THE PLAYER 8

879 Words
JAVI DAMN! Hindi ko maigalaw ang isang braso ko. Ang huling naalala ko ay nanggaling kami sa presinto. Agad naman ako napabalikwas ng bangon. Pgkamulat ng mga mata ko, bumungad naman sa akin ang puting paligid. “I'm dead already?” nakakunot ang noo na sambit ko naman. “Bro, nahimatay ka lang. Hindi ka pa patay.” Pumihit naman ang ulo ko sa kanan. Si Tres. Nakasubsob ang ulo sa lamesa na parang antok na antok pa ito. “Hey, where am I?” tanong ko rito. Umangat naman ang ulo nito at naniningkit ang mga mata na nakatingin sa akin. “Heaven,” aniya at sumubsob ulit ito. “Bastard! So I'm dead?!” Sigaw ko naman. Tumayo naman ito at panay ang hikab. “Yeah. You can see? I'm here to take you back. I asked San Pedro na kunin muna kita at ibalik sa lupa. You know, marami ka pang obligasyon na dapat tapusin!” Napanganga naman ako. Maya-maya lang may nagbukas ng pinto at pumasok sina Damon, Dos at Rhenz. “Hey, are you okay?” Tanong naman ni Damon. Tiningnan ko naman si Tres. Nakangisi ito at patay malisya. “Asshole!” Saad ko naman at humalakhak naman ang gago. “Bro, puwede ka na makalabas. Hindi naman napuruhan ng bala ang braso mo,” aniya ni Dos. “s**t! Ayoko na manligaw. Mamamatay ako ng maaga nang dahil kay D!” inis na sabi ko naman. Napansin ko naman ang mukha ng mga kaibigan ko. Namumula na ito dahil sa pagpigil ng pagtawa. Tumikhim naman si Damon. “Ahm…marami pa namang babae. And of course, pinipilahan ka ng mga kabataan, bro.” “f**k! May kaso na ako sa anak ni congressman! Ayoko na madagdagan ang sakit ng ulo ko!” sabat ko naman at tumayo. Basta ko na lang kinalas ang dextrose na nakakabit sa aking kamay. “Bayad na ang bills mo. And iyong kotse mo sa labas ng hospital. If you want, I'll drive you,” sabi naman ni Dos. “Kaya ko na and thanks sa inyo,” sagot ko naman at kinuha ang susi ng sasakyan ko kay Dos. Mabuti na lang may damit na dala si Rhenz at nakapagbihis ako. Sabay na kaming apat lumabas ng silid. At hindi na bago sa amin na pagtitinginan kami. Of course, sanay na kami. “Kailangan ko na umuwi sa probinsya. Nandoon ang mga bata. Si Bry lang ang nagbabantay sa kanila. “I'll come with you,” sabat ni Tres. “Thanks. Hindi ko pa kaya mag drive ng napakalayo.” “Okay. Mag-ingat kayo. Baka bibisita rin kami doon. Medyo busy pa,” sagot naman ni Dos. Hindi na kami nagtagal nag-usap at kanya-kanya na kami pumasok sa aming sasakyan. Inabot ko naman kay Tres ang susi. “Wala ka bang pinag-abalahan?” tanong ko naman rito. “Wala pa naman. Gusto ko muna magpahinga and you know, I like kids.” Tinaasan ko naman ito ng kilay. “I'll take a nap. Medyo nanghihina pa ako,” sabi ko na lang rito. “Okay. Mag da-drive thru muna tayo.” Tumango na lang ako at hinayaan na tangayin na lang ako ng antok. Alam naman ni Tres kung saan ang hacienda ni Bry. Nakailang punta na rin ito. “Bro? Bro.” “Hmmmm….” Napamulat naman ako at sabay tingin sa bintana. “Nandito na tayo.” Natanaw ko na nga ang bahay ni Bry. Hindi ko namalayan na nakatulog ako ng napakatagal. “Tinawagan ko na si Bry and he's waiting,” saad ni Tres. Tiningnan ko naman ang suit kong relo. Alas diyes na ng madaling araw. Pagpasok ng sasakyan sa loob, nakaabang naman si Bry. Nagkamustahan lang kami saglit at pumasok na sa loob. Dumiretso naman kami sa mini -bar at naghanda ng alak si Bry. “Panay ang tanong ng mga bata sa’yo,” aniya ni Bry. Napangiti naman ako. “Thanks bro, sa pag-aalaga sa kanila.” “No problem. Nag-eenjoy din naman ako.” Habang nag-iinuman kami, napag-usapan na rin namin ang tungkol sa mga negosyo. Saglit naman kami napatigil dahil sa babae na dumaan ito sa harap namin at pumunta sa kusina. “Gab? Gabrielle?!” Usal ko naman. Nakatingin naman ako kay Bry. “Bakit nandito ang anak ni President Lee?!” Kahit si Tres nakakunot din ang noo. “s**t! Kinidnap mo?!” tanong ko kay Bry. “I'll explain that,” sagot naman ni Bry. “s**t, Bry! Malaking gulo ito!” sabi ko naman. “Kung hindi pa alam ng mga Lee na nawawala si Gabrielle, isauli mo na,” sabat naman ni Tres. Napabuntonghininga naman ako. “Bro, nandito ang mga bata. Tapos nandito rin si Gabrielle. Paano kung sugurin tayo ng mga tauhan ng presidente. Madadamay ang mga inosenteng bata! s**t!” “I'll handle this, okay. Relax. Ililipat ko rin siya ng bahay.” Huminga naman ako ng malalim. “She's only seventeen. Gago din ako, Coloner..pero hindi naman dumating sa point na ikukulong ko ang babae at ilayo sa kanyang pamilya. Pag-isipan mo yan ng mabuti. Kaibigan pa natin ang mga kapatid niya.” Tumango na lang ito. Wala rin kami magagawa kung ano ang desisyon nito. He's f*****g obsessed!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD