CHAPTER 40 FIERCE'S POV Lumingon ako sa bumuhat sakin. Si Craige. Madalim ang mukha na pumasok siya sa isang kwarto sa hospital at inihiga ako sa kama. Hindi siya umiimik at hindi din siya nakatingin sakin ng inihiga niya ako roon. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana na parang malalim ang iniisip. Nang tumingin siya sakin ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapaiyak. Kitang kita sa mga mata niya na humihingi siya ng tawad. Ngayon ko lang nakita na ganito si Craige. Napaupo siya sa upuan malapit sakin at nakayuko na sinabunutan niya ang sarili niya. Pero hindi ko siya kayang konsolahin dahil kahit ang sarili ko ngayon hindi ko matulungan. "Ibalik mo ako kay Cloak, Craige. Please." Pakiusap ko. "Masokista ka ba? Do you think you can handle the pain kapag na

