Chapter 22

1746 Words
CHAPTER 22 FIERCE'S POV   "Are you pregnant?"   Nagulat ako sa sinabi ni Cloak at ilang segundo din akong nakatulala sa kaniya. Namumutla siya at mukhang malapit na siyang mawalan ng ulirat kung hindi pa ako magsasalita.   Umubo ako ng malakas para mawala ang lasa nung mapagpanggap na blueberry juice. Inilapit ko iyon sa ilong ko at inamoy. Napangiwi ako. "Of course not. Ikaw kaya painumin ng mamasitas tignan ko kung hindi ka masuka." Sabi ko.   Nakatulala lang siya sakin. Pagkatapos bigla niyang tinungga yung kape na hawak niya. And of course napahiyaw siya ng mapaso ang dila niya. Natatawang tinignan ko na lang siya.   Pregnant? That's too early. At saka alam kong safe pa ako ngayon. Ilang beses lang naman may nangyari samin ni Cloak. Hindi ako natatakot na mabuntis. Though, wala naman sigurong masama—   No. I should stop thinking that way. Masyado pang maaga. Hindi kami dapat magmadali. Falling in love and having a baby is two different things with different responsibilities.   Hindi pa ako handa na magkaanak. Not now na pareho pa kaming may mga agam-agam ni Cloak.   "Sure ka?" paninigurado pa ni Cloak.   "Yes, I'm sure Cloak."   "Want to take a pill?"   "Okay lang. Though you can use condoms naman. I'm sure lagi kang meron non dahil mahilig kang mag re-charge noon. As for the pill okay lang since gumagamit ako non dati—"   "WHAT?! Pero—"   "I know. You know I'm a virgin right? But I'm not that innocent Cloak. Of course Harv and I use to kissed and make out. Since para maging ready gumagamit ako ng pills non. He never took advantage of me—"   "I didnt...Maybe...But—"   "No you didn’ t. Pareho nating ginusto."   And here comes Mr Silent Type of Guy again. Ang hirap din sakyan ng mga mood swings ni Cloak. Iniisip ko na lang na pareho lang kaming may mood swings. Ang pagkakaiba lang mas mahaba ang pasensya ni Cloak kesa sakin. Pareho kaming emotional damage. At pareho kaming nagsisimula ulit. Its like we're meant to be.   "Sorry about the blueberry." Sabi ni Cloak.   Tumawa ako bago magsalita. "Tulala ka kasi. Sukat akalain mo ba namang iba ang nilagay mo sa baso. Ang pangit kaya ng lasa. And what a weird thing to say... Pregnant? That’s too early Cloak."   "I know. Nabigla lang ako. Akala ko naman kasi..."   Napailing na lang ako at nilinis ko na ang kalat ko. Tinulungan niya akong pumasok sa bathroom para maglinis ng katawan. Nang matapos ako ay tinulungan niya ako na makalabas.   Inihagis niya akosa kama. Mukha namang wala siyang balak na kahit ano at niyakap niya lang ako ng mahigpit.   I felt him kissed the top of my head then his arms tightened around me. "Sorry." Sabi ni Cloak.   "It's okay. No harm done."   Nakatingin lang kaming pareho sa ceiling na parang may malalim na iniisip. Tahimik lang kami at parang nag-iintayan kami kung sino ang unang magsasalita.   "Fierce—"   Nagkatinginan kami ng may tumunog na cellphone. Tinignan ko ang akin at umiling ako. Bumuntong hininga siya at sinagot ang cellphone niya. Well not really, sinagot niya lang ang phone pero hindi siya nagsalita. The usual Cloak.   Gumapang ako palapit sa kaniya at inabot ko ang phone niya at ni-loud speaker. May narining akong bumuntong hininga sa kabilang linya.   "At last may nag turn on ng loud speaker. Fierce I suppose."   Si Craige. Tinignan ko si Cloak na tahimik parin. Umunan ako sa dibdib niya at nakinig ako sa sinasabi ni Craige. Automatic na pumulupot sa katawan ko ang mga braso ni Cloak.   "I have a suggestion since mahihirapan tayong malaman kung sino ang naging boyfriend ni Jarrice. So isa-isa pwede niyong puntahan or tawagan. Sa ngayon tawagan niyo na muna." Sabi ni Craige.   "Got it. Wala na bang ibang clue na nahanap?" tanong ko.   "Wala na bukod sa boses na narinig niyo noon ni Cloak. It’s look like iyong pumasok don sa bahay ay ang mga anak ng lalaki. At ang nagpahirap sa iyo ay ibang babae. Kung mahahanap natin ang nakatakas na babae sa isa sa nagpahirap saiyo. Mas magiging madali ‘to. Pero mahirap na hanapin siya."   Iisahin namin lahat. That's hard. But we need to do this kung gusto naming matapos na tong mission na ‘to. It wont be easy. I know that. Pero ng pinasok ko ‘to, alam ko ng mahihirapan ako. Pero ngayon sa tingin ko kakayanin ko naman kasi kasama ko si loak.   It won’t be that hard. As long as kasama ko siya. Alam kong kakayanin ko kasi alam kong hindi niya ako pababayaan. Alam ko na kahit anong mangyari ililigtas niya ako sa kapahamakan.       Nang ibinaba namin ang phone. Inintay namin ni Cloak na ma-send ni Craige ang mga numbers noong mga list ng suspects namin. Nang matanggap namin yon nagsimula na kami. Dahil madami nga ang nasa list hinati namin iyon.   Nag start kami sa least na pinaghihinalaan namin. Wala naman kaming sinasabing importante. Tinatanong lang namin sila at sinasabing para ‘to sa isang interview na pinayagan na ni Jarrice. Tinanong namin kung nasaan sila. Anong mga ginagawa nila.   Pagkaraan ng ilang oras ay nilingon ko si Cloak na mukang pagod na pagod na sa pagsasalita. That would be a problem later kapag naisipan na niyang mag re-charge.   Tinignan ko ang next. Nicholas Hawton.   Sumagot naman siya kaagad at pumayag naman siya na sagutin ang mga tanong ko. Nilingon ko si Cloak na ang kausap naman ay si Emmanuelle na pinsan ng papa ni Jarrice.   "That's all for now Sir, thank you." Sabi ko.   Binaba ko na ang phone. They won’t be able to track it. Nag-dial ulit ako ng number. Iyong George naman.   Kinausap ko siya at tinanong din ang mga tanong na ginamit ko na sa iba. Inaantok na ako sa ginagawa namin pero wala naman akong choice.   Kailangan ko ‘tong matapos. Winisik wisik ko ang kamay ko ng maramdaman ko na nangangalay na ako. Nag dial na ako last number na ‘to. Wala parin kaming nakukuha na kahit anong makakatulong.   Nilingon ko si Cloak at nagtatanong na tinignan ko siya sa mga mata. Umiling lang siya.   "Hello?"   Babae ang sumagot.   "Hi gusto lang sana naming makausap si Mr. Franco para sa isang phone interview. Nakausap na po namin si Ma'am Jarrice at pumayag naman po siya—"   "Pa’no naman ako makakasiguro na pumayag nga siya?"   Pinigilan ko ang sarili ko na umubo. Mukhang hinahamon pa ako ng babaeng to. Bakit hindi na lang niya ipakausap sakin hindi ba para tapos na?   "Pwede hong tawagan niyo siya." Sabi ko.   Natahimik siya pagkaraan ng ilang sandali may narinig ako na kaluskos. Pagkatapos may nagsalita na lalaki na parang kagigising pa lang dahil namamaos pa ang boses.   "Mr Franco B—"   "Yes?"   Kumunot yung noo ko ng may marinig ako sa kabilang linya ng mga babeng nagsasalita na halatang hinihinaan ang mga boses. Para ngang may binubulong sa kaniya. Parang familiar.   "Bakit ba kasi bumalik tayo dito? Mamaya may nag-aabang satin dito dahil sa pagkawala ni  Jarrice."   "Walang may alam ng lugar na ‘to maliban satin, kay Jarrice at kay papa."   "Bakit ba kasi kailangan nating bumalik dito?"   "Dahil ang pesteng Jarrice na iyon sinabing may magliligtas na daw sa kaniya. At may palagay na ako dito ang unang pupuntahan ng kung sino man na maghahanap sa kaniya. Madulas talaga ang babaeng iyon. Nakakagawa ng paraan."   That voice.   "Hello?"   "I'm sorry...May problem... Hello? Hello sir?"   May inabot ako na papel at nilukot-lukot ko yon sa tapat ng cellphone at pinatay ko na ang phone. Nilingon ko si Cloak na kabababa lang din ng phone at nakakunot noong nakatingin sakin.   "You got it?" tanong nito.   "Yes."   Ngumiti siya at lumapit sakin bigla. "Good job, angel."   "Cloak..."   "Hmm?"   "May iba ka na bang tinawag na angel noon?"   Napatingin siya sakin nakatitig lang siya sa mga mata ko. Pagkaraan, nailang na ako at nag-iwas na ako ng tingin. Pero pinigilan niya ako na mag-iwas ng tingin at inangat niya ang mukha ko.   "Ikaw pa lang." Sabi niya.   "Weh? Anong tawag mo sa kanila?"   "Honestly. I don't even remember their name—"   "Ang bad mo." Pagpuputol ko sa sasabihin niya.   "I know and I do regret it now. It's just that they know kung hanggang saan lang kami. Pero naisip ko din. Hindi ko na kailangan gawin yung mga ginagawa ko dati. Kaya siguro ako ganon kasi may hinahanap ako. But now I don't need to search for anything anymore cause I already found you."   Napangiti ako. Akalain niyo bang magiging ganito si Cloak? Dati si Paige lang ang kinakausap niya ng matino pero ngayon ang daldal na niya kapag kausap niya ako.   Sometimes parang mas madaldal pa siya sakin pero I like Cloak kahit na multi person siya. Mr. Silen Type of Guy, Mr Unperfect and Mr f*****g Machine.   Kahit ano pang maging siya tatanggapin ko. I know I'm falling too fast, to deep. Pero sa lahat ng taong nahuhulog, ako lang ata ang may ngiti pa sa labi. Because I know that my cloak, my superman will always catch me. Even though he needs to battle a lot of bad guys. Even himself.   "Alam ko kapag may iniisip ka na seryoso." Sabi ni Cloak.   "Mmm?"   "Kumukunot ang noo mo. What are you thinking about?"   "You."   Napangiti ako ng napatigil siya saglit. Pagkatapos ay naglalambing na yumakap siya sakin. Yumuko siya at hinalikan ako sa noo. "Why?" tanong ni Cloak.   "Wala naman. Napapansin ko lang na dumadaldal ka na ngayon."   "Bad influence ka kasi."   Napatawa ako. Napatigil lang ako ng mapansin ko na may nagbago sa mga mata niya habang nakatingin sakin. Nararamdaman ko din na gumagapang ang kamay niya sa likod ko. "I'm kinda tired sa dami ng sinabi ko sa mga kausap ko sa phone kanina." Sabi ni Cloak.   Napatingin ako sa salamin kung saan kita ang kabuuan namin. Nanlaki ang mga mata ko ng may mapansin sa likod ko pero hindi ko napigilan na hindi ngumiti.   "Can I re-charge now, my special charger?" tanong ni Cloak.   "I would love to. Ang kaso mukhang may nagulat sa sinabi mo na buntis ako kaya naisipan niyang dumalaw ngayon." Sabi ko.   "What?"   Napatingin siya ng tinuro ko yung salamin. Nanlaki yung mga mata niya pagkatapos ay sumimangot siya. Nginitian ko lang siya ng matamis.   Monthly period.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD