Chapter 21

1732 Words
CHAPTER 21 FIERCE'S POV   "Yes Fierce, incase you didnt notice. Nanliligaw ako sayo."   Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi din ako kumurap ng ilang segundo. Hindi kasi ako makapaniwala sa sinabi niya. Nanliligaw daw? Kailan? Sa sobrang pagod ko ba hindi ko na narinig na sinabi niya na nanliligaw siya? O kasalukuyan ba akong nakikipaglaban sa antok kaya hindi ko narinig?   "Weh? Kailan mo naman sinabi?" sabi ko.   He rolled his eyes. Parang gusto na niya akong ihagis sa pinakamalapit na bangin. What? Sa wala akong maalala.   "When?" tanong ko.   "I told you I'm falling in love with you of course after that manliligaw ako. Alangan naman na sinabi ko sayo na naiinlove na ako sayo tapos kinabukasan wala lang?"   Natawa ako. Para siyang nag e-explain sa bata sa ginagawa niya. Nakakatuwang isipin kung gaano ang nag-improve kay Cloak mula noong una ko siyang nakilala. Siya kasi iyong tao na parang tinatago lahat ng nararamdaman niya. Iyong tipo na nasasaktan na pala pero hindi parin magsasalita. Iyong taong pipiliin na masaktan siya kesa ang iba. Ganoon si Cloak.   Hindi siya palasalita noon, ng sobra. Ngayon kasi makakausap mo na siya ng matino. Dati sobrang hirap siyang pagsalitain. Maybe because gusto niya may katuturan ang mga sinasabi niya. At saka laging direct to the point siya sumagot. Tama nga naman. Para wala ng sayangan ng oras. Cloak always make me think things in a different way. He can always make me see how he look things in his eyes. Sa mission hinahayaan niya akong mag-isip na matuto. Hindi perfect si Cloak. He's Mr. Unperfect, Mr. Silent Type of Guy and Mr f*****g Machine pero despite all that hindi napigilan ng makulit kong puso na magsimulang mahalin siya. Dahil kahit natatakot ako ngayon sinusubukan ko ulit sumusubok ako ulit. Kasi kahit natatakot ako sa mga mangyayari, may isang bahagi ng puso ko na umaasa na sana pwedeng maging kami, na sana everything will turn out fine.   "Nangliligaw ka na pala niyan." Sabi ko.   "I really want to throw you to the nearest cliff."   "But I know you wouldn't do it." Pinaningkitan niya ako ng mata pagkatapos ay napailing. Natatawang tumayo ako—tumayo?   Napatili ako ng bigla akong bumagsak. Nahawakan naman ako kaagad ni Cloak na nag-aalalang nakatingin na sakin ngayon. Damn it. Sa lahat naman ng makakalimutan ko.   "You alright?" sabi ni Cloak.   "Yeah."   Inupo niya ako ulit sa wheelchair. Inilibot ko ang paningin ko para tignan kung may nakakita. Wala naman. Busy kasi yung iba sa malayo na naghahalikan. Parang nakakailang naman dito. Ang daming lovers.   "Lipat tayo Cloak. Ang daming gumagawa ng kababalaghan dito." Sabi ko.   "Gayahin natin."   Binigyan ko lang siya ng matalim na tingin. Natatawang itinulak na niya palayo ang wheelchair. Nadaanan pa namin yung mga lovers na busy na busy sa ginagawa nila. Para ngang wala na silang pakialam sa mundo.   "Bakit mo ako nagustuhan? Malayo ako sa mga babae na kilala mo. Sila game sa mga gusto mo. Wild, passionate, hot and they don't ask for more." .   "You're passionate. You're hot. Yes you're different from them but that's why I like you. You always defy me, you keep on irritating me, at hindi ka natatakot kahit na takutin kita. You make me feel different feelings that I can’t name. Yes you do make me crazy, in a good way. I like you because you are you."   Nilingon ko siya at ngumiti. That's sweet.   Naglakad kami papunta sa kung saan na hindi ko alam. Basta nag e-enjoy ako na tahimik na ninanamnam namin yung gabi. Kahit tahimik lang kami. Hindi awkward. It's like we've been together for years. Nagpalingon-lingon ako ng mapansin ko na puro pagkain ang dinadaanan namin. Nakakagutom.   "Bili tayo?" tanong ni Cloak.   Tumango ako. May nadaanan kami na nagtitinda ng dumplings at siopao. Bumili kami ng tig-isang asado dahil pareho kaming hindi kumakain ng bola-bola. Tapos bumili kami ng apat na dumplings.   Nang magsimula na naman kaming maglakad tinuro ko sa kaniya yung nagtitinda ng fishballs at kikiam. Bumili din kami. Nakita kong nakatingin sakin si Cloak na parang na we-weirduhan sakin.   Nang makakita kami ng barbie-q nagpabili din ako ng isaw. "Can you eat all this?" tanong ni Cloak.   "Yes. Pero syempre tutulungan mo ko."   Dinala na niya ako pabalik sa penthouse ni Jarrice. Pinagtitinginan kami dahil sa mga dala naming pagkain. Ang weird kasi na nasa sosyal na company kami tapos ang dala namin street foods.   Walang pakialaman. Nang maka-akyat na kami ay inihanda na ni Cloak ang mga pagkain. Inalalayan niya ako para makaupo ako sa carpet. Then may isinalang siya na movie.   "Game?" sabi ko.   Tumango siya. Nagsimula na kaming mag-kainan.Tinignan ko iyong palabas na pinapanood namin at muntik ko ng maibuga yung kinakain ko. American Pie. Kahit kailan talaga hindi mapipigilan si Cloak sa mga kalokohan niya. Nilingon ko siya at nginitian lang niya ako ng matamis na parang sinasabing wala siyang ginawang kahit ano.   Well maganda naman ang American Pie. Marami lang mga scenes na you know. I should have known. Aasahan ko ba naman si Cloak na manood ng romantic movies?   "Kainan na." Sabi ko uli.   Inabutan ko siya nung mga binili namin at kumain na kami. Dahan-dahan lang siyang kumain at patingin-tingin sakin. Hindi ko siya pinansin dahil gutom ako at saka miss ko na ang mga pagkain na ganito.   Minsan nga kung ano pa iyong mura iyon pa ang masarap. Kadalasan kasi sa mga restaurant pangalan na lang ang binabayaran mo. Tapos ang onti pa nga mga serving, parang tinatakam ka lang. Hindi katulad sa ganito mura na busog ka pa. Saka hindi naman lahat ng nagtitinda madumi eh. Kaartehan lang ng ibang mga tao iyon. Katulad ng mga dumadaan na babae kanina ng bumibili kami ng fishball na hindi ko na lang pinansin dahil busy ako sa pagtingin don sa nilulutong fishball.   It's so kadiri daw where they cook and it's so cheap daw. Kaloka. "Kain pa damihan mo na." Sabi ko.   "............"   "What?"   "Mayaman kayo diba?"   Huh? Out of the blue naman iyong tanong. Tinignan ko siya at nag-intay ako na sundan niya ang sinabi niya. Bumuntong hininga siya at nagsalita ulit. "Ang sabi ko diba mayaman kayo? Pa’no ka natutong kumain nito?"   "Sa school. Saka porque ba mayaman hindi na pwedeng kumain ng street foods? Kahit nga sa bahay noon nagpapabili ako ng fishball para lutuin sa bahay."   "................"   "Masarap naman diba?"   Tumango siya. Nginitian ko siya at pinagpatuloy ko ang pagkain ko habang pinapanood ko ang movie. Naramdaman ko na umusog siya palapit sakin pero hindi ako nagsalita. Pustahan tayo manyanyansing ‘to mamaya. Tumingin lang ako sa TV pero tinitignan ko siya sa peripheral vision ko. Alam ko kasing may gagawin siya. Obviously he can’t keep his hands off me.   Maya-maya naramdaman ko na gumapang ang kamay niya sa bewang ko hanggang payakap na niya akong hinila palapit sa kaniya. Hindi ko parin siya nililingon. After a few seconds I can hear him sniffing me. Napapangiti na lang ako sa ginagawa niya. Para kasing akit na akit na hindi mo mawari ang mga kinikilos niya. Napakagat labi ako ng lumapit ang mukha niya sa leeg ko.   Hindi ko na napigilan at napatawa na ako. Nilingon ko siya at tinignan. Kitang kita sa mga mata niya na natutuwa siya sa ginagawa niya.   "Naughty." Sambit ko.   "I never done this before."   "Huh? Hindi ka pa nanglandi ng kahit na sinong babae sa loob ng sinehan o sa harap ng TV?"   Ngumiwi siya sa choice of word ko pagkatapos ay tumawa siya. Niyakap niya ako ng mahigpit na parang ayaw niya na akong pakawalan.   "That not what I mean.  Ang ibig kong sabihin hindi ko pa nagagawang maglambing sa kahit na sinong babae."   "So. You just f**k—"   "Yes."   Napangiti ako. Parang gusto kong magtatalon sa sinabi niya. I'm acting weird I know. Hindi naman ako ganito dati. Dati gustong gusto ko na siyang ibitin patiwarik. Pero ngayon pakiramdam ko kapag may nagbitin sa kaniya patiwarik hahabulin ko ng taga ang taong iyon.   He's so adorable, sweet, handsome, unpredictable and he's a very important person in my life now.   Kapag nawala siya sakin hindi ko na alam kung pa’no ako mabubuhay. I don’t think I can survive another lost. Especially kung si Cloak ang mawawala sakin. Hindi ko na kakayanin. That's what scared me the most. If I fall in love with him. Its like I’m surrendering everything to him. Including my heart, my life. And once he let go of it. I'll be shattered into a million pieces. I cant, I cant feel that way again. I don't want to be that person again.   "Fierce?"   Napalingon ako kay Cloak. Automatic na nginitian ko siya. Mukhang nakahinga naman siya ng maluwag ng makita niyang ngumiti ako.   "You okay?" tanong nito   "Of course. Bakit naman hindi ako magiging okay?"   "Wala naman para lang kasing nagbago ang mood mo."   "Nagsalita ang hindi moody."   Ngumiti siya. He lean down and kissed me. Pinulupot ko ang mga braso ko sa batok niya then I answered all his kisses. I can feel his hand on my waist. He's caressing it softly. He groaned a little.   "Not now." Sabi ni Cloak.   "Why?"   I'm touch how Cloak think about what I want. And not only what he wants. Kahit paano alam niya na kailangan niyang isipin ang gusto ko.   "Sandali lang kukuha lang ako ng kape. Gusto mo ng blueberry juice?" tanong ni Cloak.   "Yup."   Favorite ko iyon. Bumili kami last week pero hindi ko din nainom. Hindi pa nga nabubuksan yon.   Tumayo na siya at umalis. Ako naman ipinagpatuloy ko na ang pagkain ko. Parang gutom na gutom ako kahit na kakakain ko lang kanina. Siguro sobrang pagod. Si Cloak ba naman ang maging 'manliligaw' mo.   Tinignan ko si Cloak ng bumalik na siya. Inabot niya sakin ang blueberry juice. Nakangiting tinanggap ko yon at sinimulang inumin.   Napakunot yung noo ko ng parang iba iyong amoy ng blueberry. Saka parang iba ang lasa. Impossible naman na panis na yon since malayo pa ang expiry date non. Dinala ko ulit yon sa bibig ko at tinikman.   Lumikha ng ingay yung baso ng bigla kong mabitawan yon. Dali-daling kinuha ko ang plastic na walang laman sa tabi ko at inilabas lahat ng kinain ko.   "Fierce?"   Nilingon ko si Cloak. Naluluha na ang mga mata ko."W-What?"   "Are you pregnant?"      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD