CHAPTER 36 FIERCE'S POV Naglalakad ako sa pasilyo ng isang hotel. May dala-dala akong may kahabaan na attache case pero luckily napasok ko yon ng hindi kailangan ipa-check. Napapangiti ako habang naririnig ko ang mga pang-aasar ni Eika kay Yale sa listening device na gamit namin. Papunta kasi sila sa kabilang hotel. Si Eika mag-iistay sa lobby. Si Yale naman back-up ni Cloak doon. Hindi niya nga alam na may back-up siya. "Pwede mamaya na kayo magtalo? Kasi mamaya mapahamak ang Cloak ko, kayo ang malalagot sakin. Itatali ko kayo magkasama at ihahagis ko kayo sa rooftop ng hotel na ‘to." Sambit ko. "Ang morbid mo masyado." Sabi ni Eika. "Aba light pa yan." Narinig ko siyang tumawa at napailing na lang ako. Nagmamadali na tumakbo ako paakyat at nag dahan-dahan lang a

