CHAPTER 37 FIERCE'S POV "Alam mo ba ang ganda mo, sa umaga man o sa gabi. Para kang dyosa na dumaan sa buhay ko. Ang iyong nakakahalinang ganda—" "Pwede ba Yale? Gusto mong salaksakin ko yang bibig mo ng sandok kapag hindi ka tumigil? Isa pa gagawin ko na talaga." Banta ni Eika kay Yale. "Eika aking mahal! Oh bakit? O bakit? Ang puso ko ay iyong sinaktan sa iyong pag-iwas sa aking pusong umiibig—" Natawa ako ng dinampot ni Eika ang sandok at ipinalo sa ulo ni Yale na tumakbo at nagtago sa likod ko para hindi siya tamaan ni Eika. Nandito kami sa kusina at kanina parin sila nag-aasaran. Actually para na akong wall flower dito dahil nakatunga-nga lang ako sa kanila. Halos isang buwan na kami dito at ilang mission narin ni Cloak ang natulungan namin siya. Pero iyong kay Ja

