Prologue
-ANYA-
"Listen,Anya,you need to do this kung hindi sa kangkungan tayo pupulutin,"malumanay ngunit may diing wika ni Daddy sa akin. Nakapagtatakang kagagaling niya lang sa sakit pero parang ang lakas naman niyang tingnan. Parang wala naman siyang sakit.
Hindi ako sumagot. Ano ba namang klaseng buhay to?
Nagpakalayo-layo na nga ako pero heto at pinauwi ako ng mga magulang ko dito sa Davao dahil may nangyari sa kabuhayan namin.
At ako lang daw ang makakatulong para maisalba ito.
Ano naman kaya ang maitutulong ko ee wala akong alam sa pagnenegosyo,oo at natapos ako ng Business Administration, kaso wala naman akong hands-on experience sa pagpapatakbo ng negosyo. Si Dad lang naman ang mapilit na yon ang kunin kong kurso kahit di naman yon ang hilig ko. Kaya ayon pagkagraduate ko,nagdecide agad akong pumunta ng ibang bansa para sundin naman ang gusto ko,ang pagmomodelo.
Kaya wala akong ideya kong saan banda ako makakatulong sa bumubulusok naming kabuhayan..
Hanggat maari ayaw ko na sanang tumuntong pa sa lugar nato.
Sa lugar kong saan ang dami kong alaala kay Phaton,na ngayon ay masaya na kasama ang pamilya niya.
Yong pamilya na pinangarap naming dalawa na balang araw ay bubuohin namin.
Pero wala,aksidente siyang nakabuntis ng ibang babae.
Kaya ayaw ko na sanang umuwi dito sa Davao,dahil kahit taon na rin ang nagdaan di ko pa rin magawang magmove-on kay Phaton.
Pero dahil naospital ang Daddy napilitan akong umuwi bilang nag-iisang anak nila.
"Are you even listening to me iha?"this time medyo malumanay na ang pagkakasabi niya sa akin.
Napatingin lang ako sa Daddy ko na nakahiga sa hospital bed. Katabi niya ang mommy ko.
"What do you want me to do? Alam mo naman Dad na wala akong alam sa pagpapatakbo ng business," napahinga ako ng malalim,pakiramdam ko natalo ako sa laban.
"You need to see Mr. Zain Tyrone Mendex as soon as possible..I was hoping he would help us."
Napatingin ako kay Dad na puno ng pagtataka. Tama ba ang dinig ko. Dapat akong makipagkita kay Zain Tyrone Mendex?
Kay Zain na dati kong manliligaw noong college.
Muntik ko na siyang maging boyfriend kong hindi ko lang nalaman na nakatakda na pala siya para sa isang fixed marriage pagkatapos naming magcollege.
Nang malaman ko yon,agad ko siyang binasted kahit ang totoo may nararamdaman na din ako sa kanya,handa na sana akong sagutin siya that time. Kung di ko lang nalaman,palibhasa hindi niya naman sinabi sa akin. Kaya sa pag-aakalang ayaw niyang ipaalam sa akin di ko na rin siya tinanong,agad ko siyang binasted at sinagot si Phaton.
Hindi pwede to!
Bakit naman ganito.
Ayaw ko ng makita si Zain,ayaw ko ng magkaroon pa ng ugnayan sa kanya.
Kaso yong tadhana na ang gumawa ng paraan para magkrus ulit ang mga landas naming dalawa.
"Bakit sa kanya pa,Daddy? Bakit hindi na lang sa iba." Oo nga,bakit si Zain lang ba ang pwedeng tumulong sa amin? May iba pa naman sigurong pwedeng malapitan ah,bukod kay Zain,mas nanaisin ko pang manghingi ng tulong kay Phaton,kaysa kay Zain.
"Because sa kanya tayo nagkautang Anya,sinisingil na niya tayo. You need to convince him iha. Convince him to merge our business with him,"napailing-iling ako,saka napatawa. Ang buhay nga naman oo,biruin mot sa kanila pa talaga kami nagkautang! Pambihira naman sa dami ng pwedeng pagkakautangan,kay Zain,pa talaga kami nagkautang. Ang galing naman. Ang galing talaga. Alam ko na ang kahihinatnan nito,batid ko ng hindi ako tutulungan ni Zain.
Nakakatawa ang mga nangyayari.
Kung noon siguro yon..
Noong nanliligaw pa siya sa akin.
Baka magkandaugaga pa si Zain na makuha ako.
"Ang hirap naman po nang pinapagawa nyo dad. Pwede ibenta na lang natin ang mga business natin dito at mag-abroad na lang tayo. Total kaya ko naman kayong buhayin. Sa pagmomodelo ko."sana naman pumayag sila. Ayaw ko talagang humingi ng tulong kay Zain. Ayaw ko na siyang makaharap pang muli.
"Listen Anya,dugo at pawis ang pinuhunan ko para mapatayo ang business na to,sadyang nagkaroon lang ng global crisis,at isa ang Company natin sa mga naaapektuhan. Pero kong mapapayag mo,si Zain na makipagmerge sa atin,malaki ang tsansa na makaahon pa tayo Anya. Please,do this for our family,ito na lang ang maipapamana ko sayo. I've worked hard for this,Anya,buong buhay ko inilaan ko na dito. Hindi ko kayang mawala ang kaisa-isang bagay na meron tayo."Natouch ako sa sinabi ni Daddy,anong klaseng anak ba ako na hindi man lang matulungan ang mga magulang ko.
Palibhasa nag-iisang anak lang ako.
Kaya ako na lang ang inaasahan nilang pwedeng gumawa nito.
"Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko Dad para makaahon tayo. Wag ka ng masyadong mag-iisip Dad,hindi ka pa masyadong magaling."
"Thank you iha. Thank you. "Masayang wika ng daddy ko.
Napatango na lang ako,kahit hindi ko alam ang gagawing pagkumbinsi kay Zain.
But I need to do this.
Sa akin nakasasalay ang lahat. Ayaw naman ni Dad na humingi ako ng tulong mula sa iba. Para kay Daddy tanging si Zain lang ang pwedeng makakatulong sa amin ngayon.
Ang bigat ng loob ko ng makaalis ako sa hospital.
Anong gagawin ko.
Masyadong awkward to. Hindi ko pa yata kayang harapin si Zain sa ngayon.
Pero kailangan,kailangan ko na siyang harapin,kahit magmukha pa akong desperadang froglet sa harap niya.
Tama.
Kailangan ko ng puntahan si Zain,para matapos na to.
Kasalukuyan na akong nakatayo ngayon sa labas ng napakataas na building,kung saan naroon ang Company ni Zain..
Family company ito nina Zain,naalala ko pa,nong college pa kami,hinasa na si Zain ng Daddy niya para mamuno sa kompanya ng pamilya nila.
Na-amaze nga ako kay Zain dati,kasi natural na magaling siya sa paghawak ng business nila. Nasa dugo na niya talaga ang pagiging Business magnate.
Sa murang edad pa lang alam na ni Zain ang pasikot-sikot ng mga negosyo nila.
Balita ko last year lang ata tinorn-over sa kanya ng Daddy niya ang pagiging Ceo,at the age of 27 siya na ang bagong namumuno sa Company nila. Matalino din si Zain kaya di kataka-takang madali niyang natapos ang Masters Degree niya. Accelarated siya palagi dahil nga sa angking talino na meron siya. Saka yong training niya para sa posisyon niya ngayon ay di basta-basta,ayon sa kwento ni Zain dati,wala siyang teenage life after class diretso agad siya sa Company nila para sa lectures ng Daddy niya,mahirap mang paniwalaan pero sa edad niyang 27 hasang-hasa na si Zain. Hay nakakaproud na ang mga achievement ni Zain,kahit bata pa ito.
Naglakad na ako papasok sa building na yon na puno ng kaba sa dibdib sa maaring kahihinatnan ng muling paghaharap namin ni Zain.
Alam kong maliit lang ang tsansa na harapin o kausapin niya ako ngayon.
Pero makikipagsapalaran pa rin ako.
Wala namang mawawala at least sinubukan ko pa ring lumapit sa kanya.
Kasi yon ang gusto ng Daddy ko,kung hindi dahil sa pakiusap ni Daddy never na talaga akong makikipag-harap kay Zain.
After all ilang taon na din naman ang nagdaan siguro naman sapat na ang ilang taon na hindi naman pagkikita para di pa kami parehas na magmove on sa nangyari sa aming dalawa.
Ang laki talaga ng building na to,isa ito sa pinakamalaking building na nakatayo dito sa Davao.
Isa din ang kompanya nina Zain na nagbibigay ng job oppurtunity sa mga tao dito sa Davao.
Huminga muna ako ng malalim ng nasa harap na ako ng Secretary ni Zain. This is it! Ito na yon nasa loob ng office na yan si Zain,yong pintuan na lang ang nakapagitan sa aming dalawa.
Kung wala yong pintuan na nakaharang,malamang malaya ko na siyang nakikita.
Ano na kayang itsura ni Zain ngayon last na nagkita kami don sa bahay nina Phaton nong inaway ko si Eureka.
"Excuse me,may I talk to Mr. Mendex?"magalang na tanong ko sa secretary niya.
Medyo busy ito.
Kaya matagal bago niya ako nasagot.
Ilang saglit pa ay nag-angat na ito ng tingin.
Friendly naman yong aura niya,di katulad ng ibang secretary na medyo strikta na wala sa lugar.
"May appointment po ba kayo?"Agad na sagot niya.
" Wala akong appointment ee.Just tell him Anya Garcia is looking for him,"sana naman harapin niya ako,piping hiling ko.
Tumango lang siya saka,inangat ang connecting line sa office ni Zain.
"Hello Sir a certain Anya Garcia is looking for you. Should I sent her in? Ok po Sir. " Ibinaba na niya ang intercom saka humarap siya sa akin," I'm sorry Miss Garcia pero may meeting po si Mr. Mendex ngayon."
Nadismaya ako sa narinig na sinabi ng Secretary ni Zain,pero di na lang ako nagpahalata. "Ah,ganon ba,ok lang hihintayin ko na lang siya. I need to talk to him lang kasi."Expected ko naman na busy talaga si Zain. Tsaka hindi man lang ako nag-paabisong pupunta.
"Kayo po ang bahala Miss Garcia pero hindi ko po alam kung anong oras siya matatapos."
"Ok lang maghihintay na lang ako. Sige salamat. "Tama,may kailangan ako kay Zain kaya kailangan kong maghintay kong kailan pwede na niya akong iaccomodate. Pagkatapos kong makausap ang secretary niya,naglakad na ako papunta sa recieving area na nandoon. Dito ko na lang siya hihintayin,hindi naman siguro magtatagal yong meeting niya.
Zain
"Hello Mr. Mendex,she insisted na hihintayin ka niya hanggang sa matapos ang meeting mo."nasira ang mukha ko ng marinig ang sinabi ng Secretary ko mula sa kabilang linya. Anong masamang hangin ba ang nagdala sa babaeng yon dito? Tsssk,ayaw ko siyang makita! Pagkatapos ng mga nangyari sa pagitan naming dalawa may guts pa siyang magpakita sa akin?
Sinalakay na naman ang sistema ko ng pamilyar na pait,ng marinig ulit ang pangalan ni Anya.
Hmmm,bat ganito akala ko ba,ok na ako?
Tssssk,dapat hindi ko na to maramdaman towards her.
Akala ko maayos na ako.
Pero akala ko lang ata yon,dahil ang totoo,hindi pa pala ako okay!
Hindi pa din pala ako handang makita o makaharap man lang siya.
Hindi biro yong sakit na dinanas ko mula kay Anya.
Oo,manliligaw lang naman niya ako,that time.
Pero iba yong pagkakaintindi ko sa relasyon naming dalawa dati,feeling ko formality na lang ang sagutin niya ako. Kasi kahit hindi niya pa ako sinasagot,lahat ng gusto niya binigay ko na.
I even made her dreamhouse,I even bought an Island,kasi pangarap niya yon dati. Surprised ko sana sa kanya yon,after graduation namin. Kaso,hindi ko alam bigla na lang niya akong tinanggihan.
Nasaktan ako ng labis dahil sa ginawa niya. Wala akong makitang dahilan para gawin niya yon sa akin,akala ko kasi that time na okay na kami.
But I guessed,mali pala ako ng akala.
Nagising na lang ako isang umaga,may boyfriend na siyang iba,leaving me hanging!
Ni wala akong ideya kong saang banda ako nagkulang sa panliligaw sa kanya.
Maeffort akong tao,and Anya is my first love sa kanya ko unang naramdaman ang lahat.
Yeah,lahat.
Dahil siya din ang first heartbreak ko,na halos ikasira ng buhay ko!
Huh!
Masyado na ata akong nadala sa mga nangyari sa nakaraan ko.
Akala ko talaga nalet-go ko na tong grudges ko towards her.
Pero bakit parang bumalik ata!
Yong multo ng sakit na dulot ng pang-iiwan niya sa akin dati,bakit pakiramdam ko muli siyang nabuhay!
Erase! Erase! Ayoko ng maalala ulit yong sakit lahat ng sakit na pinagdaanan ko dati!
Ok na ako ee.
Bat kailangan pa niyang bumalik!
Bat kailangan pa niyang ipaalala ang lahat.
Bakit?
I hate her!
Yon naman talaga ang dapat!
Di naman biro yong sakit na idinulot niya sa buong pagkatao ko!
Kaya deserved niyang di tratuhin ng maayos!
Tapos ngayon,malalaman ko na lang nandito siya sa labas ng office ko,at gusto niya akong makita.
Wow,nga naman! Ang lakas din naman ata ng loob niya. What makes her think na haharapin ko man lang siya.
Such a pity!
Ah,naalala ko na,sinisingil ko na nga pala yong Daddy niya sa mga inutang nila mula sa amin. So posibleng pinadala siya ng Daddy niya dito,para ano? Para manghingi na naman ng palugit!
O para magmakaawa na wag ko ng kunin yong Business nila na papalubog na!
Hmmm,nakakatawa naman.
Karma nga naman,Oo.
"Alam mo naman na wala akong meeting diba? Ayaw ko siyang makita,kaya paalisin mo na siya and make sure na hindi na siya muling makakapasok pa dito! Put her on the blocklist!"naiinis na wika ko! Wala akong panahong makipagplastican sa babaeng yon. Ano yon,magkakaroon kaming dalawa ng reunion!
A bittersweet reunion!
What the hell!
She's just wasting my time!
Ang ganda na ng araw ko kanina,nasira lang dahil sa muling pagsulpot ni Anya dito sa Office ko! Asa pa siyang tutulungan ko siya!
Muli ko na lang binalik sa trabaho ang focus ko,hindi ko na inisip pa si Anya. Hindi naman siya worth it na pag-aksayahan pa ng oras.
If only I can turn back the time,ibabalik ko talaga yong oras doon sa panahong hindi ko na sana siya nakilala pa!
Don sa panahong hindi man lang ako nag-effort na pasagutin siya.
I hate her!
Yeah,tama,hanggang ngayon galit pa rin ako sa kanya!
Past 10oclock na ng gabi ng maisipan kong umuwi.
Damn gabi na pala.
Ee ano naman ang bago,palagi naman akong late na kong umuwi!
Paglabas ko ng office wala na ang secretary ko.
Sabagay pinauna ko na siyang umuwi.
Ang tahimik na ng paligid ako na lang yata ang hindi pa umuuwi.
Kung sabagay mula ng magtake-over ako bilang bagong Ceo ibinigay ko na ang halos lahat ng oras ko,dito sa kompanya. Ayokong madisappoint ang Daddy ko,malaki ang tiwala niya sa akin kaya kailangan kong galingan ang trabaho ko. Kahit minsan may mga times na ang sarap ng sumuko.
But I need to be tough.
Naglakad na ako papuntang Elevator ng namataan ko na parang may taong naka-upo pero parang natutulog sa recieving area.
Dahan-dahan akong lumapit. Para alamin kong sino ang taong yon.
Nacurious din ako,bakit may tao pa doon ng ganitong oras.
First time na may tao pang naiwan dito.
Hindi ba nagcheck yong mga security.
Nang makalapit na ako saka ko lang nabistahan ng maayos yong taong natutulog sa couch!
Si Anya?
Si Anya lang pala.
Hanggang ngayon nandito pa siya.
Sa pagkakatanda ko, tanghali pa ng pumunta siya dito.
Bat naman nandito pa siya,malinaw naman yong sinabi ko sa secretary ko na paalisin na siya at ilagay na sa blocklist. So anong nangyari at nandito pa siya?
Ganoon ba siya kadisperada para hintayin ako ng halos sampung oras?
Akmang gigisingin ko siya ng makita ko ulit sa malapitan ang mukha niya. Nagdalawang isip akong gisingin siya.
Galit ako sa kanya,kaya dapat wala akong pakialam sa kanya!
Hindi ko maintindihan ang sarili ko,sigurado akong galit ako sa kanya,pero bakit ganito,hindi ko kayang hayaan na lang siya doon!
Nang makalapit na ako sa kanya,nabistahan ko ulit ang mala-anghel niyang mukha.
Napapikit ako.
Damn.
Naiinis ako sa sarili ko.
This is not happening to me.
May kakaiba kasi akong naramdaman na diko maipaliwanag.
Siguro dahil kahit papano may pinagsamahan din naman kami ni Anya dati.
Aaminin ko I used to loved her.
Pero tapos na ang kabanatang yon ng buhay ko.
Aalis na sana ako.
Saka ipapagising ko na lang siya sa mga security guards ng bigla akong kinain ng konsensya.
"What the heck,Zain!"pagkausap ko sa sarili ko!
Hindi ko na siya dapat na gisingin pa! Dapat sa kanya iiwan na lang doon,pero bakit iba ang sinasabi ng puso ko kaysa sa utak ko!s**t!
"Hey, wake up Anya. "Sabay yugyug ko sa balikat niya.
Bahagya siyang gumalaw kaya agad akong napalayo sa kanya. Hindi na ako dapat na lumapit sa kanya!
Wrong move!
Dahan-dahan niyang binuka ang mga mata niya.
Ah those lovely eyes. Naman! Talagang nakuha ko pang iappreciate yong mga mata niya.
Youre busted,Zain!
"Gabi na "Malamig na wika ko sa kanya.
Napatingin lang siya sa akin. Na para bang,nagtataka.
Pero agad din siyang nakahuma.
"Good evening,Mr.Mendex. "malambing na wika niya.
Tumango lang ako.
Saka walang paalam na tinalikuran ko na siya.
Total gising na naman siya.
Safe naman siya hanggat nasa loob siya ng building ko.
"Wait Zain,"tawag niya sa akin.
Saka ramdam kong nagmamadali siyang habulin ako.
Pero wala ako sa mood na kausapin siya.
Kaya hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy lang din ako sa paglalakad.
"Please Zain. Wait up. "Halata sa boses niya ang pagmamakaawa.
Saglit akong napahinto ng matantong parang umiiyak siya.
Saka dahan-dahan ko siyang nilingon.
Only to find out na naka-upo na siya sa sahig.
"Anong ginagawa mo dyan?"kunot noong tanong ko sa kanya.
Napayuko siya,"I'm sorry nadapa kasi ako dahil sa pagmamadaling mahabol ka."Parang nahihiya pang wika niya.
Nakatayo lang ako. Sa may di kalayuan sa kanya.
Wala akong balak na lapitan o tulungan man lang siya.
Naalala ko the last time na nagkita kami sa bahay nila Phaton tinaboy niya ako.
Pinilit niyang tumayo.
Pero parang nasprain yata ang paa niya kasi nahihirapan siyang tumayo.
Urrrghhh.
Bakit naman ganito?
Hindi ko siya kayang panoorin lang. Ano na bang nangyayari sa akin?
Tsssk!
Kaya wala sa loob na nilapitan ko siya.
Saka mabilis na binuhat.
"Damn bakit ba kasi ang hilig nyong mga babae sa matataas na heels."Naiinis na wika ko. Karga-karga ko na siya ng marealize ang ginawa ko. Damn!
Pero tahimik lang siyang napakapit sa leeg ko. Para akong napaso ng marealize na magkalapit ang katawan naming dalawa!
"Ok lang po ba kayo Mr. Mendex?"Sinalubong ako ng guard na nakabantay sa main exit.
"Ipahanda ang car ko. "Maawtoridad na wika ko.
"Opo sir. "Nagmamadaling tugon niya.
Ilang saglit pa ay pumarada na sa harap namin ang sasakyan ko.
Binuksan ko ang passengers seat at dahan-dahang inilapag si Anya.
Pagkatapos ay tumabi ako sa kanya.
"Saan tayo sir? "Tanong ng driver ko.
"Saan ka ba pupunta? "Tanong ko kay Anya.
"Gusto sana kitang maka-usap Zain."
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Ito na nga bang sinasabi ko!
"What would I gain if ever na pumayag ako sa gusto nyo. Papalubog na ang business nyo."Inunahan ko na siya,alam ko naman na yon lang ang pakay niya kaya siya lumalapit sa akin ngayon.
"Hindi totoo yan Zain. Masasalba pa ang business namin kung magagawa mong tulungan kami."Halata ang lungkot sa boses niya.
" May answer is No!Wala na akong maitutulong sa inyo,Anya,binigay ko na sa mga magulang mo ang lahat ng palugit na pwede nilang hingin. Its time for your parents to pay their debts sa Company namin. "Matigas na wika ko.
Napayuko na lang siya.
At hindi sumasagot.
Hindi ko alam kong anong tinatakbo ng isip niya.
Ang tahimik namin habang nakasakay kami sa kotse.
Ng biglang tumunog ng malakas ang tiyan ni Anya.
Nagsalubong ang kilay ko sa narinig.
"When was the last time you eat?"Kunot noong tanong ko sa kanya.
Namula ang pisngi niya dahil sa nangyari.
Napayuko lang siya.
Mukhang hiyang-hiya siya dahil sa pagtunog ng malakas ng tiyan niya.
"Breakfast."Matipid na sagot niya.
"Ano? Kaninang umaga ka pa huling kumain?"sana naman hindi ako nagtunog concern ng sinambit ko ang mga salitang yon! Ayokong mag-isip siya na may concern pa rin ako sa kanya.
Hindi na siya nag-abalang sumagot.
Basta nakayuko na lang siya.
Ano bang nangyayari sa babaeng to,parang napipi na ata.
"Dalhin mo kami sa Eureka's Dishes ngayon din. "Utos ko sa driver.
Tumingin lang siya sa akin ngunit hindi din nagsalita.
Mabuti naman I want peace..
Ayaw ko siyang kausapin.
Hanggang sa makarating kami sa Eureka's Dishes na pag-aari ng kaibigan kong si Phaton na Ex naman ni Anya.
Hindi pa rin kami nag-uusap.
"Let's go. You need to eat. Hindi porket modelo ka hindi ka na kakain. "Malamig kung wika sa kanya.
Napatango na lang siya at bumaba na sa sasakyan.
"Welcome Ma'am, Sir. "Bati ng staff sa amin na nasa may pinto.
"Table for two."Wika ko sa kanya.
Napangiti na ang babae sa akin.
Halatang nagpapansin.
Pero hindi ko siya pinansin.
Sumunod na kami sa kanya.
Habang tahimik pa rin si Anya.
Na paika-ikang naglakad.
.......
Anya.
Kung kailan nasa harap ko na si Zain saka naman ako parang nawalan ng ganang makipag-usap.
Naiinis ako sa kanya.
Bakit?
Pinaghintay lang naman niya ako ng halos sampung oras..
For Christ sake.
Nakakainis talaga.
Kung wala lang akong kailangan sa kanya.
Malamang na hindi ko na siya kakausapin.
Grrr...
Nasira na tuloy ang diet ko dahil sa kanya.
Nagdidiet ako pero hindi ako nagskip ng kahit isang meals.
Mas mahalaga pa rin ang kalusugan kaysa sa kasexyhan.
"Anong kakainin mo?"Tanong ni Zain.
Ano nga ba.
Gutom na ako kaya di na ako mamimili.
"Kahit ano kakainin ko. Gutom na po ako Mr. Mendex. "
Walang reaksiyon sa mukha niya.
Ano ba kasing nangyari sa lalaking to.
Bakit ang cold niya.
Hindi siya ang dating Zain na kilala ko.
Grrrr. Saan na ba kasi yong malambing na Zain.
"Fine. Sabi mo eh. "
Saka ko lang narealize puro maraming carbohydrates food ang inorder niya.
May balak ba siyang gawin akong mataba.
Pero natakam ako habang nakatingin sa mga pagkain na nakaserve sa harap ko.
Inisip ko na lang na cheat day ko ang araw na to.
Bahala na mag-eexercise na lang ako bukas.
Dahil sa gutom ay agad kung sinunggaban ang mga pagkain na nasa mesa.
Mostly pork ang mga pagkain.
Bahala ka Zain ginutom mo ako.
Walang pakialam akong kumain.
Gutom na gutom ako,grabe.
Panay na ang kain ko ng marealize ko na nakatingin lang siya sa akin.
Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil ang dami ko ng nakain pero siya hindi pa nag-umpisang kumain.
"Bakit di ka pa kumakain Mr. Mendex?"
Hindi siya sumagot pero matiim lang siyang nakatingin sa akin.
"Model ka ba talaga?"Halata ang pang-aasar sa boses niya.
Napanganga ako sa sinabi niya.
Diko kasi magets agad ang connection ng tanong niya.
"Bakit? "
"Ang lakas mong kumain."Matipid niyang sagot.
Ah,yon pala.
Syempre gutom ako.
"Sorry Mr. Mendex ha pero talagang nagutom ako at napagod sa kahihintay sa inyo. Kaya kakain ako."Sarcastic na wika ko sa kanya. Kulang pa nga tong kabayaran sa pagpapahintay niya sa akin.
Abat,nginisihan lang ako ng kumag,wala talagang puso!
"Kakaiba ka pala magutom,ano pang kakainin ko eh inubos mo na ang mga pagkain na inorder ko!"Sabi niya sabay tingin sa mesa namin.
Naiinis ako sa sinabi niya.
Pinagbibintangan niya akong di ko siya tinirhan ng pagkain?
Pero ng tingnan ko ang mesa.
Namula ako matapos makitang halos wala na ngang natirang pagkain para sa kanya. Napilitan akong magpeace sign sa kanya.
Ano ba to,nakakahiya naman.
"Sorry nagutom ako eh."Epic talaga. Nakakahiya talaga,kaso naubos ko na yong pagkain.
Sinamaan niya lang ako tingin.