Thirty "Kumusta ka anak?" tanong ni Mama. Magkatabi kaming nakaupo sa couch habang pinapanood si Shade at Papa na naglalaro ng billiard sa gaming room dito sa bahay ni Shade. Plano sana naming tumambay lang maghapon sa kwarto pagkatapos naming bisitahin ang kulungan ng alaga ni Shade. Pero na gulat na lang kami ng nakatanggap ng tawag si Shade mula sa security team at nanghihingi ng approval kung papapasukin ba ang mga magulang ko. "Ayos naman po!" Nakangiti kong sabi rito. Sa totoo lang, masaya ang puso ko ngayon. "I'm happy na ayos ka na! Alam mo ba noong kayo pa ni Shaun, sa tuwing nagtatanong ako hindi mo magawang magsabi ng totoo at hindi ka rin makangiti. But now---you look happy and contented!" totoo naman ang sinabi ng aking ina. Palaging laman ng isipan ko noon kung may patut

