"Congratulations Duke at Peony! Ang ganda ng wedding niyo! Magaling yung organizer niyo!"
"Thank you Annaliese! Buti naman at nakadalo kayo ni Gabriel, alam ko kasi busy yun dahil may dalawa na kayong anak tapos buntis ka pa ngayon." Niyakap ko si Anna at hinawakan ang baby bump niya.
"Thank you anne, sana di ka pinapahirapan ng pinsan ko. Puro sarap na lang ata ang inaatupag eh, HAHAHAHA!" kahit kelan talaga.
Ang saya ng araw na ito dahil kinasal na ako kay Duke. Hindi ko na imagine na darating ang araw na ito. Puro congratulations ang naririnig ko mula ng matapos ang wedding hanggang sa reception.
Pagkatapos ng reception ay dumiretso na kami sa tutuluyang bahay namin na niregalo ng mama niya.
"Ako na magbubukas ng pinto diyan ka na lang." Bumaba na siya sa sasakyan namin at binuksan ang malaking pinto ng magiging bahay namin. Dito ba namin bubuoin ang pamilya namin?
Pangarap ng karamihan sa mga babae ang makasal sa taong mahal na mahal nila at mahal na mahal rin sila. Ang mahalin ng taong mahal ka ay isang prelibihiyong kahit kailan ay hindi ko ipagpapalit.
"Babe, ano iniisip mo?" Humarap ako sa kanya at ngumiti.
"Iniisip ko lang na siguro magiging masaya ang buhay natin after nito. Marami tayong anak na nagkukulitan sa may salas at tatanda tayong magkasama at titignan ang mga apo natin na masaya."
"Mangyayari yun, gagawin natin lahat ng pangarap mo, tutuparin ko hangga't makakaya ko basta tulungan mo ko" Tumango naman ako at excited na pumunta sa kwarto namin.
Dati kasi ay hindi pwede, ayaw ni mama at papa. Kapag may date kami kailangang kasama si mama o si papa. Minsan nga ay nakakahiya pero okay lang, alam ko namang protective lang sila.
Sa mga sumunod na weeks ay parating nasa loob lang ako ng bahay at minsan ay dinadalaw ako nila Anna at mga pamangkin ko.
Si Duke kasi ay isang restaurant owner na may ten branches sa buong luzon. He always checks the branches every other week kaya minsan mag isa lang ako dito sa bahay.
Nagagawa pa naman ang rituals as husband and wife pero minsan na lang din dahil busy siya.
Kinuha ko ang cellphone at sinagot ang tawag.
"Hello Gab"
"This Saturday, three days from now magkakaroon ng highschool reunion, set daw ng isa nating classmate before and ipapaalam na kita kay Duke since magkikita kami bukas sa Pangasinan sa branch niya, may project ako doon sa Urdaneta, alam mo naman tong bespren mo, magaling magtrabaho at gwapo pa. Sige sige, mamili ka na ng susuotin mo, mamili ka ng maganda ha!"
Ehh!
Ano daw?
Reunion?
Highschool Reunion?
'Anna, alam mo yung highschool reunion natin this saturday?' Text ko sa kanya.
' Yes, matagal na sinabi sa akin yan ni Gab, last week pa nga eh, Si Rence daw ang nag set.' Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
'Rence? Wala tayong kaklaseng name ay Rence!'
Calling Anna~
"Ano ka ba! Ay oo nga pala, nakalimutan ko sorry! Rence, siya yung classmate natin mula grade 7 to 12, noong nagcollege na lumipat na siya sa NU Laguna to pursue Law. After mo kasi gumaling sa accident mo ay umalis na siya at di na nag paalam sayo but nung nalaman niyang nagpakasal ka kay Duke, he contacted us na gusto niya magkareunion tayo. I think he still likes you, though sa status niya sa f*******:, he was in a relationship. So I guess hindi na?" Likes me? He liked me?
I know all my highschool classmates and friends after the accident but not him. I still remember all the people i had a crush on and liked but not him.
" Oh, I'm excited to meet him!"
"He's famous now, you can search his name on the internet but his book speaks a lot about him. If you want to know him more again better buy that book and read it. I'm sure matutuwa siya na alam niyang magaling ka na." Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Sige I will try, just text me the title of the book. Bye, thank you anna!"
"Who are you Clarence Baltazar? Who are you in my life? Why are you the only person I have forgotten? "
Kinabukasan ay pumunta na ako sa National Book Store at hinanap ang libro niya. Hindi ako makapaniwala na iisa na lang ang natira at saktong ako pa ang nakakuha.
"Gosh girl. Maganda yang libro ni Prosecutor Baltazar, nasasaktan ako dun sa leading man. Akala ko talaga about sa laws and something na magpapadugo ng ilong ko dahil sa work niya. Girl it is a romantic fiction na epic ang ending! I won't spoil you because what will be the essence ng pagbilo mo kung hindi mo babasahin at ikekwento ko na lang sayo." May tama naman si ate girl don.
Ganun ba kaganda ng libro na eto para pagkaguluhan? So, prosecutor na pala siya.
" Ma'am total of 2 499 pesos po." Nakangiting sabi ni ateng cashier.
"2499 for this book?" Tumaas na kilay kong sa kanya. Tumango naman siya.
" Limited edition po kasi yan. Hindi na po magbibigay yung author ng another rights to produce copy po. 5 copies lang po tinitinda namin per branch po. " Huh? Anong klaseng manunulat ba naman tong si Rence at ginawa pang Limited Edition ang libro niya?
May lumapit kay ate cashier at napatango tango naman ito.
"Ma'am I'm sorry for the incovenient but this book po was already reserved. You can't purchase it now. " Malas ata ang araw ko ngayon.
" Sige thank you na lang." Napipilitan akong ngumiti sa kanya bago umalis sa NBS.
Namili na lang ako ng susuotin ko para sa saturday. Simple lang ang binili ko dahil it is a one time occasion naman.
Hindi rin naman ako makakatangi dahil kay Gab. Napaalam kaya ako ni Gab kay Duke?
Pagkauwi ko ay ang tahimik ng bahay. Gusto ko na magkaroon ng mga chikiting sa loob ng bahay na to para naman hindi na ako mabored kapag mag-isa lang ako.
Kumuha nga ako ng Bachelor of Secondary Education Major in English, nakapasa nga ako sa board exam peri ayaw ako pagtrabahuhin ng asawa ko para daw maging hands- on ako sa mga magiging anak namin. Pero ang tanong ay kailan? When mabubuntis?
I miss him.
I miss Duke.
I miss the funs we used to do.
Today is the day. Start daw ng 9 am para mas maaga daw makauwi and susunduin ako ni Gab.
Simple lang ang pinili ko. Simple is always the best.
"Nini, where are you? Kanina pa ako sumisigaw sa baba! Bakit di ka kasi manguha ng katulong dito sa bahay niyo?" Reklamo ng alam kong kadarating lang. Speaking of the devil, naka ayos siya ha. Pero Hawaiian outfit really?
"At paano ka naman nakapasok dito, ni hindi nga kita pinagbuksan ng pinto?" Tanong ko sa kanya at kinuha ang travel bag sa may kama at pinabuhat sa kanya.
" Baka nakakalimutan mo, nagkita kami ng asawa mo sa Pangasinan, nagbigay siya ng extra dahil alam niyang kukupad kupad ka na parang pagong sa bagal ng kilos mo lalo na kung may lakad. Sabi ko before 7 am kita susunduin para maaga tayo dadating pero nagpalate ako ng konti dahil akala ko tapos ka na nun pero maaga pa pala." Napaikot na lang ang dalawang mata ko sa kakareklamo niya, daig niya pa ang nanay ko sa kakadada. Armalite ang bunga nga parang hindi lalaki.
"Nagkausap kami ni Duke kagabi bukas daw ay uuwi na siya kaya maaga ako uuwi bukas." Pagkasakay ko sa kotse niya ay sa malamang sa passenger seat ako.
"Sino si Rence?" Napatigil naman siya saglit at kiming napangiti.
"Our friend." Tipid niyang sagot. Napanguso na lang ako sa sagot niya.
Two hours ang biyahe dahil mula zambales ay pumunta kaming bataan, sa dagat din. Beach resort, marami namang ganun sa probinsiya namin pero dadayo pa kami. Ang arte ata nung nagpasimuno nito.
"Hello Gab, Peony Nice to meet you again!" Niyakap ko naman si Jenna. Ex ni Gabriel ito, maganda at sexy pa rin, hindi ata kumupas ang kanyang kagandahan.
"Nice to see you too Jenna! It's been a while and are you with your fiance?"
"No, ako lang, our other classies are there na sa hut at yung iba nag luluto na for our pananghalian. Gab, go with the boys na, have some fun, makikipagchikahan muna ako kay Nini." Sa sinabing yon ni Jenna ay tuluyang umalis na nga ang kasama ko.
" Where is Anna? Akala ko makakasama siya?" Habang naglalakad kami at tinutulungan niya akong magbuhat ng gamit ko.
"Oh buntis siya ngayon sa third child nila ni Gab. And nagpaiwan talaga siya sa bahay nila kasi walang magbabantay sa dalawa pa nilang anak." Tumango tango naman siya.
" You, how are you with your fiance? Nabalitaan ko lang kay Gab kanina sa biyahe. Kelan ang kasal?"
"Marcus is such a great guy, pero mas great sa tingin ko si Rence. Next year pa kami ikakasal, don't know which date di pa kasi namin napag uusapan. Buti pinayagan ka ng asawa mo na umattend, Don't you know?"
"Oo naman, Anong kailangan ko malaman?" Naguguluhan ako sa tanong niya. Saan naman?
"Duke and Clarence had never had a good term ever since highschool. I think one of the reasons why he never attended your wedding is because you married Duke and he still bitter to the past? But he has a girlfriend now I think?" Bakit parang ang layo naman ng cabin namin, kanina pa kami naglalakad.
"still bitter? Why? We never been in a relationship together." Takang tanong ko sa kanya.
"Yes, you never were. We know! Oh we are here na, Guys si Peony!" Tawag niya sa mga ibang classmates namin and mostly ay babae at nagluluto talaga.
" I miss you girl!"
"Namiss din kita Kitkat!"
"Nini!"
"Sasha!"
Lahat ata sila ay nakipag beso beso ako. Sobra ko silang namiss!
Nagkukwentuhan kami sa mga buhay namin ngayon ng dumating na ang mga lalaki at nagsimula nang nagsandok at kumain. Ang ingay ng mga lalaki, kahit kelan naman ganyan sila. Sila yung mga makukulit pero naalala ko one of the boys ako noon, not until the accident.
" Where's Rence ba? Siya yung may pasimuno ng reunion tapos wala siya?" Sasha said. Our chipmunk girl, kahit kumakain magdadaldal siya. Siya ata ang di nawawalan ng kwento, our own class of marites.
"He's on the way, nagkaproblema daw sa hearing kanina kaya malelate siya." Seryosong sabi naman ni Fiona habang nakatutok sa laptop niya. Kanina pa siya diyan, nakikipagdaldalan nga siya sa amin kanina pero panaka naka naman siyang nagcecellohone at nag lalaptop. I understand naman, kasi minsan ganyan din si Duke, mostly sa work ang inaatupag.
"Speaking of, Clarence Pare!" Salubong ni Gab sa nakakotseng dumating.
So he is, Clarence Baltazar.
"Clarence, magpakilala ka ulit kay Peony, ikaw lang ang di natatandaan niyan." Sabay lapit nilang dalawa sa akin. Tinignan ko naman si Gabriel at si Rence daw.
"Hi, I'm Peony Gail Consuelo-Fortaleza." Abot ng kamay ko sa kanya.
" Prosecutor Clarence Baltazar, your prosecutor and your protector, my lovely flower." Sabay halik sa kamay ko at sa noo ko?
Tulala lang ako sa nangyayari pero ramdam ko ang hiyawan ng mga dating kaklase. Pero bakit hindi ako nakaramdam ng kilig o kung ano man?
Naramdaman kong sobrang miss na miss ko na siya at gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa dahil ayokong magkasala kay Duke.
Naramdaman kong iingatan niya ako higit pa sa buhay niya.
Naramdaman ko ang pananabik niyang makita ako ulit.
Pero ramdam na ramdam ko ang galit niya. Para kanino?
Hindi kilig ang naramdaman ko, naramdaman ko ang pangungulila at pagmamahal niya na hindi ko maintindihan kung saan talaga siya nakalugar sa puso ko.
Prosecutor Clarence Baltazar, Sino ka ba talaga sa buhay at puso ko?