Chapter 23

1732 Words
CHAPTER 23 FIERCE'S POV   Ginalaw galaw ko ang mga paa ko. Medyo naigagalaw ko na siya. Hindi katulad ng mga dumaan na araw.   Tinignan ko si Cloak na nakayakap sakin at tulog na tulog. Hinawi ko ang buhok niya at hinalikan ko sa pisngi but it looks like ayaw pa talagang gumising ng prince ko. Mukhang pagod na pagod siya. 2 days na ang lumipas. Ilang araw na lang ang titiisin ko at gagaling na ako. Halos hindi na nga kita ang mga marka ko.   Pwede ko ng tigilan ang pagsusuot ko ng long sleeves. Mainit kaya.   Nakapalumbaba na tinignan ko si Cloak. Parang wala siyang kaproble-problema. Ang peaceful niyang tignan. Pakiramdam ko siya dapat ang tinatawag kong angel. Come to think of it, wala akong kahit na anong tawag sa kaniya pero tawag niya sakin 'angel'. Anong kayang itatawag ko sa kaniya? Dapat iyong natural lang.   Hindi kailangan ng unique. Ang kailangan totoo at gusto ko na iyon na itawag sa kaniya. Naaalala ko noon kami ni Harvey, pinag-isipan namin ng todo ang tawagan namin. Tapos isang araw bigla na lang namin naisip yung gusto naming itawag sa isat isa kahit ang corny. Cutie pie at honey pie.   Napatingin ako kay Cloak ng bigla siyang gumalaw. Bahagya siyang nagmulat ng mga mata na parang ayaw niya pa talaga dumilat. I tried not to kiss him. He looks so cute. Hindi ko alam na pwedeng gamiting ang word na iyon kay Cloak.   Sa itsura niya kasi, with that strong built, that face, his rugged look parang hindi siya papasang cute. Pero ang cute niya talaga ngayon. Ayoko siyang halikan dahil aasarin ako niyan mamaya at baka saan pa mauwi.   "Aw!" sambit bigla ni Cloak.   Kinurot ko siya sa magkabilang pisngi. Hindi ko siya tinigilan hangga’t hindi ako satisfied na makaganti dahil ginagawa niya akong manyak ng ganitong kaaga.   Nginitian ko lang siya. Napapailing na umupo siya at pabirong kinurot ako pero magaan lang. Then he leaned forward and kissed my forehead. Nang kinunot ko ang ilong ko hinalikan niya din iyon. Then on my lips. Ako na ang kusang lumayo bago pa saan mapunta. Isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko and I heard him groan in protest. Napatawa na lang ako.   "We can’t Cloak." Sambit ko.   "We can."   "What?!"   "Nag re-search ako kagabi. They said it’s safe. Double check lang ang ginawa ko. I've done it before with my—"   "Charger, I know." Pagpuputol ko sa sasabihin niya at sinimangutan siya.   Ayoko talagang nababanggit niya ang mga babae niya. Pero hindi ko maiwasan na hindi ma-curious sa sinabi niya. Pwede pala iyon.   "Ayoko Cloak."   "I know. I’m just telling you. And I can wait Fierce."   "Di nga?"   Siningkitan niya ako ng mga mata at pinagkikiliti. Tawa ako ng tawa at yumakap na lang ako sa kaniya at hinintay ko siyang matapos. Nang tumigil na siya ay napansin kong nakayakap parin siya sakin. Then he leaned closer to my ear. "Fierce..."   "Hmm?"   "Stain."   Umatras ako at nagtatakang tinignan siya. Nakatingin lang siya sakin at parang nahihiya siyang magsalita. Para ngang kinakabahan sin siya sa reaksyon ko. Stain? Anong stain—   Napatili ako ng sobrang lakas. Nanlalaki din ang mga mata ni Cloak na nakatingin sakin na parang inaasahan na din ang reaksyon ko na iyon. Niyakap niya ako ulit. Nang tumigil na ako sa pagtili narinig kong tumawa siya ng mahina.   "Sabi ko na eh."   "Nakakahiya!"   "No. Not around me. You don't need to be shy."   Tumingin ako sa mga mata niya at ngumiti siya. A reassuring smile. Na parang sinasabi na hindi ko kailangan mahiya sa kaniya dahil hinding hindi niya ako ipapahiya. I relaxed a little. Right. Si Cloak ‘to.   "Cloak.."   "............"   "Pwedeng pahatid ako sa bathroom?"   Alam kong sobrang pulang-pula na ang mukha ko sa sobrang pagkapahiya na nararamdaman ko ngayon. Napatingin ako sa kaniya ng bigla niya akong binuhat. Pumasok kami ng bathroom at inupo niya ako sa toilet bowl tapos iniwan na niya ako. Hiinila ko na pababa ang pajama ko kasama ng undies ko.   Ginawa ko na ang mga dapat gawin. Napatigil ako ng matapos na ako, wala akong dalang kahit ano. That means—   Napatili ako ng biglang pumasok si Cloak. Dire-diretso siya at itinayo ako. In the next few seconds naramdaman ko na may sumuot na new undies sakin with my sanitary napkin.   "Cloak!"   Hindi siya sumagot at binihisan lang ako. Parang wala lang sa kaniya ang ginagawa niya samantalang mamamatay na ako sa kahihiyan. Nang matapos siya sa ginagawa niya tumingin siya sakin at hinalikan ako.   "Okay now?" tanong nito.   "You don't have to do that—"   "But I want to."   Napailing na lang ako. He looks pleased at something. Napatingin ako sa pinto ng bathroom ng may pumasok na babae na mukhang staff ng cleaning department ng hotel. Pipigilan ko sana siya pero binuhat na ako paalis ni Cloak.   "Hindi naman kailangan tumawag ka pa Cloak ng maglilinis—"   "Its okay Fie— Jarrice."   "Kaya ko naman."   He look at me impassively. Umiling siya at dinala na ako sa kusina. Hindi na lang ako umimik dahil mukhang nawala sa mood si cloak. Nakulitan na naman sakin yan. Nahihiya lang naman ako which is normal sa babae lalo na sa ganoong bagay. Menstrual period is not something I openly discuss and share with anyone. Kahit kay Harvey.   Kakaibang nilalang kasi si Cloak. Parang out of the planet siya. Ang weird niya din. Hindi ba siya na turn off niyon?   "Cloak."   "........."   "Hindi ka ba na turn off kasi—"   "No. Cause if you don't have a period may dalawa lang ibig sabihin niyon. Meno pause ka na o hindi ka talaga babae."   Napasinghap ako. Pinalo ko siya sa braso at napahalakhak ako. That's so absurd. Kahit baligtarin niya pa ang balunbalunan at iba pang lamang loob ko eh talagang true girlalu ako. No doubt about that. Kakaiba talaga si Cloak. He have his way on seeing things. Masyado siyang realistic.   Binuksan niya ang radyo na nasa counter. Nakita kong napangiti siya ng marinig yung kanta ng tinutugtog don. Napangiti narin ako. Kinakanta ang 'Superman'.   Tinaasan ko ng kilay si Cloak. Binaba na niya ako sa isang stool don at siya naman ay naghanada na ng pwedeng iluto. Mukhang focus na focus siya sa pag-iisip.   Napahagikhik ako ng maglabas siya ng ham at itlog. And that's it. "Really Cloak, omellete?" Nagkibit-balikat siya. Pero mukhang proud na proud siya habang nagluluto. Kung sabagay kung ma pe-perfect niya ang niluluto niya kahit ako magiging proud. Kahit ako hindi ako makaperfect ng omellette. Sumasabog kasi at nagkakalat-kalat. Kaya in the end ang kinalalabasan eh magulong scrabled eggs at piniritong ham dahil naghiwalay-hiwalay na yung laman ng ommlette.   Nakapalumbaba na inintay ko siyang matapos. Naghain na siya at napangiti ako ng makita ko yung niluto niya. Nilagyan niya pa ng design-design gamit ng ketchup iyon. Cloak is not Yale. Pero pakiramdam ko pinaka masarap na gourmet food ang inihain niya sa harapan ko.   Maganang kumain ko at hindi ko tinigilan hangga’t hindi napupuno ang bibig ko. Tinignan ko si Cloak at parang sasabog na siya sa sobrang ka smug-an niya ngayon. Kumain narin siya at nakita kong naibuga niya ang kinakain niya.   Inosenteng kumain ako ng tuloy-tuloy at hindi ko siya pinasin. Nng hindi siya tumigil sa pagtitig sa akin ay tinignan ko siya. "What?”   Hinawakan niya kasi ang kamay ko at pinatigil ako sa pagkain. Tinangka niyang kunin ang plato ko pero pinigilan ko siya. Nag tug of war kami don sa plato. "Give it to me."   "Bat ba nang aagaw ka? Meron ka naman na sayo ah!"   "Hindi masarap. Na sobrahan ng asin."   Pinigilan kong matawa. Talaga namang maalat ung niluto niya. Pero dahil gutom ako at alam kong pinaghirapan niya yon kaya masarap pa rin iyon para sakin.   "Its taste delicious to me." Sabi ko.   "Fie— Jarrice!"   I stick out my tongue at itinuloy ko ang pagkain ko. Nakatingin siya sakin na parang hindi niya alam kung ma a-amuse siya o ano.   Nakita kong tumayo siya at nagluto ng instant noodles. Akala ko yon ang kakainin niya kaya nagulat ako ng inabot niya sakin yon at umupo na siya ulit sa harapan ko.   "No. Gusto ko ‘to. Sayo na ‘to." Sabi ko sabay lapit sa kaniya nung plato na may noodles.   Iiling pa sana siya pero tinignan ko na siya ng masama. Wala naman talaga kasing masama sa niluto niya. Maalat lang. Hindi naman nakamamatay yon at ayokong magtampo siya kapag hindi ko kinain ang luto niya.   Kinain na niya ang noodles habang ako ay maganang kinakain yung pinaglihi sa asin na niluto niya. Nang matapos kami ay binuhat na niya ako papunta sa living room. Tumayo siya para ihatid palabas ang may katandaang babae kanina. Nahihiya ako doon sa babae.   Bumalik na si Cloak at umupo sa tabi ko. Nagulat ako ng bigla siyang humiga sa kandungan ko. Then he reached for my hair and played it with his fingers. He's looking at me intently.   "You know... I've been thinking..." sabi ni Cloak.   "Mmm?"   "You know me right? I don't do stuff na hindi naman kailangan kung pwede ko namang diretsuhin ng walang kahit na ano. Ang importante sabihin ko kung ano ang gusto kong sabihin ng diretso ng walang paligoy-ligoy—"   "Cloak. Dumadaldal ka na naman. What is it?"   Ganyan yan si Cloak kapag tense eh at saka sabi niya wag paligoy-ligoy. Eh iyon nga ang ginagawa niya ngayon.   "Just let me talk please?"   "Oh, okay."   Ang sungit bigla. Bipolar na ang, honey ko. Did I just said honey? Yes! Sa wakas meron narin akong endearment kay Cloak.   "Fierce. Alam ko na nagsisimula pa lang tayo pero hindi naman natin kailangan magmadali. Pwede namang formality lang ‘to kung iyon ang gusto mo. Kahit na ano basta lang pumayag ka, hindi naman sa minamadali kita Fierce."   Napakamot ako sa ulo ko. Dire-diretso na ang pagsasalita niya.   Tinignan ko na lang siya habang nag lilitanya siya ng walang tigil. Namumula na din ang mukha niya. I don't now if dahil nawawalan na siya ng hangin sa katawan o nahihiya siya.   "Cloak. To the point please?" pakiusap ko.   "Alam ko!"   Imbis na magalit napatawa pa ako. Tense na tense siya. "And?"   "Don't interrupt me."   "Sir, Yes, Sir!"   "Fierce what I'm saying is, marry me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD