SEVEN ❤️

1384 Words
-LUCKY MEGAN- "Miss, pwedeng pakiss─lapin ang mga ngipin? Imbis na mainis sa akin, napangiti din. Akala ko iisnabin ng binibining nagpatibok ng puso kong nahulog at nagdurugo." Napanganga ako sa narinig ko. As in napabuka talaga ang bibig ko nang marinig ko ang boses ni Yujin. Boses niya talaga iyon? Kung ano ang kina-cute ng height niya, siyang pagka-cute rin ng boses niya. "DUG DUG DUG DUG" Nagtaka ako sa kakaibang tunog na narinig ko. Hinanap ko kung saan galing ang extra sound na iyon. "Narinig mo ba iyon?" Yumuko ako at bumulong kay Kiray. "Ang alin?" tanong niya na hindi man lang tumitingin sa akin. "Iyong Dug Dug Dug Dug." "Hit with you with the ddu ddu ddu ddu?" salubong ang kilay na tanong ni Kiray sa akin. "Hindi. Kanta ng Blackpink iyan eh. Iyong Dug Dug Dug Dug." "Hay naku, boses lang ni Yujin ang naririnig ko, Megan." Binalik niya ulit ang tingin sa loob ng booth. Nagkibit-balikat na lang ako at muling tinuon ang atensiyon sa nilalang na nasa loob ng booth. Nagra-rap pa rin si Yujin habang kinukunan siya ng video ni Samson. "DUG DUG DUG DUG" Hayan na naman iyong tunog na parang tambol. Pero bakit parang ako lang ang nakakarinig? Pinagmasdan ko ang nasa loob ng studio at lahat sila ay nakangiting pinagmamasdan sila Yujin at Sam. Naisipan ko hawakan ang kaliwang dibdib ko. Lagot! What's the meaning of this sound? Puwedeng paki-tulungan akong hanapin sa wikipedia ang kahulugan ng sound na iyon? "Anong title ng kanta niya?" tanong ni Kiray kay Vanessa. "Kislap. Kami ang nag-compose niyan," proud na sagot ni Aikee. "Kislap?" Kung anime siguro kami, paniguradong star or heart shaped na ang mata ko. Sinabayan ko ang pag-indak ni Kiray sa kanta ni Yujin. "I think I like him." Napatigil ako sa pag-indak nang lumingon ako kay Patricia. "Ano iyon, Pat?" Hindi ko kasi masyadong naintindihan kaya pinaulit ko ulit ang sinabi niya. "I like him, Megan." Tumingin sa akin si Pat. At may nakita akong kakaiba sa mata niya. "Ah. Y-you l-like him? You like Samson? Well, he looks okay. Mukhang mabait naman siya." "No. I like the cute and smaller one who's wearing a black jacket with red shirt. His name is Yujin, right? I like him, Meg." Natigilan ako. Nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ko ang sinabi niya. "Tuwing nakikita ka hindi mapakali. Kinikilig at parang kinikiliti ng iyong ngiti. Aking mithiin ay kakaiba. Pag ibig ko ay parang paghinga na wala ng pahinga. Kagandahan mula ulo hanggang sa talampakan. Yung ngiti mong may kislap, ding hindi pagsasawaan. Kasi nakita ko ang bukas sayong mga mata. Kung takot kang masaktan, mas takot akong saktan ka. Haha. Kaya," Nakakabighani ang pagkislap ng ngiti ni Yujin habang kumakanta siya. Tuwang-tuwa siya na nakatingin sa videocam na hawak ni Sam. Halatang enjoy na enjoy siya sa ginagawa niya. Pero ako, nawala ang excitement ko. Parang nawalan ako ng gana habang si Pat ay hindi pa rin maka-get-over sa kakiligan. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Parang high school student na sobrang kinikilig kapag nakikita ang crush niya. Impit na tili ang naririnig ko mula sa kaniya. "My gosh, Meg! He's so cute, 'di ba?" Parang taeng-tae na si Patricia habang naglulumikot sa tabi ko. What the F! Minsan lang ako magkagusto pero bakit kailangan ko pang magkaroon ng kaagaw? At kaibigan ko pa ang magiging karibal ko?! "Kailan ka pa nagkagusto sa mas maliit sa'yo?" "Ngayon lang," ngiting sagot ni Pat. "Hindi siya cute. Ang panget niya kaya." "You're totally blind, Meg. He's so adorable and soooo cute! Oh my! My heart beat faster. Feel it, Meg." Hinawakan niya ang kamay ko at tinapat sa dibdib niya. Oo. Malakas nga ang t***k. Parang iyong sa akin lang kanina. Pero ngayon nawala na iyong Dug Dug Dug Dug na iyon. "Miss, pwedeng pakiss─lapin ang mga ngipin? Imbis na mainis sa akin, napangiti din. Akala ko iisnabin ng binibining nagpatibok ng puso kong nahulog at nagdurugo." ***** Hindi pa rin ako makatulog. Kahit anong pilit ko ay bumabalik pa rin iyong mga pangyayari. Ang nakakalokang eksena na naganap sa isang araw lamang. Una, ang pagkabulilyaso ng pangarap ni Patricia na maging sikat na modelo. Iyong napuntahan kasi namin na agency ay gumagawa pala ng kabalastugan. Yeah, the scened that I witnessed. Ang dahilan kung bakit ura-urada ako tumakbo. Masyado lang naman akong nag-panic nang makakita ako ng dalawang lalaki na naghahalikan. Para silang bagong kasal na nagliliyab sa kanilang first honeymoon. Buhat ng isang lalaki ang isa pang lalaki. Nakayapos ang dalawang binti nito sa beywang ng lalaki at todo halikan. Hindi ko inakala na masasaksihan iyon ng malabo kong mga mata. Kahit kailan ay hindi ko tinangka na manood ng mga porno dahil para sa akin, masyadong inosente ang kamalayan ko sa mga ganoong usapin. Pero lintik lang talaga. Nang dahil sa lintik na audition kuno na iyan, ugh! Mga pisti talaga sila! Tatlo silang mga lalaki. Iyong isa ay may hawak na videocam at kinukuhanan ang kanilang kababuyan sa buhay. Nakahubad ang dalawang lalaki at may suot na damit naman ang isang videographer nila. Sa totoo lang, kahit nakasuot ng brief iyong dalawa, mahalay pa rin sila para sa akin. Ano ba ang naisipan nila at ginagawa nila ang ganoong bagay? Nang dahil sa pangyayaring iyon, kumaripas agad ako ng takbo. Ni hindi ko na nga namalayan na iniwan ko pala iyong dalawa sa loob, sina Kiray at Patricia. At dahil sa pagmamadali ko na makalayas sa lugar na iyon, sumabit ang isa kong paa sa railings ng hagdan na naging dahilan para bumagsak ako sa piling ni bulilit. Bumangon ako mula sa kama at lumapit sa bintana. Bukas ang bintana kaya malayang nakakapasok ang malamig na hangin sa aking kuwarto. Umupo ako sa pasimano at nakapangalumbabang tumingin sa kalangitan. Alas-dose na pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Hindi pa talaga ako makapag-move-on. Gusto ko man kalimutan iyong nakita ko sa Room 1313, hindi naman maaari dahil kakabit noon ang pagtatagpo ng landas namin ni bulilit o ni Yujin. Tumayo ako at pumunta sa study table ko. I picked up my pen and start writing in my diary, and my diary got a name─Lucky. June 13 12:05AM Hey, Lucky, wazzap?! It's been a long time since I wrote here. I'm not in a good mood during those times kaya late na ako nakapag-update sa'yo. Today is nakakalokang day, 13th street, 13th floor, Room 1313 and the date today is June 13, and to be lucky talaga, Friday the 13th pa. Marami akong nakilala ngayong araw. Una, si Edgar and the company. Mga bakla yata ang mga iyon eh. Pero sayang naman kung bading nga sila kasi kahit saglitan ko lang nasulyapan ang mga mukha nila, halatang mga guwapo ang mga ito. Pero pisti lang talaga kasi... kasi... kasi... Ugh! Naghahalikan po ang mga bading! Sayang, ang gaguwapo pa naman nila pero mga bading pala sila. Nakakainis lang. Sayang naman ang lahi nila. Kung bakit kasi usong-uso na ngayon iyan sa mundo eh. And to add twist in this story, I also met this someone. Someone I can't mention the name until I'm sure with myself, with my feelings... I guess. He's so cute, as in very much cute. Alam mo naman ang weakness ko 'di ba? Cute things, cute cat, cute food. Basta anything about cuteness. And I find this someone as cute. Super cute with a cute rap skills and a cute height. LOL. I like him. But unfortunately, my friend also like him. I also met this Geo, who happened to be "someone" friend. Geo introduced his friends. Vanessa, Jun, Aikee and Sam. I felt happy because I already felt that they are my new found friends. Sila iyong tipo ng grupo na madaling makapalagayan ng loob. Ibang klase iyong friendship na nadama ko sa kanila. Pero wala pa rin makakatalo sa friendship na mayroon kami nila Kiray at Patricia kahit madalas eh nagbabangayan ang dalawa. Iyan na lang muna ang chika ko sa'yo, Lucky. Medyo masakit na ang kamay ko eh. Chikahan na lang tayo next time ah. #MakikitaKoPaKayaSiya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD