CHAPTER 38 CLOAK'S POV Nagmamadali akong nagmamaneho. Nakuha na namin ang totoong Jarrice. She looks far different from Fierce. Puro galos siya at puro pasa. Nasa The Camp na siya ngayon at ginagamot. Ang hinahanap namin ngayon ay ang peke na Jarrice na ginaya ang mukha ni Fierce. Kanina pa namin siya hinahanap at hindi namin alam kung nasaan siya. Kung hindi pa namutla si Tita Sage at sinabi samin ni Craige kung nasaan si Fierce hindi pa namin malalaman. Nasa passenger seat si Craige at mukang natataranta narin siya. Pareho naming alam na nasa panganib si Fierce. I didn’t know. Hindi ko alam na mapapahamak siya. I'm so stupid. Pinasundan ko siya. Alam ko na nasa isang hotel siya tumira. Doon nag-lead ang tracker niya. Hindi siya lumalabas sabi ng pinasunod ko pero sinabi ni T

