Falling for my ex-suitor. CHAPTER11 #hurt. #Anya Nakatulala akong nakaupo sa living room sa harap ng malaking painting na ako lang naman ang model. Ang ganda ng pagkakaguhit ni Zain sa akin. Pag nakikita mo ramdam na ramdam mo talaga ang pagmamahal niya. Naiinis ako sa mga nangyayari. Ang laki kung tanga. Alam ko mahal ako ni Zain noon. Pero ngayon mukhang tagilid ang laban ko. Tapos may babae pa siya. Dahil sa naisip ay nag-unahan na namang pumatak ang mga luha sa aking mga mata. Ang sakit-sakit. Parang sinaksak ng ilang beses ang puso ko. Pero kahit ganon. Di ko ramdam na galit ako kay Zain. Oo. Nasasaktan ako. Pero mas naaawa din ako kay Zain. Dahil sa nangyari sa buhay niya ng iwan ko siya. I feltl so guilty. Sobrang guilty ko dahil malaki ang n

