JAVIE
“ARE you sure na si D talaga ang liligawan mo?” nakataas naman ang kilay na tanong sa akin ni Geller.
“Of course! Kaya nga humihingi ako ng tulong sa Inyo eh!”
Kasa-kasama rin namin ni Dos si Rhenz. At panay ang hikab na parang ilang buwan na napupuyat.
“Bigyan mo ng bulaklak,” imik naman ni Bright.
“Alright. Let's go, bibili tayo ng bulaklak,” aniya naman ni Geller.
Isang sasakyan lang ang dala namin. Si Dos na ang nagmamaneho.
“Dyan na lang tayo bibili ng bulaklak,” turan ko naman.
Itinabi naman ni Dos ang sasakyan. Marami-rami rin ang bumibili. Pagbaba namin ng sasakyan, nakanganga pa ang ibang kustomer na nakatingin sa amin. Agad naman may sumalubong sa amin at tinanong kung anong klase ng bulaklak ang gusto naming bibilhin.
“Bakit naiiba ang bulaklak dito? What I mean is this flower shop is weird,” imik naman ni Rhenz.
Napansin ko rin na halos mga puti ang mga naka-display na bulaklak. Naiiba rin ang arrangements.
“Alin po sa inyo mga sir?” Tanong ng tindera.
“Bigyan mo kami ng dalawa na ganyan,” turo naman ni Geller.
“Ah sige po,” malapad naman ang ngiti ng tindera.
“Bakit amoy pang-patay ang mga bulaklak na ito?” Reklamo naman ni Bright.
Tumawa naman si Geller. Pagkatapos Kong bayaran ang tindera, agad din namin ito isinakay sa sasakyan.
“Pupuntahan na ba natin si D?” nakangising tanong ni Geller.
“Yeah. Sa police station na tayo dumiretso,” sagot ko naman.
I'm so excited to give those followers. Syempre, na imagine ko na agad ang malapad na ngiti ni D.
“I don't like the smell talaga,” reklamo naman ni Bright.
“f**k! Baka iyong ilong mo ang may problema!” sigaw ko naman rito.
Sobrang sensitive talaga ang gagong ito. Hindi naman masyado malayo ang police station kaya agad naman kami nakarating.
“Ako muna papasok. And tatawagin ko na lang kayo para ipasok ang bulaklak, okay?” saad ko sa dalawa.
Nakasimangot naman ang dalawang kaibigan ko. Well, naranasan ko rin naman na taga hatid ng mga bulaklak sa mga asawa nila noon.
Pagpasok ko sa loob, halos napatigil ang lahat sa kanilang mga ginagawa.
“Oh. Salvacion!” Bungad naman ni Bea sa akin.
Iisang department lang sina Bea, Jenny at D.
“Ahmmm, si D?” tanong ko rito.
“Sergeant Cole! May Drug Lord na naghahanap sa’yo!” Sigaw ni Bea.
Shit! Walang preno-preno talaga ang bunganga ni Bea. Iyong ibang kapulisan naman nakanganga na nakatingin sa akin. Napatayo naman akong tuwid nang pagkakita ko kay D.
“H-Hi,” nabilaukan pa ako ng laway nang binati ko ang dalaga. Sobrang awkward naman kasi na maraming audience.
“Ano kailangan mo?” diretsong tanong naman ni D.
“Ahmmm.. p-puwede ba sa labas ko na sabihin?” sabi ko naman rito.
“You're wasting my time, Salvacion. Kung may kailangan ka or sasabihin, dito na sa loob!”
“L-liligawan sana kita,” nahihiyang sabi ko naman. Ramdam ko naman ang pag-init ng buong mukha ko.
“Wow! Wow! Ikaw ba yan, Javier? May naligaw bang mabuting espiritu na sumanib dyan sa katawan mo?” natatawang saad ni Bea.
Inirapan ko naman ito.
“D, may ibibigay lang ako sa'yo. Wait.” agad naman ako lumabas at pinuntahan ang dalawa.
“Boys, bring the flowers,” utos ko naman sa dalawa.
Agad naman bumaba ang dalawa kong kaibigan. Bitbit nila tig-iisa ang bulaklak. Nakasunod naman silang dalawa sa aking likuran.
Pagpasok naman namin sa loob, nanlalaki naman ang mga mata nila. Napangiti naman ako. Siguro namamangha sila sa ganda ng bulaklak.
“D. Flowers for you.”
Humalakhak naman ng pagkalakas si Bea. Samantala ang ibang mga pulis naman parang takot ang mga ito tumawa.
“What? Ang bully mo talaga, Bea!” reklamo naman ni Dos.
“How dare you! Tarantado!” sigaw naman ni D sa akin.
Nagtataka naman ako. Siya na nga ang binigyan ng bulaklak, siya pa ang galit.
“Come on, D. Ang layo pa ang binayahe namin para lang bumili ng mga bulaklak. Dapat ma appreciate mo ang lahat na effort ni Salvacion,” sabat naman ni Rhenz.
“Umalis na kayo habang kaya ko pang magtimpi! Isa! Dalawa-!”
“Wait! Tanggapin mo muna ang mga bulaklak na ito bago mo kami paalisin! Sana sinabi mo dito kay Salvacion na ayaw mo ng bulaklak!” nakasimangot naman na saad ni Geller.
“Saang planeta ba kayong tatlo nanggaling? O baka may pagkatanga lang kayo,” nakangising sabi naman ni Bea.
“Ang sakit mo magsalita, Bea!” naiiritang sabi ko naman rito. Minsan napaisip na lang kami, bakit kaya kami natatakot sa mga babaeng ito? Pero alam din namin ang mga sagot.
“Mga gago! Bulaklak ng patay ‘yan eh! Bitbitin niyo ang mga bulaklak na ‘yan at umalis na kayo!” Sigaw ni D at sabay kasa ng kanyang baril.
“Oh s**t!” Agad naman binitbit ni Bright ang isang bulaklak at tumakbo palabas.
“D. I'm sorry. Hindi ko alam na-.”
Umalingawngaw naman ang putok ng baril.
“B-bro, may tama ka!” aniya ni Dos at kumaparipas na ito tumakbo palabas.
“Damn!” agad ko naman kinuha ang isa pang bulaklak na iniwan ni Dos at tumakbo na rin ako palabas.
Putang-ina! Akala ko biro lang na barilin kami! Nabaril na nga ako!
“Are you okay, bro?” hingak na tanong ni Geller sa akin .
“Malalim yata ang tama,” nanghihinang sabi ko naman.
“Dalhin ka na namin sa hospital! Damn! Huwag na lang si D ang ligawan mo, mauubos ang lahi natin,” aniya naman ni Bright.
Tinulungan naman nila ipasok sa loob ng sasakyan. Nanlalabo na kasi ang paningin ko.
“Hey, Salvacion. Huwag kang bumitaw bro! Maghahanap pa tayo ng magagandang bulaklak!” Sabi naman ni Geller.
“Hmmm…bro. Kapag mamatay ako, ang mga bulaklak na ito ang ilagay niyo sa kabaong ko,” usal ko naman.
“Putang-ina mo, Salvacion!” Sabay na sabi ng dalawa.
“Ipasok ka pa namin sa Andres Bonifacio Clan! Kaya ipagpatuloy mo ang iyong nasimulan! Tingnan mo kami. Gago!”
Napaayos naman ako ng upo. “Huwag na, kayo na lang! Ayoko na under de saya!”
“So payag ka ba na ibang lalaki ang hahalik at magro romansa kay D?” tanong naman ni Bright.
“No! Tulungan niyo ako maghanap ng bulaklak ulit!” Sabi ko naman at tuluyan na nga nandilim ang aking paligid.
“Putang-ina ka talaga, Javier! Huwag ka muna mamatay!” ang huling boses ni Dos ang narinig ko at blangko na ang lahat sa akin.