CHAPTER 24
FIERCE'S POV
Nakatulala lang ako sa kaniya. Mukhang kinabahan siya ng hindi ako umimik kaya bumangon siya at tumingin sakin. Puno ng takot ang mga mata niya.
Nag-iisip ako kaya natahimik ako. Cloak would be a very good husband. Sometimes he acts like a jerk. Pero that what makes him real. Hindi siya perpekto. I love how he care for me, natutuwa ako kapag naglalambing siya. Pero marriage?
"Cloak..." simula ko.
"No, no, no! I know you'll say no. Please don't answer yet. Pag-isipan mo na. I'm willing to wait even it takes a billion years but it would really make me happy kung papayag ka pero kung ayaw mo talaga willing naman akong mag-intay basta wag mo lang akong tatanggihan—"
"Shhh! Inhale and exhale."
Wala sa sarili na sumunod siya sa sinabi ko. Nang mukhang na-realize niya ang ginawa niya ay tinignan niya ako ng masama na nagpangiti lang sakin. Huminga uli siya ng malalim. Hinawakan niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan na parang natatakot siya na mawawala ako. I lean down ang kiss him on the cheek. "Relax and let me speak."
"But—"
"It would be lovely to be your wife Cloak. It's just that it's too early. Matagal narin tayong magkakilala pero nagsisimula pa lang tayo. Hindi pa nga tayo umaabot ng buwan."
"It's just numbers Fierce."
"I want to take my time with you. Marriage na ang pinag-uusapan natin dito and I dont think na kaya kong sumuong ng ganon-ganon lang sa isang relasyon. I'm trying to make a fresh start with you and I want to be with you. But not this early."
"Fierce, tell me. Let’s say na matagal na tayong magkasama. Would you accept my proposal then?" tanong niya.
"Yes. Because I know at that time na clear na natin lahat ng dapat ayusin."
"I'm not asking you to marry me the moment you accept me. I just want you to accept my proposal and be my fiancee for how long you want."
"Nangliligaw ka pa lang."
"Well..."
Tinaasan ko siya ng kilay ng napakamot siya sa batok niya tapos ay ngumisi siya sa paraan na ginagawa ng batang nahuling may ginagawang kalokohan. "Well?”
"Kung tatanggapin mo tong singsing then you'll be my fiancee and of course automatically tayo na non."
Napahalakhak ako. Para-paraan nga naman. Excited lang ata ‘tong lalake na ‘to kaya biglang nag-aya magpakasal but I doubt it. Mukha kasing ang saya-saya niya though may takot parin sa mga mata niya.
"So you mean we don't have to get married once I accept this? I can still take my time?"
"Yes."
Tinitigan ko siya. Mukhang may balak lang siya kaya siya nag-ayang magpakasal. Tumaas ang sulok ng mga labi ko ng makita kong naiilang siya sa titig ko.
"Any other reason at inaya mo akong magpakasal?" tanong ko.
"I just want you to be mine."
"Marking your territory?"
"Yes."
Napangiti ako. Hindi ko makuwang mailang ngayon kay Cloak na dapat nararamdaman ko. It’s just that masyado akong natutuwa ngayon para mailang. I wonder what it feels like to be Mrs Cloak Jase Scott.
Binuhat niya ako at inupo sa kandungan niya. Napansin kong may inaabot siya sa bulsa niya sa likod. Itinapat niya sakin yon. Napasinghap ako ng makita ko kung ano yon. A ring. A beautiful ring.
"Would you wear this?" sabi ni Cloak.
Hindi ako nakapagsalita. Nakatitig lang ako don sa singsing. It’s so beautiful. Simple lang siya pero hindi ko maialis ang tingin ko sa singsing. It have its own charm na dahilan kung bakit hindi ako makapagbawi ng tingin.
Kung hindi pa ako tinaasan ng kilay ni Cloak hindi ko maiisipan na sumagot sa tanong niya. Ang ganda naman kasi nung singsing na inaabot niya sakin.
"Fierce?"
"Yes I'll wear it Cloak."
Napatili ako ng bigla niya akong binuhat at inikot-ikot. Ini-upo niya ako at sinuot sa kamay ko ang sing-sing. It feels like it belong there.
He looked at me then he kissed me. Passionate as ever. And I can feel the fire igniting between us. I moaned softly and wrapped my arms around his shoulder. Nang maghiwalay kami, pareho kaming kinakapos ng hininga.
"You don't know how happy I am right now." Sabi ni Cloak.
"Show me."
Maghapon na nanood lang kami ng DVD ni Cloak. Paminsan-minsan nagrereklamo siya dahil hindi pa kami pwede mag make love since hindi pa rin umaalis si period. Dinner na ng matapos kami sa pag mo-movie marathon namin. Hindi maalis-alis ang ngiti sa mga labi namin.
"Gusto mong pumunta sa restaurant diyan sa baba? Para maiba naman?" tanong nito.
"Sure."
Hinanapan niya ako ng isusuot at binihisan niya ako ulit. Nilagay niya ako sa wheelchair at bumaba na kami. Hindi naman malayo ang nilakad ni Cloak dahil kapitbahay naman ng kompanya ni Jarrice iyon. Hindi na kailangan ng sasakyan.
Nang makapasok kami sa loob ay in-asist kami kaagad. Mukhang masasarap ang pagkain kaya natagalan ako sa pagpili.
Nang umalis na ang lalaki magkatabi na nanood kami ni Cloak ng mga couple na kumakanta sa unahan na kahit sintunado ay todo bigay sila sa pagkanta. Ako, hindi naman maganda ang boses ko. May mga kanta na kaya ko pero karamihan hindi.
"Cloak kanta tayo." Sabi ko.
Nanlalaki ang mga mata niya na napatingin sakin. Pagkatapos ay tumingin siya sa stage then back at me again tapos sunod-sunod na umiling siya. Mahihirapan nga akong kumbinsihin siya since kahit hindi halata mahiyain yang si Cloak.
"Please?" sabi ko.
"Fierce. I can't—"
"For me? Tayo namang dalawa eh. Ikaw nga ang ganda ng boses mo."
"Fie—"
Naglungkot-lungkutan ako at nakita kong napabuntong hininga siya. Ngumiti ako ng todo ng tumango siya at tumayo. Lumapit siya sa isang lalake at kinausap iyon. Pagkaraan ay bumalik siya sa tabi ko.
"Okay na daw." Sabi nito.
"Yes!"
"Anong gusto mong kanta?"
Natahimik ako at nag-isip ng kanta. Ano ba ang mga kaya kong kantihin na hindi ako sasabit? Tahimik na nag-isip ako at napatingin ako kay Cloak ng may maalala akong kanta.
"Just a kiss."
Napangiti siya at tumango. "Why are you asking?" sabi ko.
"Ako ang tutugtog. Sakto alam ko yang kanta na yan."
Nanlaki ang mga mata ko. Si Cloak ang mag gi-gitara? Hindi ko pa siya nakikita mag gitara kaya excited talaga ako. Kulang na lang hilahin ko pababa ang mga kumakanta para makita ko na si Cloak na mag guitara.
Nang matapos na ang mga kumakanta tinawag na kami ni Cloak. Tinulungan niya akong makaakyat sa mini stage at umupo narin siya sa isang stool. May nag-abot sa kaniya ng gitara.
"Ready angel?"
"Yes."
Napangiti ako ng magsimula na siyang mag strum. Simula pa lang pero parang kinikilig na ewan na ako. Para lang akong hinaharana ni Cloak.
"Lyin' here with you so close to me, its hard to fight these feelings when it feels so hard to breathe, I'm caught up in this moment, caught up in your smile." kanta ko.
Cloak smiled at me approvingly. May mga audience na pumalakpak pa kaya lalong lumakas ang loob ko. Siya naman ang kumanta. "I've never opened up to anyone, So hard to hold back when I'm holding you in my arms."
I cant help but get mesmerize with his voice. Isang beses ko pa lang siyang naririnig na kumanta and that moment was very precious. Katulad na lang nito. Sabay na kaming kumanta sa sumunod na lyrics.
"We don't need to rush this, let's just take it slow. Just a kiss on your lips in the moonlight. Just a touch of the fire burning so bright and I don't want to mess this thing up. No, I don't want to push too far. Just a shot in the dark that you just might be the one, I've been waiting for my whole life. So baby, I'm alright with just a kiss goodnight."
Napapangiti ako. I love the feeling of singing with Cloak. Cause the simple verses. The simple lyrics with him it’s turning into something magical and unique. Like we're not here and we're singing the song from our hearts.
"I know that if we give this a little time. It'll only bring us closer to the love we wanna find... It's never felt so real, no, it's never felt so right." Ako yan! Ang ganda ng boses ko diba?
"Just a kiss on your lips in the moonlight. Just a touch of the fire burning so bright and I don't want to mess this thing up. No, I don't want to push too far. Just a shot in the dark that you just might be the one, I've been waiting for my whole life. So baby, I'm alright with just a kiss goodnight." Sabay kami ni Cloak na kumanta.
Nagpalakpakan ang mga tao ng matapos kami. Halos mabingi kami sa mga cheer ng nanonood samin. Kimi na ngumiti si Cloak pero hindi nakabawas yon sa mga pumapalakpak sa amin ngayon.
Nagulat ako ng lumapit sakin si Cloak at hinalikan ako.
In front of everyone in this place. I can hear the people cheering louder. Pero unti-unti hindi ko na sila naririnig. Until the only sound that I can hear is Cloak's heartbeat. His heartbeat that is tuned with mine.
I guess its true that everything happens for a reason. Siguro kaya kinuha sakin si Harvey dahil alam ni Diyos na hindi ako mag-iisa dito sa lupa. Na may isang tao na kailangan din ako.
At tama si Cloak, numbers lang ang pumipigil samin. Pero sa totoo lang, hindi naman numbers ang binibilang kapag nagmahal ka, Hindi por que taon na ang tinagal niyo, masasabi ng maayos na ang lahat. At hindi ibig sabihin na kailan lang kayo nagkakilala ay hindi na totoo ang nararamdaman niyo.
I love to be with Cloak . I love seeing him mad at me. I love making him shout. I love to hear his laugh. I love his smile. I love his voice. I love his gourmet food.
And yes. Sa maikling panahon na nagkasundo kami, sa maikling panahon na yon napatunayan ko na walang imposible. Na ang mga bagay natin na akala natin hindi pwede ay pwede pala. Na totoo pala na kaya natin magmahal kahit maikli lang ang panahon na nilaan natin sa taong iyon, because I know now,
I'm finally in love with him.