Chapter 9

1402 Words
CHAPTER 9 FIERCE'S POV   Nanginginig ako ng umahon na kami ni Cloak. Yakap-yakap ko ang sarili ko habang pabalik kami sa kotse. Nilingon ko si cloak at binigyan ng matalim na tingin ng marinig ko siyang tumatawa. "What?"   Hindi siya sumagot at ngumiti lang. Inirapan ko siya at nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa kotse nang makarating ako doon ay agad kong hinanap ang t-shirt ni Cloak. Ang kaso basa pa ko.   "Come here." Sabi ni Cloak.   Nakasimangot na lumapit ako sa kaniya. Hinila niya ako at nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya akong pinunasan gamit ng t-shirt niya kanina.   "Hey mababasa yan." Sabi ko.   "May dala naman akong dalawang t-shirt. Come on, stop wriggling."   Pinabayaan ko na lang siya. Habang tinitingnan ko siya hindi ko alam kung bakit pero basta ang alam ko kailangan ko ‘tong gawin para sa ikatatahimik ng makulit kong utak. Niyakap ko siya.   "What's wrong?" tanong ni Cloak.   "Nothing. Let me hug you please."   Naramdaman ko na yumakap siya sakin. Huminga ako ng malalim ng niyakap niya pa ako ng mahigpit. I love this. I love being in his arms.   "I want to be with you." Sabi ni Cloak.   "I can't be that kind of woman, Cloak. Not even when the time comes that I'm ready to start again."   "I don't believe in forever Fierce. People come and go. I just want to enjoy my time with you."   "I can't."   "Don't rush things."   Bumuntong hininga ako. Tama naman si Cloak eh. Binibigyan naman niya ako ng oras kahit na natalo na ako. I guess wala naman akong magagawa. Usapan ay usapan. Besides, being his apprentice in that matter. I'm kinda expecting it.   "What would you teach me anyway? If that...you know."   "Different ways to pleasure you."   Nasamid ako bigla. How could he be so blunt about it? "Ewan ko sayo."   "..........."   "I know you're serious."   "........"   "Ewan ko sayo! Mag salita ka nga."   Nginitian lang niya ako. Pagkatapos ay inabot niya sakin ang malinis na t-shirt. Kukunin ko na sana since binibigay niya sakin pero iniwas niya lang yon.   "What?" tanong ko.   "Raise your hands."   I rolled my eyes at him pero ginawa ko ang sinabi niya kahit nagtataka ako sa kinikilos niya. Naramdaman ko na dumulas sa katawan ko ang t-shirt. Sinuot niya sakin. "You don't need to do that."   "..........."   Inalalayan niya ako papunta sa passenger seat. Napasinghap ako ng umuklo siya at hinila ang seatbelt ko. Pagkaraan ay kinabit niya na iyon.   "How do you feel Ma'am?” tanong niya.   "Hot— I mean, fine."   Ngumisi siya pagkatapos ay sinarado na niya ang pinto. Umikot siya papunta sa driver side. Nang maka-upo siya ay sinapian na naman ako ng kung ano. Tinanggal ko ang seat belt ko at gumapang ako papunta sa kaniya. At dahil maluwag ang t-shirt niya na suot ko it revealed a lot more than I should reveal. Napangiti ako ng mapasinghap siya.   Hinila ko ang seatbelt niya at ikinabit. Nang makabit ko na ay umupo na ako at nginitian siya. Kinabit ko na rin ang seatbelt ko.   "How do you feel sir?" tanong ko.   "..............."   "Speechless?"   "I feel so hot so beware."   Tinawanan ko lang siya at dumikwatro ako. Nakangiting tumingin na ako sa harapan. Nilingon ko siya ng hindi parin kami umaandar.   "What?" tanong ko.   "I really want you."   "Cloak..."   "I know."   I must be insane. I'm not ready for a relationship but I'm kind of looking forward to be in his arms. I'm not ready yet I can't help to tease him back when he's starting to be naughty. And I'm not ready to love yet I can't run away from him.   When it comes to this man, everything is full of tangled emotion.   Pinaandar na niya ang sasakyan. Tahimik lang kaming dalawa. Not an awkward silence. Parang natural lang. Yung feeling na kasama mo ang itaong lang taon mo ng kasama at sanay ka na kahit tahimik lang kayo. Kahit hindi na kayo gumawa ng small talks. Ang weird lang kasi sa sitwayon namin, kailan lang naman kami nagkakilala, pero pakiramdam ko ang tagal na naming magkakilala. Like our souls had met each other back then.   "Punta tayong The Camp." Sabi ni Cloak.   "Okay. Na-mi-miss ko na din sila."   Nag-drive na siya papunta sa The Camp. Wala namang masyadong traffic at mabilis mag drive si Cloak. Humilig ako sa upuan at pumikit. Hindi naman ako inaantok. Gusto ko lang pumikit.   Nang maramdaman kong huminto na kami nanatili akong nakapikit. Narinig kong nagtanggal siya ng seat belt. Maya-maya nawala narin ang seat belt ko.   "Open your eyes angel. Alam ko na hindi ka tulog." Sabi ni Cloak kaya dumilat ako at ngumiti.   "How?"   "I'm tuned to you more than you imagine."   Napakurap ako. Nakangiting bumaba na siya ng sasakyan at umikot sa side ko. Pagkatapos ay inalalayan niya ako sa pagbaba at sinirado na niya ang pinto.   "Home." Sambit ko.   ".............."   "Tahimik ka na naman diyan."   "............."   "Whatever."   Pagpasok namin sa The Camp tumuloy kami sa 'Craige' restaurant. Naabutan namin na nagsisigawan si Quin at Hade kahit na magkalayo sila.   "Sabihin mo nga Thea diyan sa isang yan wag akong tingnan!" sigaw na sabi ni Quin kay Thea.   "Pakisabi nga din ‘to Thea na, hindi porque nakatingin ako sa direksyon niya ay siya na ang tinitingnan ko! Sadyang maganda lang ang katabi niya!"   Napailing ako. Umupo na kami sa isang pwesto ni Cloak habang nagsisigawan pa rin ang dalawa at si Thea na nasa gitna ay nakatakip ang tenga.   "Pakisabi nga Thea sa isang yan, hindi porque mahal niya ako NOON eh pwede na niya akong saktan. Bakit siya mahal ko noon, napatay ko ba siya?" sabi ni Quin.   Napahagalpak ako ng tawa. Tumigil lang ako ng biglang tumingin sakin ang dalawa. Si Thea naman ay tuluyan ng umalis. Bago siya lumagpas hinila ko siya. "Ano bang nangyari sa dalawang yon?" tanong ko kay Thea.   "Nakita kanina ni Quin na tinitingnan siya ni Hade. Tapos ang tinitingnan pala eh ang babaeng kadadating lang na dahilan kung bakit sila nag break. Saglit kakain muna ako at nahihilo ako sa dalawang yan."   Natatawang binitawan ko siya. Umorder na kami ng lumapit samin si Quin na nakasimangot parin. "Carbonara." Sabi ko.   "Spaghetti, got it." Sabi naman ni Quin.   Napangiti ako. Mukhang wala sa sarili si Quin ngayon. Kahit si Hade na kasalukuyang winawalis ang dingding imbis na ang sahig. Pareho silang tuliro.   "Quin." Tawag ko sa kaniya.   "Yes?"   "I want carbonara."   "Oo nga sabi ko nga Carbonara, ikaw silent type of guy anong gusto mo? Tubig? Bagong dila?"   Kinunutan lang siya ng noo ni Cloak. "I want... Hmmm... Carbonara"   "Sus nag-isip ka pa iyon din pala. Fine... Two spaghetti coming up—"   "CARBONARA!" sabay na sigaw namin ni Cloak.   "Oo nga Carbonara! Kulit niyo ah!" sigaw rin ni Quin bago siya tumalikod at nilayasan kami.   "See that?" baling sa akin ni Cloak.   "What?"   "Dahil sa love love na yan nagugulo ang buhay nila."   "In love ka kay Paige."   Napahinto siya saglit sa sinabi ko. "That's why I don’t want to fall in love again."   Nanahimik na ako. Pareho lang kami ni Cloak, pareho kami na natatakot sa mga bagay-bagay. Sa mga nararamdaman namin. Hindi naman kasi maiiwasan iyon. Pareho kaming may hindi magandang pinagdaanan. Nakakatakot na maulit. Siya natatakot magmahal at ganoon din ako.   Nang dumating na ang pagkain ay pareho kaming napanganga ni Cloak. Spaghetti ang dinala sa amin. Pinaikot ko ang mga mata ko. "Hayaan mo na."   ".............."   "Wala sa sarili si Quin eh."   Kinain na namin ang kulay pula na Carbonara also known as spaghetti. Hindi na namin tinawag si Quin dahil baka bigla kaming kagatin. Mukhang mainit pa naman talaga ang ulo niya. Baka kami pa ang isahog non sa carbonara aka spaghetti niya.   "Eat. Isipin mo carbonara yan." Sabi ni Cloak.   "Iyon nga ang iniisip ko."   Napatingin kami sa pintuan ng bigla kaming nakarinig ng komosyon. Pumasok si Eika na kasalukuyang hila-hila si Yale na nagpapapasag para makawala sa pagkakahawak ni Eika sa kwelyo niya.   "Uy anong gagawin mo diyan?" tanong ko.   "Isasahog ko sa ulam. Walanghiyang ‘to binobosohan ako kanina." Inis na sabi ni Eika.   "Hindi totoo yan!" tanggi ni Yale.   "Tse! Hala dali lakad! Gagawin kitang piniritong manyak!"   Napailing na lang ako. Napatigil ako ng may dumampi sa labi ko. Gulat na nilingon ko si Cloak. "What was that for?"   "A You-Should-Start-Eating kiss."   Meron bang ganon?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD