Chapter 20

1667 Words
CHAPTER 20 FIERCE'S POV   Nag-inat ako habang nakaupo sa sofa. Maghapon na kami dito ni Cloak dahil ang dami naming binabasang article na nakita namin sa isang box sa kwarto ni Jarrice. Actually wala naman kaming nahanap na kahit ano, Masyado silang maingat noong kung sino mang lalaki na iyon at kahi maliit na picture together ay hindi sila nag-iwan. Kanina pa sumasakit ang mga mata ko dito kakabasa pero wala naman kaming nakuha na kahit anong makakatulong sa amin o magbigay clue man lang. Iyong mga taga The Camp naman ay hinahanap na ang babaeng nakatakas. Na-drawing na naman nila ang sinabi ko sa kanialng itsura nung babae. I just wish na mahanap na siya kaagad.   "Iyong mga anak nung lalaki na narinig natin sa bahay na pinuntahan natin, hindi sila iyong kumuha sakin. Or maybe sila ang kumuha sakin pero yung iba ang pinagbantay nila at umalis sila para itakas si Jarrice." Sabi ko.   "............."   "Our problem is hindi natin alam kung sino ang lalaking tinutukoy na 'papa' ng mga babae. Sa dami ng mga nakilala ni Jarrice malay ba natin kung sino doon diba? Saka masyado silang maingat."   Tahimik na nakikinig lang sakin si Cloak. mukhang ina-analyze niya rin ang mga sinasabi ko. Ngumiti ako sa kaniya at nagpatuloy sa pag-iisip ng kung ano-ano. Makakatulong kasi na sinasabi ko sa kaniya. Para lang naman din akong nakikipag-usap sa pader dahil hindi naman siya nagsasalita. Kaya stress free ako sa pag-iisip dahil tahimik lang siya.   "Bakit kaya hindi natin isa-isahin lahat ng kakilala ni Jarrice na lalaki na may mga anak?" suggest ko. Ngumiti si Cloak. Mukhang kanina niya pa naisip yon at iniintay lang niya na maisip ko din. Sana sinabi na lang niya para hindi kami nagsayang ng oras.   Inirapan ko siya at inabot ko ang cellphone ko. Gawa ng The Camp iyon. Naghanap ako ng mga may kaugnayan kay Jarrice. Well of course madami siya at aabutin na naman kami ng ilang oras or a day bago kami matapos. Nilingon ko si Cloak ng bigla siyang umupo sa tabi ko. Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at nakitingin sa ginagawa ko. Pinabayaan ko na lang siya since hindi naman siya umiimik.   "First on the list. His uncle sa father side Franco may apat na anak ,tatlong babae at isang lalaki. Hindi naman siya nawalala at nandito parin siya. Actually umattend daw siya sa charity na sila Paige ang um-attend. Second Nicholas Hawton isa sa mga kaibigan ng papa ni Jarrice. May dalawang anak na babae. Third uncle niya sa mother side Dennis may tatlong anak na babae. At marami pang iba."   ".............."   "Let's start sa mga kamag-anak niya. Si Franco, iyon nga nandito naman siya at pagala-gala lang. Iyong si Dennis naman nagbabakasyon kasama ng asawa niya. Tapos etong si Emmanuel na pinsan naman ng papa niya nagta-trabaho dito sa company. George, pinsan din ng papa ni Jarrice at nandito din siya. Nicholas Hawton out of town. Imposible naman ang mga kamag-anak niya so this Nicholas at eto pang iba—"   "You can never tell."   Nagtatakang lumingon ako sa kaniya. Umayos na siya ng upo at tumingin sa phone na hawak ko habang ako naman ay nakatingin sa kaniya. Anong ibig sabihin niya sa sinabi niya? Na maaring pumatol si Jarrice sa isa sa mga kamag-anak niya? That's really a revolting idea.   "I don't think so—“   "Everyone is a suspect. And everything is impossible. I'm sure you heard about i****t right? Jarrice may look like a saint to everyone. But she definitely have her own shares of stupidity."   Sabagay may point si Cloak. Wala namang totoong santa dito sa mundo diba?   "Pero bakit naman niya gagawin iyon? Ang dami namang magkakagusto sa kaniya. Ang ganda niya kaya, well syempre magkamukha kami. Anyway, bata pa siya at ang daming siguradong nanliligaw sa kaniya. Why an old man? With wife and daughters."   "May mga babae na may weird desire for older men and also some women like things na bawal."   "Well, tama ka. Pero it’s just so weird."   "............"   "Fine. Back to work."   Binalik ko ang pansin ko sa phone ko. Naghihikab na ako habang nagre-reasearch ako sa phone ko. Para kaming naghahanap ng karayom sa dayami. It will take years bago namin mahanap ang taong yun.   "You're too stressed out. Let's go out." Sabi ni Cloak.   Nagtatakang napatingin ako sa kaniya. Pumasok siya sa kwarto at iniwan ako. Pagbalik niya dala-dala niya ang wheelchair at isang jacket. Sinuot niya sakin iyon. Malamig na kasi sa labas dahil gabi narin.   Binuhat niya ako at inupo sa wheelchair. Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang buhok ko, nag-angat ako ng tingin pero ibinaba niya na lang ang ulo ko tapos tinalian niya ang buhok ko.   Alam kong simpleng bagay lang iyon. Hindi pa nga matatawag na sweet o romantic pero para sakin iyong mga simpleng bagay na katulad nito ay mahala din.   Tinignan ko yung repleksyon ko sa isang glass don ng matapos siya. Maayos naman yung pagkakatali niya sa buhok ko sabagay kahit buhok niya tinatalian niya eh.   "Bakit ba pinapahaba mo ang buhok mo Cloak?” tanong ko.   "...................."   "Fine don't answer it."   "................."   "Huhulaan ko na lang. Siguro sa tingin mo mukha kang hot diyan no? Well, sabagay."   "..........."   "No? Uso ba yan?" tanong ko.   ".................."   "Aha! Tinatamad ka no?"   "Yes."   Napatawa ako. Iyon lang pala ang dahilan eh. Umaariba na naman ang katamadan ni Cloak. Kung tutuusin baligtad yan si Cloak eh. Normal sa kaniya na laging tamarin. Kapag sinipag siya ibig sabihin niyon may kakaiba sa kaniya ng araw na yon. Abnormal yan . Pero gwapo, hot, sexy, delectable, seductive, may kissable lips, abs na ang sarap hawakan— at ang manyak ko na naman.   Lumabas na kami ni Cloak hanggang makarating kami sa baba. Itinulak niya ang wheelchair at dahan-dahan siyang naglalakad paunta kung saan man, pangpawala lang siguro ng stress.   Napatingin ako sa paligid ng makarating kami sa isang park. Napapataas ang kilay ko ng makita kong may naghahalikan sa kung saan-saan. Whatever, minsan kasi ang sama ng tingin natin sa mga taong nag P-PDA. Pero once na tayo na ang nara lugar nila hindi narin natin mapapansin na iyong kinaiinisan natin dati eh nagiging ganun na rin tayo. kasi kapag ang tao nagmahal iyong mga mali nagiging tama para sa kanila. That's how people love. Aminin man natin o hindi. Kapag kasama natin ang taong mahal natin. Hindi na tayo nagiging aware sa paligid natin. Kasi nga nagmamahal tayo. It might be a pathetic reason pero totoo.   "Bakit dito? Gusto mo na naman makahalik?" tanong ko kaya napatawa si Cloak.   Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang makarating kami sa may bandang likod ng park kung saan wala ng nag ki-kissing scene sa paligid namin. Humanap kami ng pwesto ni Cloak pagkatapos ay umupo siya sa isang bench.   "Work is stressful this past few days." Sabi ni Cloak.   "Tama. Parang ang hirap naman nitong trabaho na to."   "Ayaw mo na ba?"   “No. Kahit mahirap siya hindi ko gusto mag-quit."   Kasi kahit paano. May thrill ang buhay ko. Isa pa hindi ko din naman alam ang totoong dahilan, pero gusto ko talaga ‘tong trabaho na to. It's one of the few things na kumalma sakin ng mawala si Harvey. Pero siyempre ang unang nagdistract sa akin sa pagluluksa ko ay si Cloak.   Dahil imbis na magfocus ako sa sakit at hirap na nararamdaman ko sa pagkawala ni Harvey, nalipat iyon sa pagkairita at pagkabanas kay Cloak kaya malaki din ang natulong ni Cloak sakin.   "Do you still miss him?" tanong ni Cloak.   "Huh?"   "Harvey."   Napatingin ako sa kaniya. Nakatingin siya sa langit at inintay ang sagot ko. Seloso talaga siya.   Look at that Harv. Seloso no? Ikaw kasi bubulong ka na lang kay cupid ng ipapartner sakin eh eto pang lalaki na ‘to na mas troubled pa sa troubled teenager.   "I still miss him." Sabi ko.   ".............."   "Nagseselos ka ba? ‘Bat hindi mo ba alam na ikaw ang nauna sakin?"   "Fierce, it doesn’t matter who have you first. Don't get me wrong. I'm happy that I'm the first. Pero kung hindi man. I wont take it on you. Nothing will change. It wont change the way I feel for you."   "So you know?"   "Of course. Don't you know how many women—"   "Eh di sumama ka sa kanila!"   Harvey, binabawi ko na ang sinabi ko. Let me rephrase it. Bakit naman sa taong seloso na katulad ko pa mo ako nireto kay cupid? Marami namang iba diyan. Para tuloy kaming clash of the titans lagi ni Cloak. Nag ca-clash kasi ang ugali namin eh.   "Wala ka bang babae na sineryoso?"   "..............."   "I mean yung naging kayo talaga."   Umiling siya.   "Alam mo macho ka lang eh, gwapo at magaling sa you know pero torpe ka alam mo ba iyon? Hindi ka ba marunong manligaw?" tanong ko.   Namula siya. Tama ba ako? Baka iyon ang dahilan kaya hindi niya ma-express ka agad ang feelings niya dahil natotorpe siya. Kaya siguro tahimik lang siya lagi. "Kung ako magre-research na ako ng hindi ka naman nahuhuli sa balita." Sabi ko.   "Balita?"   "Kung pa’no manligaw."   "Why would I need to research?"   "Para nga may alam ka. Ang slow mo ngayon Cloak promise. Basta mag research ka. Mag research ka kung pa’no mapapataas ang self esteem ng isang tao." Sabi ko.   "Ayos na ang self confidence ko."   "Weh? Sige nga pano ka manligaw kung sakaling may nililigawan ka?"   Tumikhim siya tapos tumingin sakin. "Unang-unang mage-effort ako na magsalita kahit tinatamad ako. Kakantahan ko siya kahit tinatamad ako. Bubuhatin ko siya lalo na kapag kailangan. Bibihisan. Ipagluluto ko siya kahit hindi ako magaling. Ipapasyal ko siya kapag halatang napapagod na siya sa trabaho. And last but not the least I'll make love with her in a way na hindi ko pa nagagawa sa kahit na sinong babae."   "Amm...That's...But...Ano..."   "Yes Fierce, incase you didn’t notice. Nanliligaw ako sayo."      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD