Falling for my ex-suitor. Chapter 28 #suicidal? #Zain Nakatingin lang ako sa pintong nilabasan ni Anya. Nanghina ang mga tuhod ko ng makitang patuloy lang siyang umalis. "Anya! Please wag kang umalis." Pero parang wala siyang narinig at patuloy lang sa paglalakad. Napahawak ako sa mesa na naroon,parang doon ako kumuha ng lakas. Naiiyak na ako. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang maging ganito ang kahihinatnan ng lahat. Tama kailangan ko siyang pigilan. Dahil sa naisip ay nagmamadali akong lumabas. Sana lang maabutan ko pa si Anya. Paglabas ko ng bahay nakita kung paalis na ang sasakyan niya. Dali-dali ko siyang hinabol. "Anya,please mag-usap tayo.Please."sigaw ko habang tumatakbo pero di siya nakinig,patuloy lang siya sa pagpatakbo sa sasakyan niya. Napatingin na

