and Isabel. Second husband ni Mommy si Tito Robin, ang daddy ni Sandy at second wife naman niya si Mommy. They been together for three years now and I can see that they are really happy to have each other. Sandy and I we're happy for them. Maliban sa dalawang maldita na sina Lauren at Isabel. Pabagsak akong humiga sa kama ko. It's time to be more serious. I really need to find a job. Two months na akong graduate. Napag-iiwanan na kami nila Kiray at Patricia dahil kalahati sa mga kaklase namin ay may mga trabaho na. Habang kami ay nganga pa rin. Paano ba naman kasi, puro pasama nang pasama sa mga lakaran si Patricia. Imbes na abalahin ang mga sarili namin na makahanap na ng trabaho, sasamahan pa naman iyong isa para lang sa ambisyon niya. Hay naku, yayayain ko na talaga iyong dalawa na maghanap na ng trabaho. Tama na iyong mga taon na pinaaral ako ng mga magulang ko. Ito na ang tamang panahon para suklian ang paghihirap na ginawa nila makatapos lang ako. "Sorry, Dad, for not visiting you. But I promise na susulpot na lang ako at magkukwentuhan tayo." Kausap ko sa litrato na nasa side table ko. A picture with him when I was 10 years old. During that time, may sakit na siya sa lung cancer at totally weak na. I don't want to feel sad but I can't help it. Nanlalabo na ang paningin ko and I'm begin to cry. "I miss you, Dad. I wish you were here." "Meow. Meow." Nakita kong lumapit sa akin si Tiny, ang alaga kong pusa. Umakyat ito sa kama at at dinilaan ang kamay ko. "Miss mo na rin ba si Daddy?" tanong ko kay Tiny. "Meow." Parang naiintidihan niya ang sinabi ko. Mapait akong ngumiti nang maalala ko na regalo sa akin ng namayapa kong ama ang pusang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD