Chapter Two

1582 Words
"Kahit kelan talaga Rence, sweet ka pa rin kay Peony kahit kasal na siya! Tignan mo nailang tuloy sayo." Sigaw ni Sasha at hinila ako sa gilid. Rence is a sweet guy indeed. The way he held my hand and the way he kissed it, it reminds me of a feeling I forgotten. " Naku pagpasensiyahan mo na ang lalaking yun ha!" "Hinde okay lang tsaka alam naman ni Duke na magkikita kami, pumayag naman siya pero hindi ko lang inaasahan na ganun ang gagawin niya." Pinakita ko sa kanyang okay lang ako kahit sa totoo lang, medyo nailang talaga ako lalo na naguguluhan ako sa nararamdaman ko sa kanya. Bumalik na lang ako sa kinauupoan ko kanina at kumain ulit. Mabagal kasi ako kumain para di ako agad mabusog. Nagsandok na rin ng pagkain niya ang kararating lang na lalaki. Sinusundan ko lang siya ng tingin at mukhang napansin naman niya yun kaya lumingon siya ng tingin sa gawi ko. Nakipagtitigan lang ako sa kanya. Naramdaman kong umakbay si Gab sa balikat ko. "Tsk tsk, parang nung dati lang ah." Nakita kong ngumisi si Rence at lumapit sa pwesto namin. Nangunot na naman ang noo ko sa sinabi niya. Tinignan ko siya ng may nagtatanong na mata. " Ganyan din ang tingin na binibigay mo sa kanya noong highschool pa tayo at crush mo pa siya. Susundan mo pero ngayon di ka na naiilang kapag naghuhuli niya mga tingin mo sa kanya siguro dahil di mo siya matandaan at may mahal kang iba ngayon." "Hinahangaan ko siya. Isa siyang magaling na prosecutor at halos nasa kanya na lahat ng gusto ko sa isang lalaki pero~" "Iba ang mahal ko at gusto ko." Sabay niya sa sinabi ko. "Alam ko na yan Peony. Kahit kelan hindi mo sinabi sa akin ang totoo mong gusto at mahal, nagulat na lang kami na si Kuya Duke ang boyfriend mo." "Nini" lumingon ako kay Rence. "Gusto mo ng scramble?" Tanong niya sa akin, napatawa naman ako sa sinabi niya. "Hindi na, ano ako bata?" Tinuloy ko lang ang pagtawa ko ng bigla niyang hinawakan ang ulo ko at pinat ito na parang bata. "I still see you as a child I need to protect at all cost because the day I left you. I couldn't protect you." Silence. Isang nagbabagang katahimikan ang namungad ng sabihin niya ang mga salitang iyon. Awkward. Medyo napilitin naman akong sumagot para magkaroon naman ng ingay. ‌"Ano ka ba, the accident? Hindi mo naman kasalanan na nahulog ako sa hagdan at napuruhan ulo ko diba? Hehe." Malungkot lang siyang ngumiti. "Guys start na tayo sa mga pa games na inihanda ni Rome, kahit alam naman nating puro katarantaduhan ang mga pinili niyan." Hay. Ang awkward talaga. Bakit ba kasi siya ganyan? Sabi nila mapagbiro pero bakit feeling ko aatakihin ako sa puso sa pinag gagawa niya. Nagsimula na kaming pumunta sa initan. Ako nga nagshades na dahil ang sakit sa mata ng araw. "Okay group yourselves into three!" Dali dali akong pumunta kay Gab dahil alam kong parati kaming magkasama sa laro yan kaso sinama niya si Rence because we are friends daw noon naman. "Ang magiging laro natin ngayon ay sack race but it has a twist. This will be a three man play. Ipapaliwanag ko muna kung paano siya lalaruin. Same na iikot kayo sa upuan dito sa dulo at babalik but merong ipapatong sa ulo niyo na korona. Isang korona lang per team ang meron. You need to protect the person with the crown because you will have an advantage for the next game. Iisa lang ang upuan dito sa dulo at dahil iisa lang na team ang may chance na manalo. You see this square, eto ang magiging boxing ring niyo." Explain ni Sasha about sa mechanics. Ang g**o. Nagtaas naman ng kamay ang kasama ko. "Yes Rence?" "Do you mean, we need to take all the other crowns for us to take a turn and win?" "Yes!" Mukhang excited naman si sasha. Seryoso pa masyado nitong isa. "Any questions?" Since walang sumagot nagsimula na ang laro. Ako, si Jenna, si Arman, si Hanah at si Kiana ang nakasuot ng korona. Oo nga pala yung sako namin nakatali isang metro ang layo sa isa't isa, ako yung nasa gitna. Nasa harap si Gab at sa likod si Rence. Hinahabik namin ngayon si na Jenna kaso magaling silang tumakbo, este tumalon talon. Si Arman at Hanah hinahabol na sila Kiana dahil nanduga na before magstart yung game hinablot na yung korona nila. Hindi naman sila dinisqualified kaya pwede pang maglaro basta makuha mo ulit yung sa inyo at sa iba. Naghabulan lang kami ng naghabulan at announce naman ng announce si Sasha at nanonood lang si Jericho isa naming kaklase sa upuan niya dahil nakaupo siya sa iikutan namin. Habang nagsisitalon kami biglang yung tali na pagitan namin ni Gab may sumingit at napatid sa kakatalon kaya nagkabungguan ang ulo namin at nasama si Rence. Double ouch. Ang sakit! Nadaganan pa kami ng napatid sila Arman pala, nakuha na niya yung korona nila. Biglang naramdaman kong may dumagdag sa bigat nila Arman na nakadagan sa amin at yung kasama nila na si Jaime sa ilalim namin dahil siya ang napatid. Tumatawa naman ng sobrang lakas si Hanah dahil nakuha nila lahat ng korona namin dahil kaming apat na grupo pala ang nasama sa kumpulang napatid patid. Mga Yawa! "Okay and the winner is Hanah, Remedy and Kiko." "We are so Happy na, na out of balance si Jaime kakatalon at napatid sa pagitan ni Peony at Gab sabay sumabit si Jenna Kay Arman dahil pinipilit abutin yung Korona ni Bakla at si Sam na hinila ni Jenna na babagsak HAHAHHA! THANK YOU FOR THIS OPPORTUNITY JAIME! " Tuwang tuwa ang gaga. "Ang prize niyong tatlo ay ibibigay mamaya dahil nasa hut ito. Sana okay ka lang Jaime dahil ikaw ang pinakanadaganan diyan HAHA!" Nagthumbs up naman si Jaime at ngumiti. Nagrereklamo yan kanina HAHAHAHA! "OKAY, the next round is 'shoot the straw'! Meron tayong bote ng softdrinks dito na nakahiga at ishohoot niyo lang yung straw sa bote. Easy as that but you need to pass all the obstacle first. Jump in this tire and take a turn on this log with eyes closed with 10 turns total and jump again and shoot the straw. Two groups five people. Since 14 lang tayo, yung tatlo di makakasali." Paliwanag naman ulit ni Sasha. "Hindi ako sasali!" Taas ko ng kamay. Napangiti ako sa sinabi ko. Makikita ko kung paano sila katanga mamaya. Nakita ko ring hindi sumali si Hanah at Sam kaya kaming tatlo ang nasa gilid ngayon at tinitignan ang mga manlalaro kung paano sila maghanda para sa isang medyo madugong laban. Chariz lang HAHAHA! Si baklang Arman ayun nag i-split kasama niya si Jenna, Fiona, Gab at Rence. Yung mga kasama niya pinipilit kahit hirap na hirap. Si Jaime, Rome, Kiana, Kitkat at Jericho naman ang magkakakampi, parang lugi ata ah. Puro babae ba naman ang nasama sa reunion, medyo kawawa ang boys, lima lang ang barako may madadagdag sana kaso paminta naman. "Let's start the game!" Mabilis na tumakbo sina Kiana at Jenna, halos nagsabay silang tumalon papasok sa loob ng gulong at nang palabas na ay nasabit ang paa ni Jenna kaya naman natumba siya kaya naunang umikot si Kiana. Dali dali namang sumunod si Jenna. Naunang natapos si Kiana kaso natumba din siya pagkatapos at ng patalon na siya sa gulong pagkatapos makatayo ay natumba ulit siya. Si Jenna naman ay hindi natumba at nakatalon sa gulong. Ishoshoot niya na lang ang straw kaso naumpog siya sa may kahoy na kinalalagyan ng mga bote pero nashoot niya naman at si Kiana ay shinoshoot pa rin. Sumunod kaagad si Arman. Bibong bibo at hindi natumba pero mas mabilis si Kitkat at hindi rin siya nahilo, baka ballet dancer yan sanay sa ikutan. Mas nauuna na ulit ngayon sina Kiana. Si Jaime at Fiona ay dikit na dikit ang laban dahil parehas silang lampa, parehas talaga. Kahit lalaki si Jaime, napapatid siya sa sarili niyang paa. Si fiona ay hindi athletic kaya medyo sila ang nagpatagal ng laban dahil ang babagal nila kumilos at ilang beses silang natumba at lumayo dahil sa mali ang direksyon nila ng pagkalad after nung ikot. Sumunod na naglaban si Clarence at si Rome, ang malokong si Rome tinapunan ng tsinelas si Clarence kaya siya ang nangunguna ngayon at naunahan niya na kaya sumunod agad si Jericho at hindi man lang natapos ni Gab ang laro niya. "Maduga si Rome, Sasha nambabato, di pwede yun!" Uyaw ni Arman. "Walang akong sinabi na di niyo pwede pabagalin o pahintuin ang kalaban niyo. Loophole, I guess." Sagot naman ni Sasha. Parang nalugi naman sila sa sagot ni Sasha. Hmmm. Loopholes. "Ayaw na namin, maduga yung announcer. Boo!!!" WAHAHAHA. Can't accept defeat eyy? "Uwian na may epal kase!" Nakikisabay na ang ibang malalakas ang sapak at natatawa na lang ako sa kanila. The day was fun. Nakalimang games kami total at nakaisang panalo ako kaya nakauwi ako ng isang gift which is a music box. Kasabay namin si Clarence, Convoy sa amin ni Gab. Pagkadating namin sa bahay, nanduduon na si Duke. Namiss ko siya! Tumakbo agad ako papalapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Pero ng makita niya kung sino ang nasa likod ko na kasama namin ni Gab ay alam kong galit siya. Hindi niya gusto ang nakikita niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD